Together
The management let us go home to spend the important day with our families. Nahihiya akong ayain si Elias na umuwi sa La Union dahil alam kong lagi itong umuuwi sa US para mag-celebrate rin kasama ang pamilya niya.
Umuwi ako ng La union mag-isa, halos umiyak si lola nang makita ulit ako. I hugged her because I missed her so much.
"Lalong gumagwapo ah!" I also hugged tito Joseph.
"Syempre tito, nasa lahi natin e." natatawa kong sabi dito.
We attended the midnight mass together. Lola invited some of our neighbors and relatives in our house. Madami ang hinanda namin. Si tito ang nagluto para talaga sa lahat. We also gave gifts for everyone. Tuwang tuwa si lola sa pamimigay.
I excused myself when my phone rung. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Elias. Pumasok muna ako sa kwarto para konti lang ang ingay dahil nagkakantahan na sa labas.
"Hi" naupo ako sa dulo ng kama ko. Napansin ko na nasa kwarto rin siya.
"Merry Christmas!" bati ko dito.
"Merry Christmas, Rai." Baritong bati nito. Napansin ko na parang nakainom na siya.
"I want to spend the night with you, but I know you're enjoying there." dagdag pa nito.
"How about New Year?" tanong ko.
Tumingin ito sa gilid niya, may narinig akong bumukas.
"A minute." Sagot nito.
"Tinatawag ka na ba?" He nodded. Ngumiti ako at nagpaalam na dahil kahit si lola ay tinatawag na rin ako. I want to spend my night talking with him. Kaso pareho naming kasama ang pamilya namin. siguro sa susunod na lang kami.
Kinabukasan ay sobrang sakit ng ulo ko. Madami rin akong nainom dahil kay tito at sa mga kaibigan niya.
Naroon rin si JP na kakauwi lang rin ulit.
I checked my phone and saw some messages from my friends, they are greeting me. Isa-isa ko itong nireplyan.I helped Grandma distribute Christmas gifts to the children who came to our house. Para na akong tatakbo ng Mayor dahil sa dami ng pumunta roon.
Napakunot ang noo ko nang makita ang post ni Selena kagabi pa. This is a picture of Elias with his family. What I'm wondering is why Selena is in the picture?
Hindi ko alam kong tatanungin ko ba si Elias tungkol dito. But the issue is getting big, some fans are talking about their relationship.
'I knew it! I saw them together back then. As far as I know, their families are friends. But those close to them are saying that they are dating.'
'May post rin noon sa isang site, magkasama ang dalawa noon sa Japan!'
'They are perfect together.'
'They are spending Christmas together with their families, I'm jealous'
Some post I read from fans.
I remembered our first encounter. I had a big crush to Selena back then. Halos suntukin niya pa nga ako dahil nakita niya kami ni Selena na magkasama sa kwarto at naghahalikan. Mapait akong natawa nang maalala ito.
Nagkabalikan ba sila? Then why he didn't tell me? Ginag*go ba ako ng lalaking iyon? Pinaglalaruan niya lang ba ako para gumanti?
Umiling ako para mawala ang masamang iniisip. Bahagyang naguilty dahil sa pinagiisipan ko siya ng masama.
Humugot ako ng malalim na hininga. Maiintindihan ko naman kung sasabihin niya eh. Na nagkabalikan sila at narealize niya na babae pala talaga ang gusto niya. I can understand. I'll accept it. Handa naman ako sa mga pangyayaring ganito. Halos bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib habang iniisip na kinakasal siya kay Selena at may masaya silang pamilya.