Chapfallter 1

91 10 6
                                    

Chapter 1: Crazy First Day

Marien's P.O.V.

Hi, ako nga pala si Marien Kyla Aleyra Monreal. Ako yung tipong nerdy type na mahilig sa libro, mahilig magaral at nakasuot ng glasses. Well, nakakakita naman ako kahit walang glasses pero mas malinaw kasi pag meron.

Ang magulang ko nga pala ang may-ari ng Monreal group of companies. Marami rin kaming ibang business at nagmamayari rin kami ng school, restaurants, hotels and etc. Pero hindi kami gastador at mayabang sa kung anong meron kami.

Sa ngayon, naghahanda na ako papuntang school. Nagaaral ako sa Miradaylle University at kami ang may-ari ng university nato.

Nang matapos ako sa ginagawa ko, lumabas na ako na may hawak na libro. Pumunta muna ako sa dining area para makapagbreakfast. Pagkapunta ko doon, nakita ko ang mga kapatid ko na nakaupo at kumakain na.

"Good morning Marien." sabi ni Kuya Xandrine, isa sa mga nakatatanda kong kapatid.

"Good morning po Kuya." sagot ko sa sinabi ni Kuya na good morning.

Umupo na ako at sumabay na din sa pagkain. Mamaya maya lang ay nagsalita, si Kuya Adrien.

"Marien, mamaya nga pala ay aalis ulit kami. May pupuntahan kaming Business trip kaya baka maiwan ka ditong magisa. Pero may papunta naman akong malapit na kaibigan dito para mabantayan ka na din." Sabi nito na tila may inaantay. Sa tingin ko si Ate Keah ang inaantay niya.

Aalis nanaman ang mga kapatid ko. Mamimiss ko nanaman sila at ang mga kalokohan nila.

Pero sino kaya yung malapit na kaibigan ni Kuya Adrien? Nakapagtataka lang dahil dati, pag umaalis naman sila ay okay lang na mag-isa ako. Are they setting me up? Baka hindi naman, assuming lang ata talaga ako.

Baka nababahala lang sila dahil sa mga napabalitang kidnapper sa paligid kaya papabantayan nila ako. Siguro nga yun iyon.

Ngumisi si Kuya Adrien. "Basta Marien ah, wag kang mahuhulog don. Masasaktan ka lang."

"Grabe ka naman Kuya. Wag mo nga akong idamay sa lovelife mo na puro palpak." Natatawa kong sabi.

Saka isa pa, paano ako mahuhulog doon eh wala naman akong balak magmahal.

"Aba, nagpakaloyal naman ako sa kanila pero ganun talaga ang buhay." Sabi nito na animo'y totoo ang sinasabi. Pero loyal naman talaga si Kuya Adrien, mabilis nga lang siyang mainlove kaya parang babaero siya sa paningin namin.

"Loyal ka dyan? Eh ang babaero mo kaya." Sabi ni Ate Keah nakakababa lang. Late nga pala itong gumigising at napakahirap ring gisingin. Ewan ko na nga lang kung paano nagigising nila Kuya si Ate.

"Loyal kaya ako. Saka ikaw babae ka, umayos ayos ka. Malalate nanaman tayo sa flight eh."

"Aba, kasalanan ko ba na walang talab sa akin ang alarm clock." Magaaway nanaman to.

"Oo kasalanan mo. Lagi na lang tayong late eh." Pangungutya ni Kuya.

Pero minsan naman parehas lang sila na nalalate. Secret lang natin yun ah, baka magalit si Kuya na sinabi ko yun.

"Atleast ako di nabasted nung isang araw." Tumawa ng tumawa si Ate Keah.

"Nabasted ka Bro? Aww, weak mo naman pala." Sabi ni Kuya Xandrine habang nangaasar na nakatingin kay Kuya Adrien.

"Hindi ako weak. Bulag kasi yung babae kaya binasted niya ang gwapong mukha ko." Sabi ni Kuya Adrien na nagmamayabang. Kahit kailan talaga eh ang yabang.

"Mamaya di matuloy ang flight natin dahil sa kahanginan mo." Sabi ni Ate habang nakangisi.

"I agree on what you've said." At ngumisi din si Kuya Xandrine habang sinasabi ito.

You Made Me Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon