Talk
For a week, I ignored him. Kahit na hindi ito nagpaparamdam. Funny right?
I also ignored my feelings. I'm still confused. Minabuti kong maging abala sa pag-practice ng bagong dance steps. Even in the middle of the night I keep on practicing.
"Rai, hindi ka ba mag-enroll this semester?" tanong sa akin ni Lory nang mag-aya itong magkape. Nasa pinakadulo kami nakapwesto.
I sipped on my coffee when I nodded at her.
"Yes, it's our last semester. Sayang naman.Tumigil na ako ng ilang semester. Naka graduate na mga kaklase natin tapos tayo naiwan " natatawa kong sabi dito. Gusto ko rin naman kasi magkapagtapos ng college. It's also my gift for my Lola.
"Kung sabagay. Sabay pa rin tayo ha!"
I nodded. After namin doon. Naghiwalay na kami dahil kailangan ko pang pumunta sa practice room.
I stayed there for a long hour. Learning some moves and steps. Hindi ko nga lang inaasahan, na mapapa mali ang pag-ikot ko at malakas ang pag-bagsak ko sa sahig. Halos umiyak ako sa sakit ng ankle ko.
Bigla pumasok si Jaeki at nakita ako habang nasa sahig at hawak ang masakit na parte ng paa ko.
"Sh*t! What's wrong Neon." nag-aalala itong lumapit sa akin. Tumakbo ito palabas upang tumawag ng tulong.
Everyone is worried. Hindi ko na alam kung paano kami napunta sa hospital at nakita ko ang sarili kong nakahiga na sa hospital bed. Nasa isang kwarto ako naka-admit. Nakita ko na naka-cast na ang isang paa ko.
"Severe sprained pre." usal ni Rafael nang mapansin ang pagtingin ko sa paa ko.
"Kailan ba daw ako makakalabas?"
Timingin ito sa seryosong si Kirby. Nakatayo lang ito sa may pintuan. "I don't know. Wala pa naman sinabi."
Napabuntong hininga ako. We're preparing for our next concert. Tapos nangyari pa 'toh. Bahagya akong nahiya sa mga kagrupo ko. Magkakaproblema pa dahil sa akin.
Kinagabihan, hindi muna ako pinauwi. The CEO wants me to be check for time to time. They're all worried for what happened.
Umalis na rin sina kuya Allen. Babalik rin para dalhan ako ng damit. I'm only wearing hospital clothes.
Akala ko si kuya Allen na ang dumating nang bumukas ang pinto. Bahagya akong nagulat nang makita si Luigi.
"Kumusta?" ngumisi ito.
"G*gi ang pormal mo tignan ah." natatawa kong bati dito. Nakasuot ito ng nursing uniform. He's in Lory's circle. Naging kaibigan ko na rin dahil kay Lory.
"Ganun talaga kailangan rin magpanggap kahit minsan." May inabot itong gamot sa akin.
"Kailan raw ba ako makakauwi?"
Tinanggap ko ang tubig at ininom ang gamot."Bukas pwede ka ng umuwi. Kaso nga lang, hindi ka muna makakapag trabaho sa lagay na yan." sagot nito.
It's almost a week when I got my injury. Ibinalita pa iyon sa Television.
Our fans are sad when they heard I got injured and I can't participate for this coming concert. I posted an apology letter for what happened and they were worried about me.Buong week akong nanatili sa bahay. Kakabisita lang ni Lola at tito galing sa La Union. Umalis lang rin dahil kailangan nilang umuwi dahil sa trabaho ni tito at walang tao sa bahay. I got so many messages from our fans and my friends, telling me to rest well and asking for my recovery. Ang iba hindi ko na nareplayan.