Chapfallter 2

75 8 5
                                    

Chapter 2: Closer

Marien's P.O.V

Isang linggo na ang makalipas ng makita ko ulit si Nathan at tumira sya dito. Kahit pa man close kami dati ay medyo naiilang ako sa kanya ngayon.

'Syempre mahal mo na eh.' Sabi nanaman ng boses sa isip ko.

Hay, di ko siya mahal, okay? Hindi talaga.

Isang linggo ko na rin nakikita na may gusto si Nathan at Jiro kay Ella. Pero sa tingin ko ay mas higit pa don ang nararamdaman nila kay Ella. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring umaamin sa kanila.

Ang haba ng hair ni Ella parang si Rapunzel lang.

'Selos ka naman kasi mahal ni Nathan si Ella.'

Sabing hindi ko mahal si Nathan. Ewan ko ba pero yung inner self ko ay pilit ng pilit na mahal ko si Nathan.

Pag sinabi kong hindi, hindi talaga.

Isang linggo na din ang makalipas at patuloy pa rin akong binubully ni Mindy. Psh, balang araw ay alam kong kakarmahin din siya. I believe in that.

Isang linggo na din ang nakalipas ng sundan ni Warren si Jea. At hanggang ngayon, wala pa rin kaming alam kung may past nga sila.

Mga malihim na tao silang dalawa. May pamysterious effect pa silang dala. Feeling ko talaga pag magkakasama kami ay may itinatago sila sa amin. Well, nasa kanila na iyon kung sasabihin nila sa amimn.

Well, sa isang linggo, marami talagang nangyari. At katulad ng sabi ko kanina, isang linggo na din akong naiilang kay Nathan. Paano ba naman, hay.

*Flashback*

"Wish that you could build a time ma-" Napatigil ako sa pagkanta. Paano ba naman, lumabas biglaan si Nathan na nakatopless. Napatulala- I mean na ilang lang ako sa kanya bigla.

Di niya ba alam na may babae siyang kasama.

Puso : Gusto mo naman yan Marien.

Utak : Oo nga, dati naman nagtotopless din ang mga kapatid mo, di ka naman naiilang.

Konsensya : Hayaan mo na. Di naman masamang magnasa, wala pang nagmamayari sa kanya.

Grabe naman sila! Pagmamayari na kaya ni Ella si Nathan. Lumingon na lang ako sa ibang lugar at naghymn na lang ulit. Masyado kasing pahamak si Nathan.

'Pahamak nga si Nathan. Pahamak sa puso mo.' Sabi ng inner self ko.

Makakaalis na sana ako ng mapayapa ng tawagin niya ako. Nasa panganib nanaman po ako. Kung minamalas ka, mas minamalas ata ako.

"Marien, may pagkain na ba? Kung wala pa, magluluto ako." Sabi niya sa akin habang inaayos ang buhok niya. Yung tubig galing sa buhok niya ay tumutulo pababa sa dibdib niya. Bumaba pa ito at, at, at wala na akong paki. Wala talaga!

Pero on a honest thought, may iba akong naisip.

Pero secret na lang yun. Nakakahiya talaga eh. Hehe!

Sa tingin ko, kailangan ko na ng eraser, ie-erase ko lang yung naisip ko bigla.

Nakakatulala talaga- I mean nakakaano yung aura ni Nathan ngayon.

Mabalik tayo. So kahit na ayaw kong magsalita dahil nga naiilang ako ay sumagot pa rin ako.

"May pagkain na kaya wag ka ng magalala Nathan. Nasa ref nga lang yung nga pagkain. Ahm, sige una na ako." Sabi ko habang nagmamadaling umalis. Nakakatunaw kasi yung mga tingin niya kaya agad akong umalis.

You Made Me Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon