Chapfallter 9

18 5 2
                                    

Chapter 9: Naguguluhan

Marien's P.O.V.

Sa aming tatlo nila Ella at Jea, ako ang unang nagising. Masaya akong bumangon sa kama. Naligo na ako at inayos ko saglit ang sarili ko bago bumaba.

Pagkababa ko ay nakita ko si Jiro na lumalamon. Nang nakita niya ako ay ngumiti siya sa akin at pinalapit ako sa kanya.

"Bestsh..."

"Oh?" Sabi ko habang kumukuha ng pagkain sa lamesa.

"Kinakabahan ako." Sabi niya habang kumakain pa rin. Ang takaw naman nito.

"Bakit naman?"

"Malapit na kasi yung Foundation Week. Ibig sabihin, malapit na akong umamin." At bumuntong hininga siya.

Tinapik tapik ko naman yung likod niya. "Kaya mo yan. Laban lang Jiro."

Ngumiti naman siya. "Syenpre lalaban ako Bestsh! Ako pa! Sa gwapo kong ito? Hindi ako lalaban?"

Tumawa na lang ako. Naisingit niya pa yang kahanginan niya. "Hindi ka naman gwapo Jiro. Talented ka lang saka mabait."

Binelatan niya lang ako. "Basta! Gwapo ako. #IpatrendingNatinAngKagwapuhanKo."

Binatukan ko naman siya ng mahina. "Walang ipapatrending kasi wala ka namang kagwapuhan."

Ngumiti lang siya ng malapad na tila nangaasar. "So kamusta pala yung date niyo ng mahal mo?"

Napasimangot naman ako. "Hindi yun date."

Tumatango naman siya pero nandoon pa rin yung nakakainis niyang ngiti. "Edi hanging out. So kamusta nga?"

"Ok lang, masaya nga ako eh."

Tumawa naman siya. "Uyyy! May ship is sailing! #AlZy."

Tumawa naman ako. Sailing daw yun eh wala naman akong epekto kay Nathan. "Bat nga pala Hashtag ng Hashtag Jiro?"

"Trip ko lang. Wala namang nasasaktan at wala namang problema sa Hashtag, kaya bat mo natanong?"

"Ang ganda ng trip mo." Tumawa ako pagkatapos. Baka naman maghashtag na ng maghashtag si Jiro.

"Wag kang magalala, di ako araw araw maghahashtag."

Ngumiti lang ako sa kanya at kumain na ulit. Nagkwekwentuhan lang kami habang kumakain pero ang sabi niya sakin ay ichachat na lang daw niya yung details ng 'Malupet na Confession' niya daw.

Mamaya maya lang ay bumaba na din si Nathan at Ella na masayang naguusap. Ang gandang pambungad nito sa umaga.

Napaubo naman si Jiro. Napalingon naman sila Nathan at Ella sa kanya. Ako naman ay tumatawa sa isip ko. Papansin ka Jiro!

"Good morning Nathan at Ella." Sabi ni Jiro habang nakangiti ng peke. Umupo naman si Nathan sa tabi niya at si Ella sa tabi ko.

"Good morning din Jiro." At ginawadan siya ng ngiti ni Ella.

"Good morning din Inay Jiro." Sabi naman ni Nathan habang kumukuha ng plato.

You Made Me Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon