Chapter 6.1: She's falling
Author's P.O.V.
Nung bata pa si Jea, palagi siyang nanonood ng mga movies na about sa mala fairytale na love story ng isang prince charming at ng isang napakagandang prinsesa. Palagi ring niyang naririnig ang love story ng kanyang magulang.
Because of this, she also dreams of having a love story like theirs.
But because this is reality, her dream was crushed. Crushed by her friends.
Pag nagkwekwento siya sa mga kaibigan niya na gusto niyang magkaroon ng isang prince charming at ng isang napakagandang love story, palagi na lang nilang sinasabing:
"Walang forever Jea, walang ganon."
"Wag ka ng umasa Jea, masasaktan ka lang."
"Akala mo lang meron, pero wala, wala, wala. Walang ganon."
Sawang sawa na siya sa mga ganong linyahan ng mga kaibigan niya. Muntik na nga siyang maniwala na ipinaglihi ang mga ito sa ampalaya dahil sa kabitteran ng mga ito.
At hindi lang yun, minsan ay tinatawanan pa siya ng kanyang mga kaibigan. Pero hindi niya ito dinibdib. Hindi dahil sa wala siyang dibdib kaya hindi niya ito dinibdib kundi dahil masyado lang kasi siyang mabait.
Pero kahit ganon ang sinasabi ng mga kaibigan niya, naniniwala pa rin siyang may forever at may taong nakalaan para sa kanya.
Isa siyang hopeless sa pagibig at wala siyang paki kung bitter kayo.
Sabi niya nga, "Bitter man po kayo, mananatili pa rin akong hopeless para mapatunayan na may 'Forever' pa sa mundong ito."
Araw at gabing umaasa siya na sana makilala niya na si Mr. Right. Yung taong mamahalin siya ng buong buo with all her imperfections. Yung hindi siya huhusgahan at tatanggapin siya ng buo at ng may pagmamahal.
Pero isang araw, isang masamang pangyayari ang nangyari. Nalaman niya na plinaplastic lamang siya ng mga taong itinuturing niyang kaibigan.
Marami na kasing plastic na naglitawan ngayon eh. Plastic fork, plastic bag, plastic ring at lalo na yung mga plastic friends.
"Alam niyo ba girls, kung hindi lang talaga useful yung Jea na yun, hindi ko na siya sasamahan. She's so eww." Sabi ng isa niyang kaibigan.
"You're right girl. Mangarap ba naman na isa siyang prinsesa, like sino ba siya? She's nothing and she don't deserve to be a princess."
"Hayaan niyo na girls, alam mo naman kasi na ambisyosya siya. She will never meet a prince because she will never be a princess."
Sa mga narinig, nasaktan nang sobra si Jea. Di niya akalain na ganon kasama ang mga kaibigan niya. Akala nila kung sino sila, aba eh ang chachaka naman nila.
Tumakbo siya sa lugar na hindi niya alam. Umiyak siya nang umiyak hanggang gusto niya. Akala niya na totoong kaibigan ang mga chakang iyon. Pero hindi pala, kasi katulad ng mukha nila, ang ugali nila ay napakapangit rin.
Umiyak siya ng umiyak hanggang sa sinisipon na siya. Sa kamalasmalasan, nakalimutan niya pa ang panyo niya.
Sa kabilang banda, may isang lalaki na mag-isang nakaupo sa swing. Nakapikit siya habang dinadama ang hangin. Siya si Warren at isa siyang masungit na bata. Pati kasi ang ama niya ay sinusungitan niya.
BINABASA MO ANG
You Made Me Fall For You
Romance"You are my bestfriend. You are one of my other halves. And You, You made me fall for you." You Series no. 1 Marien and Nathan's Story