Chapter 10: Who Am I To Stand In His Way
Marien's P.O.V.
Naguunat ako ngayon habang humihikab. Umaga na ngayon ng lunes at unang araw ito ng Foundation Week ng school.
At dahil nga Foundation Week na, maaga talaga akong nagising dahil masyado akong excited. Pero inaamin ko, inaantok pa rin ako ngayon dahil hindi naman ako nakatulog ng maaga kagabi. At dahil iyon kay Jiro. Chinat niya kasi ako kagabi sa kalagitnaan ng pagpapractice ko. At syempre, bilang isang kaibigan, itinigil ko muna ang pagpapractice para maichat siya.
Nagulat nga ako at napakatamis ng way of confession niya. Napakaswerte ni Ella dahil alam kong mabait sila Nathan at Jiro. At alam ko din na hindi siya lolokohin ng dalawa.
Bumangon na ako sa kama at dumiresto sa banyo. Naligo na ako at syempre, nagbihis na. Ang suot ko ngayon ay ang tshirt ng Foundation Week namin. Color blue siya na may nakasulat na 'Never give up Miradayllians!'
So alam ko na nagtataka kayo kung bakit nga ba Miradaylle ang pangalan ng University namin. Dahil iyon sa pangalan nila Mama at Papa. Ang pangalan ni Mama ay Mira habang Daylle naman ang pangalan ni Papa.
Pagkababa ko, nakita ko si Nathan na nagaayos ng lamesa. Nang makita niya ako ay nginitian niya ako.
"Magandang umaga Al." Masayang bati niya.
"Wala ka na bang topak Zy?" At natawa naman siya sa tanong ko.
"Wala na Al. Balik na ulit ako sa dati. Pero nagugutom ka na ba? Gusto mo bang paglutuan kita?"
"Nako, wag na Zy. Saka nasan ba sila Manang?"
Akmang uupo na ako ng pinigilan niya ko.
"Ako na Al." At pinaghila niya ako ng upuan.
"Nasaan ba talaga sila Manang?" Tanong ko habang kumukuha ng tinapay.
"Day off nila Manang ngayon Al. Kaya ako na magluluto ng pangamusal natin. Ano bang gusto mo?" At nginitian niya nanaman ako.
Umiling na lamang ako. "Wag na Zy. Magtitinapay na lang ako. Dagdag abala pa eh."
Sumimangot naman siya ng marinig ang sagot ko. "Hindi ka mabubusog niyan Al. Kailangan mo pa namang kumain ng marami para may lakas ka ngayon."
Napangiti naman ako dahil nagbalik na nga ang Gentleman na Nathan.
"Kahit simpleng pangalmusal na lang. Okay na ako don." Sabi ko naikinatango niya na lamang.
Pumunta na siya sa kusina at nagsuot ng apron. Aaminin ko na bagay sa kanya yung apron na suot niya ngayon. Isa itong kulay pink na apron na may cute na design. Bagay sa kanya iyon dahil syempre, cute naman talaga siya.
Nang binuksan niya ang kalan ay nagkaroon ng ibang vibes si Nathan. Para siyang professional chef pero dahil nga sa apron niya, sa tingin ko ay isa siyang cute na professional chef.
Nang simulan niyang hiwain ang sibuyas, parang napako ang mata ko sa kanya. Parang hindi na maalis at nanatili na lang ako nakamasid sa kanya. Nang liningon niya ako ay nagulat ako. Pero mas nagulat ako ng nginitian niya ako at kinindatan.
BINABASA MO ANG
You Made Me Fall For You
Romance"You are my bestfriend. You are one of my other halves. And You, You made me fall for you." You Series no. 1 Marien and Nathan's Story