Chapter 7: Confessions Of A New Bestfriend
Marien's P.O.V.
Dalawang linggo na ang makalipas nang matapos ang friendly date namin ni Nathan. Sa ngayon ay nasa bahay pa rin siya nakatira dahil naextend ang business trip nila Kuya.
Aaminin ko na nasayahan ako kasi akala ko magiging mas malapit pa kami. Alam ko naman na maling umasa sa taong wala naman akong pagasa pero hindi ko mapigilan eh..... Tao lang naman ako na mahilig umasa sa mga bagay na sasaktan lang ako. Pero ayun na nga, yung akala ko na yun ay nauwi lang sa wala. Pag nagkakausap kasi kami ay puro na lang si Ella ang naririnig ko. Hindi ba pwedeng ako na lang? Pero imposible pala iyon.
"Marien, ang ganda ni Ella noh?"
"Ano kayang ginagawa ni Ella?"
"Sana hindi siya nahihirapan."
At marami pa pero nung tinanong ko siya kung gusto niya ba si Ella, ang sagot niya lang ay-
"Hindi ah! Ahm.... ano kasi eh....... ah basta wala akong gusto sa kaniya."
Pero syempre, hindi ako naniwala doon. Alam ko naman ang totoo kaya bakit pa ako magbubulagbulagan sa katotohanan.
Pero sa makalipas na dalawang linggo ay maraming ng nangyari. Una, naging super close na sila Nathan at Ella. Pag sinabi kong super close, super close talaga na akala mo'y namighty bond na sila. At syempre, nakakaselos naman talaga iyon pero sino nga ba ako para humadlang sa kanila.
Pangalawa, si Jea at Warren ay nagiiwasan. Pag nandon si Jea, aalis si Warren. Pag wala si Warren, nandyan si Jea. Ewan ko sa dalawang iyon pero hindi naman na ako makiksawsaw sa kanila. May sarili naman na akong problema at saka isa pa, ayaw rin namang sabihin ni Jea kung ano bang nangyari.
Pero eto na nga, nandito kami ngayon para sa announcement. Kasalukuyan kong katabi si Nathan na masayang kinakausap si Ella. Si Jiro naman, on the other hand, ay nakapukol din ang tingin sa kanila. Ang alam ko lang ay may ibig sabihin ang tingin niya na iyon. Dahil wala pa ang guro namin ay lumapit ako sa kanya.
"Hi Jiro." Sabi ko na ikanangiti lang niya.
"Oh, anong dahilan ng pagpunta ng isang maganda Binibini rito?" At tumawa pa siya sabay sabi niyon.
"Grabe ah, hindi naman ako maganda. Saka nabored kasi ako doon, sila Nathan at Ella lang naman ang naguusap." Sabi ko at bumuntong hininga. Sila na ang close, ako na yung hindi.
"Selos ka? Nako, isang magandang Binibini ang nagseselos." Sabi niya at tumawa ng malakas.
Napailing na lang ako. Hindi talaga ako nagseselos. Hindi talaga....
"Hindi ah. Nabored nga kasi ako saka gusto ko ng makakausap, pwede ka ba?"
Napahawak naman siya sa baba niya na parang nagiisip. "Hmmm, mahal kasi ang fee ko eh, may pangbayad ka ba?" Tanong niya at ngumiti ng nakakaasar. Tumawa na lang ako sa sinabi niya.
"Wag na nga. Taghirap ako ngayon eh, may bago kasing release na books sa bookstore." Sabi ko at kumamot sa ulo ko. Ewan ko ba pero parang ang saya sabayan ang trip ni Jiro ngayon.
"Pero maiba tayo, sa tingin ko ikaw ang nagseselos sa kanila, Ginoo." Sabi ko sa nangaasar na tono.
Namula naman siya na parang kamatis. "Hindi ah! Ano ba yan Binibini, isang masamang salita ang inakusa mo sa akin."
Napataas naman ang kilay ko. "Masama bang mahalin si Ella, Jiro?"
Tumawa naman siya. "Hindi naman. Saka hindi ko siya type. Ano ka ba?"
BINABASA MO ANG
You Made Me Fall For You
Romance"You are my bestfriend. You are one of my other halves. And You, You made me fall for you." You Series no. 1 Marien and Nathan's Story