Chapter 11: Nagaalala
Nathan's P.O.V.
Maaga akong bumangon ngayon dahil 2nd day na ng Foundation Week namin. At isa pa, ipagluluto ko pa si Ella, Marien, Jea, Jiro at Warren ng lunch. Kung itatanong niyo kung bakit, ang sagot ko ay dahil gusto ko silang paglutuan. Saka maraming mangyayari mamaya kaya paniguradong kailangan namin ng lakas kaya ipagluluto ko sila.
Bago bumaba ay inayos ko saglit ang buhok ko at nagpabango ng kaunti. Civilian ang suot namin ngayon kaya nag t-shirt na lang ako na pinatungan ng jacket at pantalon na ipinartner ko sa itim kong rubber shoes.
Nang maayos ko na ang buhok ko ay bumaba na ako. Pagkababa ko ay naramdaman ko agad ang malamig na simoy ng hangin. Napangiti naman ako at napatigil saglit para damhin ang hangin. Dumiresto na ako kusina pagkatapos non.
Nagsuot ako ng apron at inilabas ko ang mga sangkap na kailangan ko. Magluluto ako ngayon ng lumpia at itlog na may ampalaya.
Binuksan ko na ang kalan at sinimulan ang pagluluto ng lumpia. Gumawa na ako ng lumpia kagabi at iyon ang iluluto ko ngayon. Nang mapuno na ang frying pan ng lumpia ay binatawan ko muna ang ginamit kong kitchen thongs. Hinintay kong mag golden brown ang ibabang parte ng lumpia bago ko binaliktad ito. Ganon ang ginawa ko hanggang marami na akong maluto.
Pagkatapos non ay linuto ko naman ang itlog na may ampalaya. Ginisa ko muna ang ampalaya bago ko linagyan ng itlog at asin. At naluto na rin sa wakas.
Kumuha ako ng mga lunch boxes at linagyan iyon lahat ng tatlong lumpia at itlog na may ampalaya. Naglagay naman ako ng kanin sa lunch box nila Jea, Jiro at Marien habang tinapay naman ang linagay ko sa lunch box nila Warren at Ella.
Nang matapos ako ay linagay ko na iyon sa bag na may nakasulat na "Love yourself."
Saktong pagkatapos ko ay bumaba naman na si Marien na nakasuot ng pantalon at t-shirt na kaparehas ng kulay ng suot ko. Magpagkakamalan ata kaming nagcocouple outfits dahil pakiramdam ko ay ganon nga ang lagay namin ngayon.
Ngumiti ako sa kanya. "Magandang umaga Al!" Masaya kong bati.
Ngumiti naman siya sa akin. "Magandang umaga din Zy!" Masaya din niyang tugon.
Nang makalapit na siya ay pinaghila ko siya ng upuan. Ako na rin ang nagbigay ng plato, kutsara at tinidor sa kanya. Pinaglagyan ko na rin siya ng lumpia at kanin.
"Salamat Zy." Sabi niya at kumain na. Ang takaw lang talaga niya kaya natawa ako.
Tinignan niya ako ng nagtataka. "Bakit ka tumatawa?" Taka niyang tanong.
Baka magalit pa to sa akin kaya sinagot ko siya ng wala. Ewan ko pero ang saya saya ko lang talaga ngayong araw. Kahit napagod ako kagahapon dahil gumawa pa kami ng banner ni Marien para kay Jea ay pakiramdam ko na andaming ko pa ring enerhiya upang magsaya at gumalaw galaw ngayong araw.
Nang matapos kaming kumain ay pumunta na kami sa garahe. Pinagbuksan ko siya ng pinto.
"Salamat Zy." Sabi niya na ikinangiti ko lang.
Pumasok na rin ako at hinayaang si Manong na magdrive sa amin papuntang school.
Mabilis na man kaming nakarating roon. Pagbungad pa lang sa gate ay kitang kita ko na ang mga matalik naming mga kaibigan. Lahat sila ay kumakaway sa amin ni Marien.
Natawa naman ako ng makitang may hawak si Jiro na make-up kit.
"Tawa ka ng taw dyan Nathan. Ano bang nakakatawa?" Tanong sa akin ni Jiro.
"Hawak mo kasi yung make-up kit Jiro." Natatawa kong sabi.
"Wala eh, maglaladlad na ata si Jiro na bakla siya." Natatawang sabi ni Jea. Natawa naman kaming lahat habang ngumiti lang si Warren. Palagay ko ay wala siya sa mood dahil kanina pa talaga siya nakasimangot.
BINABASA MO ANG
You Made Me Fall For You
Romansa"You are my bestfriend. You are one of my other halves. And You, You made me fall for you." You Series no. 1 Marien and Nathan's Story