Chapter 6.2: Broken
Author's P.O.V
Nandito nanaman po tayo sa pinakamalaking flashback ng taon. Ang JeaRen Flashback :-)
Eto na nga ang tuloy ng kwentong hindi ko natapos kasi hindi pa naman siya tapos. So wag niyo na lang pansinin ang walang kwentang kabaliwan ng Author niyo.
Mabalik tayo sa kwento ng JeaRen. Sa tingin niyo ba mapapaibig ni Jea si Warren?
If yes, please text Yes, she will to the number below.
***********
If no, please scream "Hindi kasi lamporeber!" at the top of your lungs.
Patungkol naman sa plano ni Jea na Operation: Make him fall for me.
News flash: Hindi po to natuloy!
Dahil una, di sila parehas ng school. Pangalawa, naging busy sila sa finals. At pangatlo, mahirap din hagilapin si Warren sa free time nj Jea. Busy eh, busy sa pagmamahal ng ibang tao.
Pero, ngunit, subalit, eto na nga ang totoong nangyari.
Last school year, sabay na grumaduate ang dalawa---- sila Jea at Warren. Si Warren ay naging 1st sa kalse dahil likas na siyang matalino. Palakpakan natin siya at bigyan ng standing ovation. Si Jea naman ay 5th sa klase dahil sa puspusang pagaaral niya.
Pagkatapos ng graduation ng dalawa, nagkaroon ng munting salo salo sa bahay nila Warren. Imbitado dito ang pamilya ni Jea at si Mindy.
Dahil magkalapit lang ang bahay nila Jea at Warren, nauna nang pumunta sila Jea.
"Komare! We're here." Sabi ng ina ni Jea habang naglalakad paloob sa bahay.
"Feel at home na lang kayo. Maghahanda muna ako Komare." Sabi ng ina ni Warren habang naghahanda sa kusina.
Si Jea naman ay inobservahan muna kung nadyan si Warren sa tabi tabi dahil ayaw niya munang makita ito. Nahihiya talaga siya sa ginawa niya last week.
Flashback
Naglalakad sa loob ng bahay si Jea. Paikot ikot lang ito dahil wala siyang magawa maliban ang isipin si Warren. Hindi niya din naman ito maistorbo since alam niyang puspusan ang pagaaral nito- pagaaral nito kung paano mapasagot si Mindy.
Bitter na kung bitter pero ayaw talaga ni Jea na inaalala ang kwinento sa kanya ni Warren few days ago.
-Few days ago-
"Psst." Sabi ni Warren kay Jea dahil may gusto siyang sabihin dito.
Sabay nga pala silang nagaaral para sa finals. Since naging friends sila, napalapit na sila sa isa't isa.
"Psst ka dyan? Ano ba kailangan mo Sungit?" Sabi ni Jea na iritado dahil nagaaral siya para sa finals.
"I've got something to confess." Sabi ni Warren habang nakayuko.
"Anong icoconfess mo? Na bakla ka?" Tanong ni Jea na nagaaral pa rin.
"Not that idiot. It's really important so I need your time."
'Need my time? Like 'I need your love, I need your time, when everything's wrong, you make it right' ?' Pakanta niyang sabi sa isip niya.
KrukrukurkrukruKRUNYNGJOKEMO
'Last ko na talaga to.......'
Jea stand up para ayusin ang kalat niya. "Oo na. Maghintay ka Sungit at aayusin ko lang tong mga libro kong nagkalat na parang binagyo." She said as she started arranging her mess.
BINABASA MO ANG
You Made Me Fall For You
Romance"You are my bestfriend. You are one of my other halves. And You, You made me fall for you." You Series no. 1 Marien and Nathan's Story