CHAPTER 16

1.5K 31 0
                                    


___•••___

      "AYAN! kasya at bagay na bagay talaga sa'yo, ma'am," bulalas ng sale assistant ng sukatin ko ang singsing na isinuot ko sa daliri ko. Tamang-tama lang ang sukat niyon. Ang ganda pa ng designs. May mga maliliit pang mga diamonds sa ibabaw niyon.

   Akala ko no'ng una ay totohanin na talaga ni Mr. Matillano ang pagpapanggap namin. Akala ko ay bibili talaga siya ng gown na pasusuotin sa akin. Ako lang pala 'tong assuming. Sinabi niya sa akin na bibili  kami ng singsing para raw makatotohan ang pagpapanggap namin bilang mag-fiancé. Kailangan ay may suot akong engagement ring na kunwari ay nagpropose talaga sa akin si Mr. Matillano.

   "Magkano ba iyan, miss?" tanong ni Mr. Matillano sa S.A ng boutique.

   "20 thousand po 'yan, sir. Pero bibigyan ko po kayo ng discount dahil maganda naman po 'tong si ma'am na mapapangasawa niyo," nakangiti pang saad no'ng babae.

   Nalula ako sa halaga ng singsing. Kaya pala maganda at mukha talagang ilegante dahil ganoon pala talaga iyon kamahal?

   "Kaya nga mahal na mahal ko 'yan, e." bwelta naman ni Mr. Matillano sa sinabi ng babae sabay kindat sa akin. Ito naman si ateng ay kinilig din. Pinanlakihan ko naman siya ng mata sa sinabi niya. Alam kong nagbibiro lang siya pero parang dinamdam ko talaga iyong sinabi niya.

   Matapos naming mabili ang singsing ay ipinasuot na agad sa akin iyon ni Mr. Matillano. Dapat daw ay suot-suot ko iyon. No'ng una ay parang ayaw ko pang isuot iyon dahil baka bigla na lamang hablutin iyon ng kung sinong masasamang loob. Ang mahal pa naman ng singsing na iyon. Mahirap na ang panahon ngayon. Marami na ang masasamang loob.

    Halos gumabi na nang lumabas kami ng mall ni Mr. Matillano. Marami kaming pinamiling damit. Kailangan daw ay babagay sa mga pupuntahan namin ang susuotin ko kaya binilhan niya ako ng mga damit na mga mamahalin. Hindi naman ako nagsusuot ng mga mamahaling damit pero nahihiya naman akong tumanggi sa pamimilit ni Mr. Matillano.

   "Maghanda ka bukas. May pupuntahan tayong party," ani Mr. Matillano. Nasa biyahe na kami pauwi.

   Hindi ko napaghandaan ang sinabi niya. Kaya hindi agad ako nakapagsalita. Hindi naman talaga ako mahilig pumunta sa mga party lalo na't katulad ng party na sinasabi niya. Sigurado akong puro mayayaman ang a-attend sa party na sinasabi niya.

   Isang marahang pagtango lang ang naging tugon ko sa sinabi niya

   "Susunduin kita bukas. Suotin mo ang pinakamagandang damit na binili ko kanina," aniya habang nakatuon ang pansin niya sa pagmamaneho hanggang sa marating na namin ang bahay namin.

___•••___

   NAKABIHIS na ako bago pa man dumating si Mr. Matillano para sunduin ako sa bahay. Ayoko naman na paghintayin siya. Pagdating niya sa bahay ay agad naman akong nagpaalam kina mama. Sinabi ko na lang na may pupuntahan kaming birthday party. Hindi ko kasi sinabi kina mama ang pagpapanggap na gagawin ko. Paniguradong hindi ako papayagan niyon. Kilala ko si mama ayaw na ayaw niya na maki-alam ako sa problema ng ibang tao dahil ayaw niya akong mapahamak. Naiintindihan ko naman siya pero hindi naman maatim ng konsensiya ko na hayaan na lang si Mr. Matillano sa problema niya. Gusto ko siyang matulungan siya sa abot ng aking makakaya.

   Isinuot ko ang pulang gown na binili sa akin ni Mr. Matillano. Hindi ako sanay na magsuot niyon kaya parang naninibago ako. Sa tuwing may JS prom lang kasi ako nakakaranas na magsuot niyon. Naglagay din ako ng konting make-up.  Ang kapatid ko namang si Zynel ang nag-ayos ng buhok ko. Nagustuhan ko naman ang ayos niyon.

   "Are you okey?" napatingin ako sa gawi ni Mr. Matillano nang magsalita siya. Nasa biyahe na kami papunta sa venue ng sinasabi niyang party. Napuna niya siguro ang pananahimik ko.

   Tumango lang ako bilang tugon sa sinabi niya.

   "Isang business party ang pupuntahan natin. Alam kong dadalo ang lahat ng mga mayayaman at tanyag na mga businessman sa iba't-ibang panig ng pilipinas. At sigurado akong dadalo rin si Keziah. Isa ang pamilya niya sa kilalang angkan ng mga businessman at hindi maari wala sila roon..." sabi pa ni Mr. Matillano habang papalit-palit ang tingin sa akin at sa daan na tinatahak namin. "Don't worry, gawin mo lang kung ano ang dapat mong gawin at magiging maayos ang lahat." dugtong pa niya.

   Iyon kasi ang kanina ko pa iniisip. Paano kung mabuko kami ni Keziah na nagpapanggap lang kami ni Mr. Matillano? Tiyak mapupunta lang sa wala ang plano niya. At tuluyan nang makukuha ni Keziah si baby Tobi.

   "Wag kang mag-alala... Nasa tabi mo lang ako. Hindi kita pababayaan" Naramdaman ko ang paghawak ni Mr. Matillano sa kamay ko. Marahan niya iyong pinisil na parang sinasabi niya na wala akong dapat na ikabahala. Naramdaman ko naman ang sensiridad sa mga sinabi niya kaya kahit papaano ay nakaramdam ako ng siguridad sa sinabi niya.

   Ilang sandali pa ay narating na namin ang venue ng party. Sa isang kilalang hotel. Pagkarating naman ay ipinark muna ng maayos ni Mr. Matillano ang kanyang sasakyan. Bago niya ako pagbuksan ng pinto ay may iniabot muna siya sa akin. Isa iyong maskara na mata lang ang natatabunan sa mukha mo kapag isinuot mo iyon. Meron iyon design ng mga feathers sa gilid. Napakunot-noo ako. Hindi ko kasi alam kung para saan ang maskarang iyon.

   "Wear that." pagkasabi niya niyon ay agad naman niyang isinuot 'yong sa kanya. Kulay itim naman 'yong sa kanya. Doon ko na lang narealize. Isa palang masquerade party ang dadaluhan namin na kung saan may mga suot na maskara ang mga taong dadalo. Agad ko naman isinuot ang maskara ko at agad na sumunod kay Mr. Matillano.

   Naglalakad na kami papunta sa entrance ng hotel nang biglang hinawakan ni Mr. Matillano ang kamay ko at ini-angkla niya ang braso ko braso niya.

   "Just act naturally." mahinang bulong niya sa akin. Alam ko na iyon na ang hudyat sa pagsisimula ng pagpapanggap ko bilang fiance ni Mr. Matillano. Napabuntong hininga na lamang ako sa sobrang tense na naramdaman ko ng sandaling iyon. Pero pilit ko paring tinatatagan ang loob ko.

   "Good evening ma'am and sir. Pwede ko po bang makita ang enrty pass niyo." bungad sa amin ng security sa may entrance papasok sa lobby ng hotel. May inilabas si Mr. Matillano na isang card at ipinakita niya iyon sa security. Kinuha iyon ng security at agad naman niyang ibinalik kay Mr. Matillano sabay tango. Pinapasok na kami ng security.

   Naglalakad na kami papasok sa lobby ng hotel. Habang papalapit nang papalapit na kami ay siya ring papalakas ng kalabog ng aking dibdib. Parang may naghahabulang mga kabayo. Parang gusto ko nang umatras pero iniisip ko na nandito na kami at wala na akong magagawa pa. Hindi ko alam kung ano ba ang magiging kalabasan ng pagpapanggap namin ni Mr. Matillano.

TO BE CONTINUED...

  

Unexpectedly yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon