Chapfallter 17

17 7 4
                                    

Chapter 17: Pangarap Lang Kita

Marien's P.O.V.

Nasa classroom na kami ngayon. Kasalukuyang ini-explain ni Ma'am Izel kung ano daw mga criteria sa gagawin namin.

Katabi ko rin si Nathan ngayon. Nilingon ko siya at sakto namang nilingon niya rin ako. Nagtama tuloy ang mga mata namin kaya dali dali akong lumingon sa harap ulit. Baka ano pa isipin niya dahil liningon ko siya.

Nagulat ako ng lumapit pa siya sakin. Nathan naman! Ang awkward tuloy ng atmosphere.

"Al?" Mahina niyang tanong.

"Oh?"

"Bat mo pala ako liningon kanina?"

"Chinecheck lang kita." At nginitian ko siya. Maniwala sana siya kasi sa totoo lang, kaya ko siya nilingon kasi ang cute niya habang nakatingin kay Ma'am Izel at nakikinig.

Napapadalas ata ang paggawa ko ng mga bagay na nagpapahalata na may gusto ako kay Nathan. Panay ang tingin ko sa kanya at napapangiti ako pag nakikita ko siya. Dapat bawas bawasan ko na ang lihim kong pagsulyap sa kanya minsan.

"Ah, okay." Simple niyang sabi dahil ang atensyon niya ay na kay Ella na kausap si Jea.

Nakita ko siyang ngumiti ng tunawa si Ella.

"Ang cute talaga niya." Bulong niya na narinig ko naman. Nagfocus na lang ako kay Ma'am Izel pagkatapos non.

Natapos na sa pageexplain si Ma'am Izel kaya pinayagan na kaming magsimula. Maari raw kaming gumawa hanggang 2 pm. Tapos maaring magpractice ang mga sasali sa Battle of the Bands ng apat na oras since 6 pm pa ang simula.

"Zy, ikaw ba nagdala nung materials?" Tanong ko.

Tinignan naman niya ako ng may pagtataka. "Akala ko ikaw?"

"Wag mong sabihing walang kang dala?"

Napabuntong hininga siya."Edi wala tayong materyales."

Ngumiti ako sa paraang humihingi ng tawad. "Sorry Zy, di ko naman alam na di ka magdadala."

"Hindi ka na dapat humingi ng patawad, kasalanan ko rin naman Al. Hindi ko lininaw kung sinong magdadala satin." At tumawa siya. "Tara, maghanap tayo ng mga magagamit natin sa labas. Sigurado naman akong may makikita tayong materyales sa labas."

Tumayo na ako at sinundan ko siya. Pero bago kami lumabas ay nagpaalam muna kami kay Ma'am Izel. Nang payagan, lumabas na kami. Una kaming pumunta sa lugar kung saan sineseparate ang papel, plastic bottles, at marami pang iba. Ayaw kasi ni Mama na halo halo raw ang basura.

Pagkarating namin doon, sakto namang nandoon ang main na namamahala.

"Napagawi po kayo rito Ma'am?" Tanong ni Kuya Martin, ang main na namamahala dito.

"Kailangan po namin ng magagamit sa recycling event. Nakalimutan po namin ng kasama ko na magdala ng materials."

"Ay, ganon po ba. Sige po, pasok po kayo."

At pumasok na kami agad. Nagmamadali kami dahil 10 na. Gagawa pa kami tas kukulayan at dedesignan pa.

Pagkapasok, kumuha ako ng basket na nakalagay lang sa tabi ng pinto. Kumuha kami agad ng mga papel at plastic bottles. Sa palagay ko ay gagawa kami ng pencil case o di kaya cellphone holder.

"Zy, ano ba gagawin natin rito?" Tanong ko sa kanya sa gitna ng pagpupulot.

"Gagawa tayo ng lampshade." Masaya niya sabi habang nakafocus sa mga pinupulot niyang papel.

You Made Me Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon