CHAPTER 20

1.5K 40 0
                                    


CHAPTER 20

___•••___

   NAALIMPUNGATAN ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Tobi. Umingit kasi iyon kaya sigurado akong may bumukas ng pinto. Nandito kasi ako ngayon sa kwarto ni Tobi. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Hiindi kasi pumayag si Tobi na umalis ako sa tabi niya. Kaya ang ginawa ko ay sinamahan ko na lamang siya. Plano ko na hihintayin ko na lamang ang pagdating ni Mr. Matillano bago ako umalis.

Narinig ko ang mga yabag ng paa ni Mr. Matillano palapit sa kinaruruonan namin. Naaninag ko naman siya sa tulong ng nakabukas na lamp shade. Yumukod siya at hinalikan ang noo ni Tobi na mahimbing na natutulog.

"How's Tobi?" Ibinaling niya ang tingin niya sa akin.

"Okey naman si Tobi." Tumayo ako mula sa aking pagkakahiga.

"Salamat sa pagbabantay sa kanya." Aniya at ibinaling ang tingin kay Tobi.

"Hindi naman mahirap alagaan si Tobi. Nag-e-enjoy nga akong kasama siya, e."

"Hindi ka ba niya kinukulit?"

"Kinukulit saan?" Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni Mr. Matillano.

"I already told him. Sinabi ko na sa kanya kahapon. Sinabi kong ikaw ang mommy niya. Naiingit daw kasi siya sa mga kaklase niya na ang mommy nila ang naghahatid sa mga kaklase niya sa school nila samantalang yaya lang niya ang naghahatid sa kanya." Anito at hinaplos ang noo ni Tobi.

"I know. Alam kong ikaw ang nagsabi sa kanya niyon kaya sinakayan ko na lamang iyon. Nakikita ko nga rin sa mukha ni Tobi kung paano siya naging masaya na may mommy na siyang naghahatid sa kanya sa school--" Natigilan ako nang may bigla akong may naalala.

"Nakita pala namin si Keziah kanina sa school nila. Nakilala niya si Tobi kaya agad naman kaming umalis ni Tobi."

"What? Sigurado ka bang si Keziah 'yong nakita mo?" usisa sa akin ni Mr. Matillano.

"Hindi ako maaaring magkamali. Pinakilala siya sa amin ng kaklase ni Tobi na pamangkin nito."

"Alam kong hindi magdadalawang isip si Keziah na kunin si Tobi sa akin kapag nagkataon. Kailangan nating ilayo si Tobi."

"Paano naman natin ilalayo si Tobi sa kanya?"

"Akong bahala." Anito at mukhang nag-iisip ng plano.

___•••___

   BITBIT ang isang traveling bag ay tinungo ko ang bahay nila ni Mr. Matillano. Kagabi kasi ay napagpasyahan niya na itatago raw niya si Tobi kay Keziah. Kailangan niya raw itong mailayo sa totoong ina nito. Kaya napagpasyahan ni Mr. Matillano na itatago muna namin si Tobi doon sa beach resort na pagmamay-ari ng pamilya nila na matatagpuan sa Guimaras sa Negros. Hindi sana ako sasama sa pagtatago nila pero wala naman akong nagawa ng pinilit niya talaga ako. Baka raw kasi hanapin ako ni Tobi kapag hindi ako sumama sa kanila. Actually, kinakabahan din naman ako sa gagawin namin sa patatago kay Tobi pero iniiisip ko na lamang na para rin naman ito sa kapakanan ni Tobi. Alam kong hindi magdadalawang isip si Keziah na kunin si Tobi kay Mr. Matillano kapag nagkataon.

Nakita kong nakaparada na sa labas ng bahay nila ang sasakyan. Iyon siguro ang gagamitin namin. Lumapit ako roon nakita ko si Tobi sa loob niyon. Nang makita niya ako ay agad naman siyang lumabas ng sasakyan.

"Mommy!" Tumakbo siya palapit sa akin. Yumukod naman ako para magpantay ang taas namin. Nagyakapan kami. Feeling ko tuloy ako talaga ang totoong ina ni Tobi. Kumportable rin naman ako na kasama siya. Hindi ko alam pero parang napamahal na rin sa akin si Tobi at ayoko nang malayo pa sa kanya.

Unexpectedly yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon