CHAPTER- 11

1.7K 45 1
                                    


CHAPTER- 11

___•••___

   NABALING ang tingin namin sa gawi ni Mr. Matillano nang bigla siyang magsalita. Kanina pa kaya siya nandito? Narinig ka niya ang pinag-uusapan namin kanina ni JD? Nakita kong kumunot ang noo ni JD. Hindi ko alam kung bakit. Parang gusto niyang magsalita pero pinipigalan niya iyon.

   "Tara na." Utos ko kay Mr. Matillano at naglakad na ako papunta sa kotse niya. Walang permiso na binuksan ko ang pinto niyon. Doon ako umupo sa tabi ng driver's seat. Wala na naman kasi kaming dapat pag-usapan pa ni JD. Tanggap ko na ang lahat na pinagpalit niya ako sa iba.

Pinasadahan muna ng tingin ni Mr. Matillano si JD bago ito sumunod sa akin sa loob ng kotse. Pumwesto siya sa may driver seat at agad naman niyang pinaandar ang kotse niya at umalis na kami.

   Tinawagan ko na lamang si Mama na umalis na ako. Hindi na kasi ako nakapagpaalam sa kanya ng personal. Ang sabi niya ay mag-ingat na lang daw ako sa aking pupuntahan. Matapos ang pag-uusap namin ni Mama ay umayos na ako ng upo habang nakamasid sa bintana ng kotse ni Mr. Matillano.

   "Sino 'yon. Boyfriend mo?" Napatingin ako sa gawi ni Mr. Matillano nang bigla siyang magsalita. Nakatuon ang atensiyon niya sa pagmamaneho.

   "Ex." Tipid na sagot ko sa kanya. Hindi parin kasi ako nakamove-on sa mga nangyari kanina. Bakit bigla na lamang siyang magpapakita sa akin na parang wala lang nangyari. May mukha pa talaga siyang may ipapakita sa akin?

   "Ex?" Pag-uulit niya sa sinabi ko. Kumunot pa ang noo niya. Nakita ko iyon kahit naka side view siya sa akin. "Bakit may bulaklak at chocolate 'yon? Nililigawan kaba ulit no'n?" Manaka-naka'y tumitingin siya sa gawi ko.

   "Hindi." Bwelta ko sa kanya at hindi ko na ulit narinig pa na magsalita si Mr. Matillano. Nag-focus na lamang siya sa pagmamaneho hanggang sa marating na namin ang sinasabi niyang restaurant. Pinark muna niya ang kanyang kotse sa parking lot ng nasabing restaurant. Nauna siyang lumabas sa kotse at umikot siya sa kabila at pinagbuksan niya ako ng pinto. Inalalayan niya ako na makababa sa kanyang kotse at nagpasalamat naman ako sa kanya. Napatingin ako sa madilim na kalangitan nang makarinig ako nang malakas na pagkulog. Senyales iyon na parang uulan.

   Tinungo na namin ang pinto ng restaurant. Biglang bumalik ang kaba na nararamdaman ko sa aking dibdib nang pumasok na kami sa loob ng restaurant. Hindi kasi ako sanay na makihalubilo sa mga mayayaman.

   Iginala ko ang mga mata ko sa loob ng restaurant. Hitsura pa lang ng lugar ang sosyal na. May nakikita rin akong kumakain pero iilan lang. Iginiya kami ng isang waiter sa isang lamesa. Pero may nakaupo na roon. Nakatalikod sila sa gawi namin. Akala ko ba ay may naka-reserve na mesa para sa amin.

   Napalingon ang taong naka-upo roon ng maramdaman nila na papalapit na kami. Ngumiti ang mga ito ng makita kami. Namumukhaan ko ang mga taong nakaupo roon. Parents ang mga iyon ni Mr. Matillano. Bakit hindi man lang niya sinabi na nauna pa pala ang parents niya sa amin dito? Nakakahiya naman. Baka naiinip na ang mga ito sa kahihintay sa amin.

   "Magandang gabi po..." Bati ko sa parents niya at ngumiti naman ang mga ito.

   Humila si Mr. Matillano ng upuan at sumenyas siya sa akin na doon daw ako maupo. Magkatabi kami ng Mommy niya. Nasa kanan ko naman siya at magkatabi naman sila ng Daddy niya.

   Tinawag ni Mr. Matillano ang waiter at agad naman ibinigay nito ang menu.

   "You must be Ms. Velasco..." Nabaling ang tingin ko sa gawi ng Mommy niya ng magsalita ito. "Opo." Medyo nahihiya na sagot ko sa kanya. Ibinalik ko ang atensiyon ko sa menu.

   "I'll tell you frankly... I like you." Natigilan ako sa pagbabasa ng pagkain sa menu sa sinabi ng Mommy niya. Ano naman ang ibig niyang sabihin na gusto niya raw ako? Baka ibig niyang sabihin na nagustuhan niya ang pag-o-organize ko ng wedding nito.

Unexpectedly yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon