02 - Cheers

105 7 0
                                    

Cheers

"Good evening every one! Welcome again to buzzibuzz... I was really excited when I heard who is our guest for tonight, partner." masayang sabi ng babaeng host habang kausap ang isa ring lalaking host.

"Ako rin partner." aniya

Nanunuod lang ako sa malaking monitor habang hinihintay ang hudyat ng pag-labas namin. Naramdaman ko ang pag-akbay ni Rafael sa balikat ko.

"This is it bro." nakangising sabi niya. I smiled at him. Alam kong kinakabahan rin siya, gaya ko.

Ito ang unang labas namin sa television, we are going to promote our first album which will be our debut song. Ilang buwan rin kaming nag-ensayo at nag-handa para dito.

"Okay ka lang? Relax lang." lapit sa akin ni Kuya Allen na siyang manager namin. Pilit akong ngumiti sa kanya. I sighed heavily and nodded.

"Let's all welcome! Starlight!" sigaw ng host kasabay nito ang biglang pag-dilim ng paligid at pag-tugtug ang kanta namin.

Sabay sabay kaming lumabas at sumayaw habang kumakanta. I performed with all my heart. Iniisip ko na lang na maraming tao ang nanunuod sa amin. I enjoyed every beat and melody, I dance with it. 

"Wow that was an amazing performance." manghang lumapit sa amin ang dalawang host.

"Parang bumilis bigla ang heartbeat ko ah. Anyway, please introduce your group guys"

Kirby counted one to three before we introduced our group together. "Hi everyone! We are Starlight!"

Naunang magpakilala si Kirby bilang leader namin at lead vocal, pangalawa si Jaeki, sunod si Yohan at ako.

"Hi everyone I'm Neon, I'm the main vocal and lead dancer of the group." sabi ko.

"The visual." singit ni Yohan. Umiling ako nang matawa kaming lahat. They always tease me about it.

The host look at me and smile. "I see, I see. Lahat naman gwapo, pero sorry dito ako sa isa." Kinikilig na tinuro ako ng babaeng host. Ngumiti lang ako at nagpasalamat.

The interview went well. We talk about the concept and everything about us. I was satisfied for our first appearance.

"Cheers!" halos magtatalon kami sa tuwa nang matapos ang interview. We are now celebrating in our hotel room. We all look at the screen and read the comments from the viewers. Everyone talks about us. Mapabata at matanda. Mapalalaki man o babae.

"I can't believe it." naluluhang umakbay sa akin si Kirby. I tapped his shoulder. All our hard work is starting to paid off. Wala pa nga kami sa kalagitnaan. Nagsisimula pa lang kami.

"We are now trending guys, look." pinakita sa amin ni Jaeki ang screen ng phone niya. We saw our group name on twitter chart. Trending number one ang pangalan ng grupo namin sunod ang kanta naming kakarelease lang.

Dalawang linggo palang pero umingay na ang pangalan ng grupo namin. We are all shocked, at hindi makapaniwala. We didn't expect it. 

"The best ....part, look every one does our dance challenge. Even some of the popular celebrities around the world!" si Yohan

"This is crazy" manghang usal ni Rafael.

Time is passing so quickly.

It's been a year nang mag-debut kami. Sunod-sunod ang naging trabaho at guesting namin. Halos gabi gabi rin kaming pagod at walang tulog. We expected it. Hindi pa naman kami umaalis ng bansa kaya medyo ayos pa.

"Rai" lumingon ako sa likod. We're all in the back stage now. Kakatapos palang ng music award. Our group won an award. For the first time.

"Hey!" yumakap ako kay Lory. Nakita ko ang kagrupo niya na nasa likod at nakatingin sa amin. She also made it to be part of the girl group. Gaya ng pangarap naming dalawa. Naroon rin si Selena. She smiled at me.

Reaching the starTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon