Chapfallter 3

55 7 5
                                    

Chapter 3: At The Moment

Marien's P.O.V.

Dalawang araw na ang nakalipas ng maging close kami ulit ni Nathan.

Akala ko makakamove-on ako agad pero mali ako dahil hindi ko kaya lalo na at araw araw na lang kaming magkasama. Pero madalas siyang magtanong about kay Ella. At nagseselos talaga ako.

Well, sanay naman na ako. Since mga bata pa kami, naobservahan ko na ang ibang tingin ni Nathan kay Ella. Yung paraan na yung mata niya ay nakangiti at kumikislap pag nandyan si Ella. Yung mga ngiti na mas lalo pang lumalapad ng dahil kay Ella. At yung mga galaw niya na nagiiba pag nandyan si Ella.

Sa tingin ko, maaring tigilan na natin yung paguusap na to. Let's talk about me!

Well makulit ako pag gusto ko pero pag hindi ko naman gusto, seryoso naman ako. So ngayon, nasa makulit mode ako dahil masaya ako.

So gusto niyo bang kumanta ako? Or sumayaw? Pero mamaya na lang pala.

Sa nakalipas na dalawang araw, di ko mailabas ang tinatago kung kakulitan at kaingayan.

Me be like pag wala si Nathan: Oh yeah! Let's set the stage on fire!

Pag nandyan si Nathan: Ano yun Zy?

Pero di naman ako palaging makulit at maingay. Tahimik at seryoso rin ako minsan. Pero mas madalas na ngayon.

So two days na nga ang makalipas ng nangyari yung sweet moment sa garden. At two days na din akong naghahanap ng sagot sa mga tanong ko.

Bakit sa lahat ng tao, sa kanya pa? Bat ganon parin ang nararamdaman ko sa kanya? Bakit hindi ko makalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya? Pero ang pinaka gusto kong masagot ay 'May pagasa ba?'.

Pero alam ko naman na wala kasi nandyan si Ella. Ang gulo nga ng sarili ko eh. Pinipilit ko laging alalahanin na may mahal syang iba, pero patuloy pa rin ako sa pag asa na baka mahalin nya din ako. Bat ba ang hirap pigilang umasa?

So tama na nga kadramahan ko st ayokong maging drama queen. Dahil wala naman si Nathan dahil nasa school pa sya at may tinatapos, magpapakasaya muna ako. Ayoko munang maalala na mahal ko sya kahit may mahal syang iba. Alam kong bakit puro pagibig na lang kaya pasensya na.

"Are you ready Arennnaaa!" Sigaw ko na tila may nanonood sa akin.

"Let's set this stage on fire with this songs!" Sabi ko habang tinatapik ang hawak kong lapis na kunyari mic ko.

So binuksan ko na ang speaker ko at nagpatugtog.

"So don't you dare look back. Just keep your eyes on me! I said you're holding back. She said shut up and dance with me!"

"Dance with me Fans!" Sabi ko sa mga electric fans sa loob ng kwarto ko.

"This woman is my destiny! I said 'oooh' shut up and dance with me."

Pinitik ko ang kamay ko at sumayaw sa kanta. I really like this song and I can't help but dance with it.

So Shut up na lang kayo and dance with me!

"We were victims of the night. The chemical, physical kryptonite."

"Helpless to the base and the fading light. Oh we we're bound to get together, bound to get together." Pero sa lagay namin ni Nathan, we're not bound to get together.

"She took my arm. I don't know how that happen. We took the floor and she said."

Tinodohan ko ang pagsayaw at pagkanta.

Natigil ang pagkanta at sayaw ko ng may narinig ako pumapalakpak.

Pagkatingin ko sa pinto, nakita ko si Nathan na nakangiti sa akin.

You Made Me Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon