Chapter 16: A Bestfriend's Love
Marien's P.O.V.
Ang aga kong nagising dahil naeexcite ako. Pangatlong araw na ng Foundation! Coronation, recycling at battle of the banda na!
Dali dali akong nagayos at nagsuot ng kulay blue na tshirt at pantalon. Civilian naman ngayon eh kaya okay lang. Sa mga nakalipas na araw, hindi ko na rin masyadong sinusuot ang glasses ko. Unti unti ko na rin kasing napapakita ang tunay na ako sa ibang tao kaya hindi na ako masyadong nahihiya at nagsusuot ng glasses.
Pagkababa ko ay nakita ko si Nathan na handa na rin. Mukhang may mas excited sa akin. Hahaha!
"Magandang umaga Zy!" Masaya kong pagbati sa kanya.
Nginitian niya naman ako. "Mas maganda ka kaysa sa umaga."
At dahil sa sinabi niya, aaminin kong kinilig ako.
"Pumick-up lines ah. May balak ka ba kay Ella ngayon?" Natatawa kong sabi sa kanya.
Napakamot naman siya sa ulo. "Meron. Pero parang di matutuloy saka ang corny pala nung sinabi ko." At napapikit siya at bumulong sa sarili na ang corny daw niya.
Lalo naman akong natawa. Ang cute!
"Nakakatawa ako at alam ko yun. Ayaw ko na nga magpick-up line."
"Okay lang naman ah! Saka nag-aagree akong ang corny nga." Natatawa kong sabi pero sa totoo lang, kinilig naman ako.
Ngumiti na lamang siya at pinaghila ako ng upuan. Umupo naman na ako at nagpasalamat.
Kumuha na ako ng pagkain at sumubo agad. Nangningning ang nga mata ko dahil sa sarap.
"Ang sarap ng luto ni manang. Heaven!"
Natawa naman si Nathan bigla.
"Bat ka tumatawa?" Taka kong tanong sa kanya na mas tinawanan niya pa.
"Tawa na lang ba isasagot mo sakin?" Tanong ko ulit at tinakpan niya na ang bibig para patigilin ang sarili niya.
"Sandali lang...." hingal niyang sabi dahil sa kakatawa.
"Bakit nga?"
"Ano kasi..... Ako yung nagluto niyan." At nginitian niya ako.
"Oh? Masarap talaga." At nginitian ko siya.
"Salamat. Minsan lang ako magpatikim ng luto at sinabihan pa akong masarap ang luto ko." Masaya niyang sabi.
Maghanap kayo ng katulad ni Nathan. Mabait, gentleman, caring, generous, talented, at madaling mapasaya. Well, may unting topak at kahambogan nga lang pero masaya siyang mahalin kasi mageenjoy ka kapag kasama mo siya. Makakalimutan mo rin ang problema ko.
"Natulala ka sakin Al. Bakit?" Taka niyang tanong kaya napagtanto kong nakatulala nga ako sa kanya.
Mabilis naman akong umiling. "Wala iyon Zy." At sumubo na lang ulit ako.
Ilang segundo ang lumipas sa katahimikan ng magsalita ulit siya.
"Al, alam mo naman na battle of the bands mamaya, diba?" Sabi niya na ikinatango ko.
"Bakit?" Taka kong tanong.
"Malalaman mo mamaya. Maya magandang mangyayari." Excited niyang sabi.
Naexcite tuloy akong malaman agad pero makapaghihintay naman ako.
"Ay, Al?"
"Oh?"
"May partner ka na ba dun sa recycling event? Wala pa ako eh. Baka pwede kitang kapartner?" At may kasamang pag cute smile na nagsasabing pumayag ka.
BINABASA MO ANG
You Made Me Fall For You
Romance"You are my bestfriend. You are one of my other halves. And You, You made me fall for you." You Series no. 1 Marien and Nathan's Story