CHAPTER- 5

2K 42 0
                                    

CHAPTER- 5
___ ••• ___

   "LUMAYAS ka sa pamamahay na 'to Fernan!" Ang malakas na boses na iyon ni Mama ang bumungad sa akin ng buksan ko ang pinto ng aming bahay. Kauuwi lang namin galing Palawan. Hindi ko inaasahan ang madadatnan ko ng buksan ko ang pinto. Nakita kong binabato ni Mama ang mga gamit ni Papa. Umiiyak si Mama habang ginagawa niya iyon. Nagawi ang tingin ko kay Papa. Umuwi na pala siya. Sinamsam ni Papa ang mga gamit niya na nagkalat sa sahig. Nakita ko rin si Zynel sa isang sulok na umiiyak na rin.

   Natigalan sila ng makita nila ako. Sabay silang napatingin sa gawi ko. Kumunot ang noo ko sa nangyayari. Wala kasi akong ideya kung bakit pinapalayas ni Mama si Papa.

   "Zichelle, anak..." Ani Papa at akma niya sana akong lalapitan ng bigla magsalita si Mama.

   "Wag kang lumapit sa anak kong hayop ka! Wala ka nang pamilya na mauuwian dito!" Bulyaw ni Mama.

   Hindi ko pa rin alam kung ano ang nangyayari. Tinignan ko si Papa sa kanyang mga mata. 'Yong tingin na nagtatanong kung ano ba ang ginawa niya. Alam kong naintindihan niya ang ibig kong sabihin.

   "Patawarin mo ako, anak..." Ani Papa at hinawakan niya ang kamay ko.

   "Wag mong mahawakan ang anak ko, Fernan! Dahil ang dumi-dumi mo!"

   "Ano bang nangyayari Papa?" Tanong ko sa kanya. Umiiyak na rin siya. Ako naman ay pilit na tinatagan ang aking sarili sa sasabihin ni Papa. Alam kong may nagawa na naman siyang kasalan kay Mama.

   "Zichelle, anak..." Saad ni Papa. "Sana mapatawad mo ako sa mga--"

   "May kabit ang Papa mo at nagka-anak siya sa babaeng 'yon!" Hindi na natapus ni Papa ang kanyang sasabihin ng maunahan siya ni Mama. Bigla akong nanlamig ng marinig ko ang sinabing iyon ni Mama. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng mga sandaling iyon. Hindi parin matanggap ng sistema ko ang mga sinabi ni Mama. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko sa rebelasiyong nalaman ko. Nanggigigil na hinarap ko si Papa. Matalim ko siyang tinitigan sa kanyang mga mata.

   "T-totoo ba ang sinabi ni Mama?" Mahinahon kong tanong sa kanya habang pilit kong pinapakalma ang aking sarili.

   "Patawarin mo ako ana--"

   "Ang tanong ko ang sagutin mo! Totoo ba ang sinabi ni Mama?!" Bulyaw ko sa kanya. Kahit kailan ay hindi ko pa nagawang sigawan si Papa. Nirerespeto ko siya dahil alam kong mabuti siyang tao. Pero hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagawa kong sigawan siya nang dahil sa narinig ko mula kay Mama.

   "Oo. Totoo lahat ang sinasabi ng Mama mo. May kabit ako at nagka-anak kami. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon sa inyo. Sa inyo na totoo kong pamilya..." Umiyak  si Papa habang sinasabi niya iyon sa akin.

   "Matagal ko nang pinagsisihan ang mga nagawa ko sa inyo. Kaya nga bumalik ako para punan ang mga pagkukulang ko at ang mga kasalanan ko sa inyo..." Nakita ko ang sinsiridad sa mga sinabi ni Papa. Ang totoo ay galit ako sa ginawa niya pero ang kalahati ng utak ko ay nagsasabi na bigyan pa siya ng isa pang pagkakataon na magbago.

   "Umalis ka na sa bahay na ito!" Itinulak ni Mama si Papa palabas ng pinto. Wala naman siyang magawa para pigilan ang ginagawa nito sa kanya. Malakas naman iyong isinarado ni Mama at saka humagulgol ng iyak. Lumapit sa kanya si Zynel at dinaluhan siya nito. Lumapit na rin ako sa kanila at niyakap ko sila. Doon na lamang ako tuluyang humagulgol ng iyak. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Dahil sa ginawang iyon ni Papa ay sigurado akong masisira na rin ang aming pamilya.

___ ••• ___

   "HUWAAAT?!" Gulat na sambit ni Arci ng ikwento ko sa kanya ang ginawa ni Papa. Nasa food court kami ngayon ng isang mall habang kumakain. Niyaya ko kasi siyang mag-mall dahil gusto kong maglibang. Hindi ko kasi kinaya ang mga nalaman ko. At gusto ko rin humingi ng advice galing sa kanya. Si Arci lang kasi ang pinagsasabihan ko sa mga nangyayari sa aking buhay. Siya lang kasi ang kaya kong pagsabihan ng mga problema ko.

   "E ano naman ang ginawa ng mudra mo no'ng malaman niya na may kabit pala ang pudra mo at may sisterits ka sa labas?" Ani Arci.

   "Pinalayas niya si Papa. Sa totoo lang naawa naman ako kay Papa pero hindi ko naman masisi si Mama sa ginawa niya."

   "Okey lang 'yan, bes. Balang araw maayos din ang lahat. Magiging maayos din ang lahat at mabubuo na rin ang pamilya mo.." Sabi ni Arci at binigyan niya ako ng mahigpit na yakap. Niyakap ko rin siya. Kumalas lang ako sa yakapan naming dalawa ng may napansin ako. Nagtaka si Arci at sinundan niya ng tingin kung saan ako nakatingin.

   "OMG! Si Justy 'yan, ha?" Bulalas ni Arci sabay tapik sa braso ko. "Wait lang... Sino 'yang kasama niya?" Dugtong pa nito.

   Biglang uminit ang ulo ko ng makita ko si Justy na namamasyal dito sa mall na may kasamang babae. Hindi lang iyon ang nagpa-init ng ulo ko. Kundi 'yong sinabi niya sa akin na may sakit daw siya ng ayain ko siyang lumabas kanina. Nagawa na niyang magsinungaling sa akin ng dahil lang sa babae? Mas inuna niya pa talagang makipaglandian sa ibang babae kesa samahan niya kami ni Arci.

   Tumayo ako sa kina-uupuan ko dahil uminit talaga ang ulo ko kay Justy. Mas importante pa talaga sa kanya ang ibang tao kesa sa akin na kaibigan niya.

   Lalapitan ko na sana siya nang pigilan ako ni Arci. Hinawakan niya ang braso ko at saka hinila niya ako pabalik sa pag-upo.

   "Wait lang, bes. Kalma ka lang. 'Wag kang manggulo rito." Pagpapakalma sa akin ni Arci.

   "Sumusobra na kasi talaga ang Justy na 'to, e.  Mukhang hindi niya talaga pinapahalagahan ang pagkakaibigan natin. Akala ko ba sa hirap at ginhawa ay magkaibigan parin tayo? Bakit bigla na lamang niya tayong iiwanan sa ere?

   Ibinaling ko ang tingin ko sa kinaroroonan kanina ni Justy. Hindi ko na siya nakita roon. Mukhang umalis na sila ng malingat ako.

   Kinuha ko ang cellphone ko sa aking sling bag at ti-next ko si Justy. Sinabi ko na magkita kami mamaya dahil may sasabihin akong mahalaga sa kanya. Hindi ko na hinintay ang reply niya at ibinalik ko na ang cellphone ko sa aking sling bag. Humanda talaga sa akin ang Justy na 'yan kapag nagkita kami.

TO BE CONTINUED...

  

  
  

Unexpectedly yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon