Chapter 8: Mood swings and Birthday
Marien's P.O.V.
Nagising ako sa ingay na sa tingin kong nangagaling sa kabilang kwarto. Nagunat ako saglit at nagdasal sa Panginoon para sa araw na to. Pagkatapos non ay inayos ko ang kama ko at lumabas na ng kwarto.
Kinusot kusot ko muna ang mata ko bago puntahan ang kabilang kwarto. Pagkapasok ko roon ay nandon si Nathan sa sulok habang nakanguso at malungkot ang mga mata. Ang gulo din ng kwarto niya pero hindi ko alam kung bakit.
Lumapit na lang ako sa kanya at tinapik siya. "Anong nangyari Zy? Bat ang gulo dito?"
Napapadyak naman siya. Eto na ba yung sinasabi niyang pagkaisip bata niya? Kung ganon, ang masasabi ko lang ay.......... Cute siya. Parang gusto ko siyang yakapin at wag ng bitawan.
"Whattaplop kasi yung ending ng anime eh! Ang ano......" Sabi niya at kumamot sa ulo niya sabay buntong hininga. "Ang ano talaga...."
"Wait nga. Ano yung Whattaplop?" Taka kong tanong. Napangiti naman siya pero sumeryoso din ang mukha niya. May topak nga ang isang to.
"Bad kasing magmura kaya gumawa ako ng alternative." Sabi niya at tumayo. "Pero whattaplop lang talaga! Bakit niya iniwan yung babae? Nakakainis naman!"
At pinagbabato niya yung unan sa gilid niya. Tumawa naman ako sa kacutan niya.
Napatingin siya sa akin ng masama. "Anong tinatawa mo dyan? Hindi kaya nakakatuwa ang ending nung anime. Whattaplop lang talaga."
Mas lalo akong natawa. "Affected na affected ka dyan?" At sinamaan niya nanaman ako ng tingin.
"Ah basta. Wag mo na lang akong pansinin." Muli niyang sabi sabay nguso at bato ulit ng unan habang sinasabi ang famous niyang-"Whattaplop".
Lumabas na lang ako para kumain. Pagkababa ay binati lang ako ng mga kasambahay ng "Happy Birthday!" At pinasalamatan ko naman sila.
Pagkatapos kumain, kumuha naman ako ng pagkain para dalhin kay Nathan. Mukhang affected na affected kasi siya dun sa anime na pinanood niya.
Pagbungad sakin ng kwarto niya ay nakita ko siyang nakahiga at yakap yakap ang unan niya.
"Zy, kumain ka na." Sabi ko habang inilalapag ang mga pagkain sa mesa niya. Hindi siya kumibo at ibinaon lang ang mukha niya sa unan niya.
"Favourite mo pa naman ito Zy. Pancakes to oh." Pagpupumilit ko na inilingan niya lang.
Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa dulo ng kama. "Zy, pag di ka kumain, magkakasakit ka. Ayaw ko nun."
Bumuntong hininga naman siya sa sinabi ko. "Hayaan mo na ako. Malungkot lang ako. Pwede ka ng lumabas."
Tumayo naman ako at kinuha ang pamcakes sa lamesa. "Kung ayaw mong tumayo, susubuan na lang kita."
Napaupo naman siya at tinignan niya ako na parang naweiweirduhan siya sa ginagawa ko.
"Wag mo kong subuan Al. Umalis ka na lang." At bumalik na siya sa pagkakahiga. Napabuntong hininga naman ako. Hindi kasi ako sanay na malungkot siya.
"Zy, wag ka ng magmukmok dito, ok? Saka dapat ienjoy mo ang araw nato. Magpakasaya ka." Triny ko ang makakaya ko para iencourage siya.
"Ayaw ko nga kasi Al."
"Isa."
Nag sad face lang siya. "Al naman eh...."
"Dalawa." Mariin kong sabi.
"Ayoko nga eh!" At humiga na ulit siya. Kahit gusto kong ngumiti, kailangan ko munang pilitin siya.
"Tatlo Zy."
BINABASA MO ANG
You Made Me Fall For You
Romance"You are my bestfriend. You are one of my other halves. And You, You made me fall for you." You Series no. 1 Marien and Nathan's Story