Chapter 13: Beauty or Attitude
Jea's P.O.V.
"What the fridge! Bat naging ganyan ang make-up mo Jea?!" Sigaw ni Jiro na naghyhysterical na sa inis.
"Ano bang problema mo sa make-up ko? Bagay naman ah!" Sigaw ko pabalik sa kanya. Aba, mas marunong pa siya sakin.
"Hindi kaya bagay! Like duh! Dapat shade of pink na lang yan. Ako na nga magaayos sayo!" At kinuha niya ang make-up kit ko.
Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang sinasabi niyang gone wrong sa make-up ko.
"Bagay naman kasi yun Jiro!" Pero parang wala siyang naririnig dahil patuloy siya sa pagsasaayos daw kuno ng make-up ko.
Nang matapos siya ay huminga siya ng malalim. "Buti naman at ayos na."
Napairap ako sa kanya. "Bakla ka ba? Andami mong alam sa make-up ah."
"Diba pwedeng nasanay lang ako sa ninang ko?" Inis niyang sagot.
"Saka ang gwapo ko kaya. Sayang naman ang kagwapuhan ko kung magiging bakla lang ako."
"Sige, ipagpilitan mo pang gwapo ka kahit hindi. Tsk!" Sabi ko at tumayo na upang isuot ang costume ko.
The first part of the pageant is to wear a costume representing the Philippines. Kaya naman ang costume ko ay naihahalintulad sa isang Philippine Eagle.
Pagkatapos ko isuot ang costume ko ay lumabas na ako.
"Jea! Wag kang madadapa ah. Make your enemy proud!" At pumalakpak pa siya. Yung enemy pala na tinutukoy niya ay yung sarili niya. Gusto niya kasing enemy daw ang nickname namin sa isa't isa.
Loko loko talaga si Jiro kaya nga bagay kaming magkaibigan kahit lagi kaming nagaaway. Isang loka loka at loko loko, namataang nandito sa pageant at syempre, kami iyon.
"Natahimik ka dyan. Nagwapuhan ka lang sakin eh!" Pagmamayabang niya kaya naman gusto ko siyang batukan.
"Gwapo daw! Ang tanong, totoo ba?" Mapangasar kong tanong.
"Syempre, gwapo ako. Ako pa!"
Napairap ako. Ang yabang niya lang talaga!
"Edi wow!" Sigaw ko sa kanya.
"Edi Shingashung!" Sigaw niya pabalik.
"Wag na kayong mag ganyanan." Pagsasalita ni Marien na bagong dating.
"Edi magonyonon na lang tayo Jea." Natatawang sabi ni Jiro.
Natawa naman ako. "Sige Jiro. Magonyonon na lang tayo."
"Sige, push niyo pa yan!" Yan ang natanging na sabi ni Marien.
"Push! Push mo yan tea! Nestea Milktea! Push mo yan tea!" Nababaklang kanta ni Jiro with matching palo pa sa pwet.
Natawa naman kaming dalawa ni Marien.
"Ginagawa mo lang kamong ewan ang sarili mo Jiro." Komento ni Marien.
"Atleast masaya ako. Diba? Pak ganern!" Sagot naman ni Jiro.
"May nalaman pala ako. Kasali daw si Mindy sa contest Jea." Sinabi ni Marien na ikinainis ko.
"Hayaan mo yun. Sasali sali pa siya, mamatay rin naman siya. Pero matagal nga lang dahil matagal mamatay ang masamang damo." Sabi ni Jiro.
"Di naman siya masamang damo. Lantang damo kamo." Natatawa kong sabi. Tumawa naman yung dalawa.
"Gusto ko yung sinabi mo Jea. Ang galing, galing!" Masayang sabi ni Jiro.
"Nagalingan ka na don?" Tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
You Made Me Fall For You
Romance"You are my bestfriend. You are one of my other halves. And You, You made me fall for you." You Series no. 1 Marien and Nathan's Story