CHAPTER 15

1.6K 38 0
                                    


CHAPTER- 15

___•••___

  
    NATAPOS ang pag-uusap namin ni Mr. Matillano sa pagpayag ko. Wala na akong nagawa dahil nangingibabaw pa rin sa akin ang tulungan siya. Agree din naman ako sa kanya. Hindi naman madali na basta niya lang ibibigay ng ganoon na lamang si Tobi sa mommy nito. Ito rin naman ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi lang sana niya iniwan ang mag-ama niya at inuna niya ito kesa sa mga pangarap niya ay hindi sana mangyayari ang lahat ng ito.

   Bago paman sabihin ni Mr. Matillano ang plano niya na magpanggap ako bilang fiancé niya at ina ni Tobi ay sinabi niya na raw ito sa parents niya. Agree rin naman daw ang mga ito dahil ayaw din naman nila na makuha ni Keziah ang kaisa-isang apo nila.

   "Welcome home, ija," nakangiting turan ng mommy ni Mr. Matillano nang pagbuksan niya kami ng pinto. Matapos naming mag-usap sa restaurant ay agad naman kaming dumiretso sa bahay nila para sabihin sa parents niya ang pagpayag ko sa pagpapanggap na gagawin namin. Lumapit sa akin ang mommy niya at nagbeso-beso sa akin. Bigla tuloy akong nahiya sa ginawa niya. Para kasing long lost friend lang ang peg ko.

   "Salamat naman at pumayag ka na..." Kumunot ang noo ko sa sinabi ng mommy niya. Paano nito nalaman na pumayag na nga ako sa plano nila. Napabaling ang tingin ko kay Mr. Matillano at ngingiti-ngiti naman itong tumingin sa akin.

   "Alam kung nagtataka ka kung bakit ko nalaman. Excited kasi akong malaman kung pumayag kana ba kaya tinawagan ko kanina si Ron para kumpermahin," nakangiting saad ng mommy niya. Naalala kong may tumawag kanina sa cellphone niya kaya inuha ko ay baka ang mommy niya ang tumawag sa kanya kanina.

   "Don't be shy. Isipin mo na lang na bahay mo na rin ito." Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ng mommy niya.

   "Tama si Lourdes, feel at home ka lang kung nandito ka sa bahay," singgit naman ng daddy niya na nasa likod lang ng mommy niya.

   Napagkasunduan na namin ni Mr. Matillano na tuwing weekends ako pupunta sa bahay nila para gawin ang pagpapanggap ko. Hindi naman kasi pupwede na dito ako buong linggo. May sarili rin naman akong buhay kaya tuwing weekends na lang ako pupunta rito.  Hindi naman ako tumagal sa bahay nila at nagdesisyon na akong umuwi. Inihatid ako ni Mr. Matillano sa bahay.

___•••___

   "TOTOO ba 'yang sinasabi mo na magpapanggap ka bilang fiancé at ina ng anak ni Mr. Matillano, bes?" Halos mahulog na si Arci sa kanyang kina-uupuan nang ikwento ko sa kanya ang pagpapanggap na gagawin ko. Nandito kami ngayon sa isang refreshment café. Kinabukasan ng umaga ay tinawagan ko siya at nakipagkita aki sa kanya. Gusto ko kasing ikwento sa kanya ang pagpapanggap na gagawin ko baka sakaling makakuha ako ng ilang mga tips para mapadali ang pagpapanggap na gagawin ko. Ikinwento ko rin sa kanya ang dahilan kung bakit ako magpapanggap.

   "Baka pwede mo rin akong irito d'yan kay papa Ron. Malay mo baka kunin niya rin ako bilang mistress niya!  Aray!" agad ko namang binatukan si Arci sa sinabi niya.

   "Joke lang. Hindi ka naman mabiro, e," kakamut-kamot ng ulo na turan niya.

   "May mga tips ka bang pwedeng i-share sa akin?" seryosong sabi ko sa kanya. Alam ko kasi na marami nang nasalihang cosplay 'tong si Arci kaya alam kong magaling itong umarte.

    "Cosplayer lang ako, bes. Hindi ako batikang artista pero bibigyan parin kita ng ilang mga tips na natutunan ko sa mga acting workshop na sinasalihan ko dati," nakangiting turan niya. "Una. Make it realistic. Iyon bang todo kung umarte at gawin mong makatutuhanan ang role na ginagampanan mo. Kapag nagkaharap na kayo ng ina ng anak ni papa Ron ay ipakita mo sa kanya na ikaw ang legal wife! Pangalawa. Isapuso mo ang pag-aarte. Dapat with emotions para kapani-paniwala. And last but not the least..." ibinitin pa niya ang kanyang sasabihin. Napapanga-nga pa ako sa kahihintay ng idudugtong niya sa sasabihin niya.

    "And last but not the least ay isama mo ako sa eksena para meron ka namang suporting actress kapag nagkataon!" sinapak ko siya sa sinabi niya. Kahit kailan talaga ay hindi matinong kausap 'tong si Arci. Pero may point naman siya sa mga sinabi niya. Ganoon na nga siguro ang gagawin ko. Kailangan kong i-apply ang mga sinabi niya. Mabuti na lamang at may kaibigan akong kagaya ni Arci. Kahit mukha itong hindi matino ay may nakukuha naman akong tips sa kanya.

   Pagkatapos naming mag-meryenda sa refreshment café ay nagpaalam na sa akin si Arci dahil may pupuntahan pa raw siyang cosplay contest sa isang mall. Hindi ko na siya sinamahan dahin ti-next na ako ni Mr. Matillano susunduin niya raw ako dahil may pupuntahan daw kami. Ilang minuto lang akong naghintay sa labas ng refreshment café ng may huminto na kotse. Lumabas  sa sasakyan na iyon si Mr. Matillano. Nakangiti niyang binuksan ang pinto sa tabi ng driver's seat. "Shall we?" anyaya niya sa akin. Agad naman akong pumasok sa loob ng kotse niya at umikot naman siya sa kabila at pumwrsto na sa driver's seat. Agad naman niyang binuhay ang sasakyan ng makapwesto na siya.

   "Saan ba tayo pupunta?" Nasa biyahe na kami ng tanungin ko siya. Wala kasi akong ideya kung saan ba kami pupunta. Hindi naman niya iyon sinabi sa txt.

   Tumingin siya sa akin at ningitian niya ako. "Basta," iyon lang ang sinabi niya.

   Hindi na lamang ako umimik. Umayos na lamang ako ng upo. Ilang minuto lang ay ipinark na ni Mr. Matillano ang kotse niya sa parking lot ng isang kilalang mall.

   "Here we are," bulalas niya ng maipark na niya ng maayos ang kotse niya.

   "Ano naman ang gagawin natin dito?" kunot-noo na tanong ko sa kanya.

   "Ano ba ang ginagawa ng mga taong pumupunta rito?" pabalik niyang tanong.

   "Shopping?" alanganing sagot ko.

    "Tumpak! Tara na." Nauna na siyang lumabas sa kotse niya. Hindi ko na hinintay pa na pagbuksan na naman niya ako ng pinto ng kotse kaya kusa na akong lumabas ng kotse. Nakasunod lang ako sa kanya habang naglalakad kami papasok sa loob ng mall.

   "Ang bagal mo namang maglakad." Huminto siya sa paglalakad at nilingon niya ako. Hindi ko namalayan na ang layo na pala ng agwat namin.

   "Ikaw kaya 'tong mabilis maglakad. Sumasali kaba sa mga fan run?" Pilyang tanong ko sa kanya ng makalapit na ako sa kanya. Hindi niya ako sinagot bagkus ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko at nagpatuloy na siya sa paglalakad. Nasa likod lamang niya ako habang hawak-hawak niya ang mga kamay ko.  Nagulat ako sa ginawa niya. Nailang ako bigla. Bakit parang namimihasa naman 'tong mokong na 'to sa kakahawak ng kamay ko.

   Sa isang boutique shop kami tumigil na nasa loob ng mall at isang babae ang sumalubong sa amin. "Good day sir. and ma'am. Pasok po kayo. Marami po kayong pagpipilian dito. Para ba sa weeding gown ng mapapangasawa mo, sir?" Iyon agad ang narinig ko sa babaeng nag assist sa amin. "Ang sweet niyo naman po. Bagay talaga kayo..." sabi pa ng babae habang nakatingin sa kamay namin. Agad naman akong kumalas sa pagkakahawak ni Mr. Matillano sa kamay ko. Napagkamalan na naman kaming mag-nobya. Nanlaki pa ang mata ko sa sinabi nito. Bakit nga ba dito ako dinala ni Mr. Matillano? Bibili ba siya ng wedding gown? Para kanino naman? Naitutop ko sa aking bibig ang palad ko ng mapagtanto ko na baka para sa akin ang wedding gown na bibilhin niya. 'Wag niyang sabihing totohanin niya talaga ang pagpapanggap namin bilang mag-fiancé. Hindi naman kasama sa plano namin na magpapakasal talaga kami. Hindi pa ako ready!

  

   TO BE CINTINUED...

Unexpectedly yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon