Condo
After our vacation, naging abala rin kami sa first ever world tour ng grupo namin. We went to Japan, Korean, Singapore, Thailand and even in the USA.
Halos buong taon naging fully booked ang schedule namin. I haven't seen Elias after we spent our vacation together in our house. Naging abala na rin siguro ito. I ever heard him dating a celebrity.
"Hi!" bati sa akin ni Selena nang magkita kami sa anniversary party ng company. She's wearing a Cinderella costume while I'm wearing a white prince costume. The party is a Disney concept.
"Kumusta?" pinatong ko ang inumin ko sa gilid ko at hinarap siya.
It's been a long time since we talked."Ayos lang. Ikaw ba?"
I clicked my tongue "Ayos lang rin"
We awkwardly laughed together."I'm sorry nga pala sa nangyari noon. I can't talked to you kasi nahihiya ako."
"It's okay, I understand. It's also my fault"
Ngumiti ito. Meron pa sana itong gustong sabihin kaso pinili niya na lamang hindi magsalita."Nandito rin pala ang ex mo." naguguluhang tumingin ito sa mukha ko. Nginuso ko ang direksyon kung nasaan si Elias. He's also wearing same costume to me. Kaso kulay itim ang kanya. Kakarating lang nito. Dinumog na siya ng mga naroon.
Bahagya naman akong humanga sa kisig nito. Habang tumatagal gumagwapo ang g*go. Blooming siguro. Gwapo rin naman ako at macho. Kulang nga lang sa gym kumpara sa kanya.
Nakita ako nito, sinipat nito ng tingin si Selena bago binalik sa akin.
Akala ko hindi ito lalapit kaso ang walanghiya papunta na sa amin. Tutulakin ba ulit ako nito?
Bahagya akong nagulat nang nagmamadaling nagpaalam si Selena.Nakakunot ang noo ko nang nasa harap ko na si Elias. Bakit bigla iyong umalis?
Sumunod ito sa akin nang lumabas ako. Nasa may garden na kami.
"Buhay ka pa pala." turan ko dito. Lumapit ito sa tabi ko habang nagsisindi ng sigarilyo. Bahagya akong lumayo sa kanya at ngumiwi dahil sa amoy ng sigarilyo. Napansin niya ito kaya agad niya pinatay at tinapon iyon.
"Bakit namiss mo ba ako?" natatawang tanong nito.
"Hindi naman, lagi ka kasing kinukumusta ni Lola." Tumango ito.
"I went to Macau for some project." paliwanag nito. Nalaman kong engineer pala ang g*go. Nabasa ko sa isang article nang biglang dumaan sa feed ko. Medyo sikat rin ito dahil bukod sa anak siya ng CEO ng pinakakilalang entertainment company ay minsan na ring naissue sa ibang sikat na model at artista.
"Kailan ang alis mo ulit." Tumagal ang titig nito sa akin dahilan para mapaiwas ako.
Gusto ko lang naman matanong.
"Why? You want to come with me?"
Tumawa ako at sinuntok ang braso nito. I saw him looked at his arm where I punched him. I twirled my tongue. Medyo natakot."Pwede naman basta libre mo lahat." pagloloko ko dito. Asa siya. Ako sasama sa kanya? No way!
"Okay. No problem " seryosong sabi nito.
I rolled my eyes bago uminom ng wine.
Hindi ko na pinansin ang sinabi nito.We both stayed there until we decided to go back inside.
I went to my band mates who are also with some of our friends and join their small play. It's like a spin the bottle. Kung kanino matutok ang bunganga ng bote ay siya ang iinom ng alak. Isang shot lang ng isang punong baso ng alak.
Halos tawa kami ng tawa dahil sa laro. They really want us to get wasted.