CHAPTER- 1

8K 102 4
                                    


CHAPTER- 1

___ ••• ___

   NAPABALIKWAS ako ng bangon ng biglang tumunog ng bongga ang alarm tone ng alarm clock ko na nakapatong sa bedside table ko. Naiinis na kinapa ko iyon habang nakapikit pa rin ang aking mga mata. Inaantok pa kasi ako at ayoko pang bumangon. Agad ko namang pinatay iyon ng makapa ko. Babalik na sana ako sa aking pagtulog ng tumunog naman ang celphone ko.  Sino naman kayang alipores ang tatawag sa akin ng ganito kaaga? Istorbo!

   Hindi ko na natignan kung sino ang tumatawag dahil agad ko itong sinagot.

   "Hello..." Walang buhay na sabi ko.

   "Hello, Zich..." Boses lalaki at kilala ko talaga ang boses na 'yon kahit nakapikit man ako.

   "Bakit, Justy? Ang aga-aga nambubulabog ka na naman. Wala akong mapapautang sa'yo. Alam mo naman na wala pa tayong raket ngayon."

   "Hindi ako mang-uutang sa'yo, hoy!"

   "E, ano? Manliligaw ka?"

   "At lalong hindi ko gagawin 'yon. Hindi kaya ikaw ang tipo ko." Nang-iinis na turan niya.

   Na alarma ako sa sinabi niya kaya binuksan ko na ang aking mga mata at umayos ng higa. Ang aga iniinis na naman ako ng mokong na 'to. Siya pa talaga 'tong chossy, ha?

   "Hoy Justy!" Bulyaw ko sa kanya. Naiinis na talaga ako sa kumag na 'to. Ang aga binu-bwesit na naman ako nito.

   "Asa ka rin na type kita, no?" Kahit ikaw na lang ang nag-iisang lalaki sa universe ay hindi kita papatulan, no."

   "Isang malutong na tawa lang ang naging tugon niya sa sinabi ko. At talagang game talaga itong makipag-inisan.

   "Ang drama mo, ha? Baka kainin mo 'yang sinabi mo?" Natatawang turan niya.

   "Kung wala ka rin namang magandang sasabihin ay mabuti pang 'wag ka nang tumawag." Naiinis na turan ko. Naiinis talaga ako sa twing inaasar ako ni Justy. Hindi pa talaga ako nasanay sa kumag na ito. Pinanganak yata 'to na gifted pagdating sa painisan.

   "Wait lang. Bago mo ibaba ang tawag wala ka bang nakalimutan?" Aniya.

   "At ano naman ang makakalimutan ko, aber?"

   "Are you sure wala talaga?"

   "Wa--" Hindi ko na natapus ang sasabihin ko nang bigla akong may naalala. Naitapik ko ang palad ko sa aking noo ng maalala ko na meron pala kaming raket ngayon. Hinanap ko sa mini cabinet ko ang maliit na notebook kung saan nakalagay ang mga schedule ng mga raket namin. Isang beach weeding pala ang pupuntahan namin ngayong araw na 'to dahil kinuha kasi akong organizer ng ikakasal.

   Isa kasi akong event organizer. Nag-o-organizer ako ng ibat ibang event kagaya ng kasal, binyag at kung anu-ano pa basta't mapagkikitaan ay game ako diyan! Kasama ko sa mga raket ko ang mga kababata kong sina Justy at Arci. Si Justy ang nakatoka sa photography at mga video na kinukunan sa event. Si Arci naman ang bakla kong bff ang bahala sa mga designs. Ako naman ang nag-o-organize ng concept o motif ng isang event. Tulong-tulong kaming tatlo kaya bongga! chos!

   "O, ano?" Narinig kong sabi ni Justy mula sa kabilang linya.

   "Bakit hindi mo naman agad sinabi?"

   "Hindi mo naman tinanong, e." Namimilosopo pa talaga 'to, e. Pag ako nainis sa kumag na 'to kakalbuhin ko talaga 'to.

   "Asan na ba kayo?"

   "Papunta na kami diyan kaya bilisan mong mag-ayos."

   "Sandali lang magbibihis lang ako." Agad ko namang in-end ang tawag ni Justy.

___ ••• ___

   NADATNAN ko si Mama na naghahanda ng almusal sa dining table pagkalabas ko ng aking kwarto.

   "O, Zichelle, anak gising kana pala. Halika mag-almusal ka muna." Yaya niya sa akin.

   "Sige lang Ma, mauna na po kayo. Maliligo pa po ako." Bwelta ko sa kanya.

   "Ano ba yan. Mamaya na 'yan. Kumain ka muna. Ipinagluto kita ng mga paborito mong almusal." Ani Mama.

   Hindi na ako nakatanggi kay Mama. Humila ako ng upuan at umupo. Umupo na rin si Mama sa tapat ko.

   "May raket ka ba ngayon, anak?" Ani Mama matapos siyang lumagok ng kape sa kanyang tasa. Alam kasi ni Mama kung ano ang pinagkakaabalahan ko. Huminto na muna kasi ako sa pag-aaral para makatulong sa gastusin namin. No'ng una ay hindi ako pinayagan ni Mama pero pinilit ko talaga siya kaya napapayag ko siyang huminto na muna sa pag-aaral. Nangako naman ako sa kanya na babalik ako sa pag-aaral kapag may sapat na akong ipon.

   "Pupunta po kami ngayon nila Arci at Justy sa Palawan para sa isang wedding event." Ani ko habang nilalagyan ko ng palaman ang pandesal.

   "Nahanda mo na ba ang mga gamit mo?"

   "Wag na po kayong mag-alala ako na po ang bahala do'n."

   "Basta't mag-ingat kayo ro'n, ha?" Marahan pa siyang ngumiti. Nakita ko sa mga mata ni Mama ang pag-aalala kaya nakaramdam ako ng konting guilt sa sarili ko.

   "Kung nandito lang sana ang Papa mo... Hindi mo na sana kailangan pang huminto sa pag-aaral." Medyo nangingilid na ang mga luha sa mata ni Mama ng sabihin niya iyon. Dalawang buwan na kasi ang nakakalipas ng umalis si Papa. Nagpaalam siya sa amin na may gagawin daw siyang trabaho sa Maynila pero hanggang ngayon ay hindi parin siya umuuwi. Hindi na rin namin siya ma-contact. Hindi ko alam kung uuwi pa ba siya.

   "Hindi ko naman po pinagsisihan ang ginawa ko. Ginusto ko po ito." Bwelta ko sa kanya. "Hayaan niyo, Ma, Alam kong babalik din si Papa. Alam kong hindi tayo matitiis no'n. Tayo ni Zynel."

   "Salamat, anak. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko kung pati ikaw ay mawala rin sa tabi ko..." Tumayo si Mama mula sa pagkakaupo at niyakap niya ako ng mahigpit. Naramdaman ko sa kanya ang pagmamahal ng isang ina. Alam kong nalulungkot siya sa mga nangyayaring ito sa amin.

   "Wag po kayong mag-alala. Hindi ko magagawang iwanan kayo ni Zynel... Mahal ko po kayo..." Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.

   "Matapus kong mag-almusal ay dumiretso na ako ng banyo upang maligo. Matapus maligo ay nagbihis na ako at hinanda na rin ang ilang gamit na dadalhin ko. Nagdala ako ng ilang mga damit dahil hindi ko alam kung ilang araw ba ang itatagal namin sa Palawan.

   Isang simpleng t-shirt na may drawing ng anime at rep jeans lang ang suot ko. Mas kumportable kasi ako sa simple lang.

   Saktong pagkalabas ko nang bakuran ay dumating na rin sina Justy at Arci. Nagpaalam na ako kay Mama. Ti-next ko na rin si Zynel na wag niyang pababayaan si Mama. Nasa school kasi siya ngayon.

   Mahigit tatlong oras din ang ginugol namin sa byahe bago namin narating ang Isla ng Palawan. Sumakay pa kami ng bangka para marating ang sinasabing isla kung saan gaganapin ang event. Nawala rin naman ang pagod namin ng marating na namin ang naturang isla. Ang ganda kasi ng kabuhuan ng isla. Sinalubong kami ng mga care taker ng isla at iginiya kami papunta sa malapit na Hotel. Tinignan ko ang oras sa suot kong wrist watch. May isang oras pa kami para magpapahinga bago namin gawin ang sadya namin dito.

TO BE CONTINUED...

Unexpectedly yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon