Chapfallter 12

11 5 0
                                    

Chapter 12: Alagang Ala Nathan

Nathan's P.O.V.

Nagising ako sa mahinang pagtapik sa akin. Minulat ko ang mga mata ko at nakita kong gising na si Ella. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang ayos na ang lagay niya.

"Salamat naman at ayos ka na Mikmik." Nakangiti kong saad na ikinangiti na rin.

"May kailangan ka ba?" Tanong ko sabay tayo upang kumuha ng tubig.

"Wala naman Than." Mahina niyang sabi sa akin.

Bumalik na ako habang dala dala ang tubig. Iniabot ko yun sa kanya pero inilapag niya rin iyon.

"Than..." Tawag niya sa pangalan ko na kay sarap pakinggan.

"Ano yun Mikmik?"

"Favor lang. Pwede bang kuhanan mo ko ng pagkain. Feeling ko kasi ay gutom na gutom na ako." Mahina niyang sabi sabay ngiti.

Tumango naman ako at lumabas upang kuhanin ang bag ko na naiwan ko. Tinakbo ko ang pwesto ko kanina at nakitang wala na ang bag ko. Baka naman ay nakila Marien lang iyon. Kaya naman agad ko silang hinanap.

Nang makita sila ay napahinga ako ng maluwag ng makitang bitbit ni Marien ang bag ko. Agad akong tumakbo sa papunta sa kanya.

"Al!" Sigaw ko ng malapit na ako sa kanila.

Kumaway naman siya sa akin at huminto sila sa paglalakad.

"Ano yun Zy?" Tanong niya sa akin ng makarating ako sa harap nila.

"Yung bag ko Al." Hingal kong sabi dahil nakakahingal tumakbo sa malaking University nato.

Ngumiti siya sa akin. "Eto na ang bag mo Zy." At inabot niya sa akin ang bag ko.

"Salamat Al." Nakangiti kong tugon.

Bago pa ako makaalis ay naalala ko ang mga niluto ko. Kaya naman agad ko itong linabas sa bag ko.

"Eto nga pala at ipinagluto ko kayo. Pasensiya na kung hindi ako makikisabay muna ah." Sabi ko habang inaabot ang mga pagkain na linuto ko kanina para sa kanila.

"Wow! May paluto si Nathan." Masayang sabi ni Jea.

"Syempre! Saka good luck nga pala sayo Jea ah." At itinaas ko ang kamay ko sa ere upang makipag-apir.

Nakipag-apir naman siya sa akin.
"Thank you sa support Nathan."

"Zy..." Tawag ni Marien sa akin.

"Kamusta pala si Ella?" Nagaalalang tanong ni Marien.

"Oo nga! Kamusta pala si Ella? Sorry kung di kami nakabisita ah, may inasikaso kasi para sa pageant para mamaya." Malungkot na sabi ni Jea.

"Okay naman na siya. Nasobrahan lang daw sa pagod. Saka okay lang, alam ko namang maiintindihan ka ni Mikmik Jea."

Nakahinga naman sila ng maluwag.

"Thanks for this Nathan. I badly need food right now. Ang please tell Ella to take care of herself. She got us all worried." Sabi ni Warren sa akin kaya naman nginitian ko siya.

Nagthumbs up lamang siya sa akin. Pakiramdam ko ay may problema ang isang to.

"Nasaan nga pala si Jiro?" Tanong ko dahil kanina ko pa napapansing wala siya.

"Ewan namin. Saka wag mo ng hanapin ang isang yun. Nakakainis ang pagmumukha niya. Sobrang nakakastress lang!" Sabi ni Jea sabat kagat sa sandwich na kanina niya pa hawak.

"Pakiabot na lang sa kanya to." Sabi ko sabay abot kay Jea ng lunchbox.

Tumango na lang si Jea sa akin. Nagpaalam na ako at tinungo ang clinic.

You Made Me Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon