Chapfallter 5

39 11 2
                                    

Chapter 5: Just The Two Of Us

Jea's P.O.V.

Whassup People, this is Jea reporting. Ang ganda ng gising ko ngayong araw kaya excited akong bumangon. Hindi ko talaga ineexpect na magiging maganda ang gising ko pagkatapos ng nangyari kagahapon.

Anong nangyari kagahapon? Well then, ikwekwento ko sa inyo.

*Flashback*

Kumakain ako sa isang restaurant ng magisa since yung mga bestfriends ko out of reach ngayon.

Iniwanan na lang ako eh porket may mga lovelife na sila. Psh, balang araw mahahanap ko din si 'The One' at di na ko maiinggit sa mga bestfriends ko.

Napangiti ako sa aking iniisip. Pero pano ko nga ba mahahanap si 'The One' kung ang puso ko ay nasa lalaking lagi akong pinaglalaruan?

Erase! Erase! Erase! Kakalimutan ko na pala yung lalaking yun.

Pag naiisip ko yung lalaking yun, ang sarap sarap nyang sakalin. Ang sarap niya ring kalimutan eh.

Well, sino nga ba ang lalaking yun? Sino pa ba edi si Warren the Antarctica. Refrigerator sana kaya lang mas malamig pa sya dun kaya Antarctica na lang. Siya yung nagyeyelong taong mahal ko since elementary pa lang ako.

Pero kakalimutan ko na ngayon. Ayoko na kasi eh, ayoko ng mahalin siya.

Pero di ako nageexaggerate ng sabihin ko na mahal ko si Warren since elementary kasi totoo yun. Totoong totoo. At sa sobrang totoo nun, hinihiling ko na sana hindi na lang yun totoo hanggang ngayon.

Kasi hanggang ngayon, sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, patuloy pa rin akong nasasaktan.

Isa kasi siyang malaking 'PAASA'. Noon hanggang ngayon, ganun pa rin siya.

At hanggang ngayon, yung puso kong winasak nya, wasak pa rin dahil sa kanya. But I'm on the way on fixing it on my own.

Itinigil ko na ang kakaisip sa lalaking Antartica na yon. Kala naman nya kung sino sya, di ko na sya iisipin.

The first step in moving on is to stop thinking about him and your mempries together. Nasasaktan ka na nga, aalalahanin mo pa yung mga memories niyo edi mas nasaktan ka pa. Wag ganon, wag kang magpakamartyr sa taong di ka kayang mahalin.

Pero hindi naman natin sila maiwasan isipin. Katulad ko, I can't help but to think of him kahit sabi ko magmomove on na ko. Well normal lang naman yun kasi nadoon pa yung sakit.

Eto nanaman tayo, sabing di ko siya iisipin eh. Pero pag lalo kong pinipigil, mas lalo ko siyang naiisip. Naalala ko tuloy na dati, ako pa ang unang nangligaw sa kanya. Ang tanga ko lang noh? Oo tanga ako pag dating sa kanya. Nasisira ang depensa ko pag siya ang kaharap ko.

Paulit ulit ko na lang siyang naiisip. Lumayas ka nga 'Warren' sa isip ko.

Kung musicbox lang yung utak ko, palagay ko on replay yung music na nagngangalang "Warren".

Pero syempre, yung music may hangganan kaya may hangganan din ang pagreplay nya sa utak ko.

Triny ko ang lahat ng makakaya ko para tigilan ang pagiisip sa kanya. Iba na lang inisip ko. Katulad nung mga bias kong mga pogi. Pero hindi ko mapigilan na ihatulad si Taong Antarctica sa mga bias ko. Pogi naman kasi siya kaya pwede na siya maging artista.

Pero kahit di siya artista, bias na siya ng puso ko. Well dati na yun kasi naka block na siya sa puso ko. Nakablock na katulad ng ex mong iniwan ka sa ere.

You Made Me Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon