CHAPTER 12

1.7K 40 0
                                    


CHAPTER 12

___•••___

   HININTO ni Mr. Matillano ang kotse niya sa tapat ng aming bahay. Binuksan ko ang pinto na malapit sa akin at bumaba na ako. Nagpasalamat muna ako sa kanya bago siya umalis.

   Tinungo ko na ang gate ng bahay namin. Ipapasok ko na sana ang susi ng kandado roon nang makarinig ako na parang may umubo. Iginala ko ang aking mga mata sa aking paligid hanggang sa mapadako ang tingin ko sa gilid ng aming gate. May napansin ako roon. Isang bulto ng tao. Medyo madilim kasi sa parteng iyon kaya hindi ako nakakasiguro kung tao ba talaga nakita ko sa banda roon.

   Dahil sa kuryusidad ay nilapitan ko iyon. Binuksan ko ang flashlight sa aking cellphone at itinutok ko roon. Nanlaki ang mga mata ko nang makumpirma kong tao nga iyon. Naka-upo ito habang nakayuko. Basang-basa ito. Napansin ko rin na parang nanginginig ito. Lumapit ako ng bahagya at tinapik ko ang balikat ng taong iyon. Ano ba ang nangyari sa kanya at basang-basa siya. Naalala kong umulan pala kanina.

   "Kuya, okey lang ba--" Natigilan ako ng biglang gumalaw ang ulo niya at tumambad sa akin ang kanyang mukha. Nakapikit ito at parang nanghihina na. Nagulat ako nang makilala ko ang taong iyon. Walang iba kundi si JD.

   "Z-zich..." Namumungay ang mga mata na sabi nito. At nagulat na lamang ako nang bigla siyang natumba. Mabuti at naging maagap ako at nasalo ko siya.

   Pumasok ako sa loob ng bahay at nagpatulong ako kay Mama para maipasok namin sa loob ng bahay si JD. No'ng una ay nagulat si Mama. Sinabi ko na lamang na kaibigan ko ang lalaking tinulungan namin. Hindi kasi alam nila Mama na nobyo ko dati si JD ayoko ko kasing ma-disappoint sila sa akin. Gusto kasi nila na magtapos muna ako ng pag-aaral bago pumasok sa isang relasiyon kaya inilihim ko sa kanila ang tungkol sa amin ni JD.

   Nang makapasok na kami sa loob ng bahay ay agad naman naming ideniretso si JD sa loob ng kwarto ko. Naramdaman ko na umaapoy na ito ng lagnat. Sinabi ko na lamang kina Mama na ako na ang bahala kay JD. Kailangan ko siyang palitan ng damit dahil basang-basa ang damit nito. Ayaw pa sanang pumayag ni Mama sa gusto kong mangyari dahil babae raw ako. Alam ko ang ibig niya sabihin kaya sinabi ko na lamang sa kanya na tatakpan ko ng tuwalya ang maselang parte ng katawan nito habang binibihisan ko ito. Pumayag naman si Mama sa gusto kong mangyari. Tawagin ko na lamang daw siya kung kakailanganin ko ang tulong niya.

   Sinimulan ko ng tanggalin isa-isa ang suot niyang damit. Una kong hinubad ang polo niya. Dahan-dahan kong hinubad iyon. Tumambad sa paningin ko ang kakisigan ng katawan niya. Hindi ko maiwasan na mapatingin doon. Mariin naman akong napapakit nang matauhan ako. Hindi ko dapat tinitignan ang katawan niya. Sunod ko namang tinanggal ang pantalon niya. Nakapikit ako habang tinatanggal ko ang botones ng pantalon niya. Nang matanggal ko iyon ay dahan-dahan ko namang ibinaba ang zipper ng pantalon niya. Wala na akong choice kundi gawin ito. Sinantabi ko na muna ang galit ko sa kanya. Ang importanti ay matulungan ko siya.

   Nilagyan ko muna ng tuwalya sa parteng iyon ng kanyang katawan bago ko hinila ang pantalon niya. Hanggang doon na lang ang kaya kong gawin. Hindi ko yata kaya na tanggalin pa ang underwear niya. Ang importante ay natanggal ko na ang basang damit niya.

   Lumabas ako ng kwarto at pumunta ako sa kwarto nila Mama. Humiram ako doon ng damit ni Papa. Isang plain t-shirt at short ang kinuha ko doon. Bumalik ako ng kwarto ko at ipinasuot ko iyon sa kanya. Mabuti na lang at kasya sa kanya ang damit ni Papa. Magkapareho yata sila ng size ng damit.

   Kumuha na rin ako ng bimpo at palanggana na may lamang malamig na tubig. Nilagyan ko ng bimpo ang noo niya para mabawasan ang init ng katawan niya. Ano ba ang pumasok sa kukuti ng mokong na 'to at nagpa-ulan sa labas. Hindi ba siya umalis kanina? Hinintay niya kaya ako?

   "Zich..." Mahinang sambit niya habang pabaling-baling ang ulo niya. Hindi ko alam kung nanaginip ba siya dahil nakapikit ang mga mata niya habang tinatawag niya ang pangalan ko.

   "Zich... Zich..." Paulit-ulit niyang sinasabi ang  pangalan ko hanggang sa tumigil na rin siya. Kinapa ko ang noo niya. Medyo bumaba na ang lagnat niya. Hindi na kasi masyadong mainit ang katawan niya.

   Wala sa sarili na napatingin ako sa kanyang maamong mukha. Hindi ko alam pero parang nakaramdaman ako ng kakaiba ng titigan ko ang mukha niya. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Mahal ko pa ba ang taong 'to?

   Napapitlag ako ng biglang bumukas ang nakasarang pinto ng kwarto ko at agad namang pumasok si Mama.

   "Kamusta na ang kaibigan mo?" Mahinahong  tanong niya.

   "Okey na po siya. Medyo bumaba na po ang lagnat niya."

   "Siya sige. Ipagluluto ko muna siya ng lugaw." Agad naman lumabas ng kwarto ko si Mama pagkasabi niya niyon. Napatingin ako sa kay JD nang marinig ko ang mahina niyang pag-ungol. Maya-maya ay dahan-dahan na niya iminulat ang kanyang mga mata.

   "Zich..." Aniya at akma sana siyang tatayo ng pigilan ko siya. 'Wag ka munang masyadong gumalaw baka mabinat ka."

   "Ano'ng nangyari?" Kunot-noo na tanong niya. Pinakiramdaman niya ang katawan niya. "Bakit iba na ang suot kong damit? Kanino ang mga 'to?" Usisa niya.

   "Nabasa ka lang ng ulan nagka-amnesia kana agad? Nadatnan kita sa labas ng aming bahay na basang-basa ng ulan at nanginginig kaya ipinasok kita dito sa loob ng bahay. Inaapoy ka rin ng lagnat kaya nilagyan ko ng bimpo 'yang noo mo."

   "I-ikaw din ba ang nagpalit sa akin ng damit?"

   "Pinalitan kita ng damit dahil basang-basa ang damit na suot mo kanina. Hindi ko naman maatim na nakikita kang gano'n kaya pinalitan ko ang mga damit mo. 'Wag kang mag-alala nakapikit naman ako habang binibihisan kita."

   Sandaling natahimik si JD sa sinabi ko.

   "Ano bang trip mo at nagpa-ulan ka sa labas?" Seryosong tanong ko sa kanya. Medyo naiilang kasi ako sa kakatitig niya.

   "Hinintay kasi kita na dumating."

   "Bakit mo naman ako hinintay? Sinabi ko bang hintayin mo ako?"

   "Gusto kasi kitang maka-usap kaya hinintay kita." Malungkot na turan niya. Habang hindi maalis ang pagkatitig niya sa akin. Inilihis ko naman sa ibang direksiyon ang mga mata ko.

   "Hindi ba't sabi ko sa'yo na wala na tayong dapat pang pag-usapan. Tanggap ko na ang lahat ng panlolokong ginawa--"

   "Hindi kita niloko. Bumalik ako at hinanap kita. Ngunit hindi na kita nakita pa. Ginawa ko na ang lahat ng paraan para mahanap lang kita pero nabigo ako. Kaya nang makita kita sa Beach no'ng gabing iyon ay nabuhayan ako ng pag-asa. Hinabol kita noon pero hindi na kita nakita. Kina-umagahan ay hinanap kita sa mga hotels doon. Nang sinabi ng receptionist na may naka-check-in sa hotel nila na kapangalan mo ay nabuhayan ako ng pag-asa na magkikita tayong muli. Pero sinabi sa akin ng receptionist na nag-check out ka na raw ng araw na iyon. Kung alam mo lang na hindi ako tumigil sa paghahanap sa'yo..." Nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata.

   Totoo bang ginawa niya iyon? Totoo bang hinanap niya ako? Naalala ko ang mga nangyari ng gabing iyon. Ang una naming pagkikita. Siya ang lalaking nakabangga ko sa beach no'ng mag-organize kami ng wedding doon. Hindi ko inaasahan na magkikita kami roon. Wala pa akong lakas ng loob na harapin siya noon kaya kina-umagahan ay nagdesisyon na ako na kailangan na naming umalis sa lugar na 'yon. 'Yon ang totoong dahilan at inilihim ko iyon kina Arci.

  

  
TO BE CONTINUED...

Unexpectedly yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon