CHAPTER 24

1.4K 37 0
                                    


---oOo---

"SIGURADO ho ba kayo rito sa gagawin natin? Paano kung magalit si Sir. Ron sa ginawa nating pagsunod sa kanya?" Tanong sa akin ni Manong Ricky habang palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa daan na tinatahak namin. Kasalukuyan naming sinusundan ang sasakyan ni Mr. Matillano. Ang sasakyan ng parents ni Mr. Matillano ang ginamit namin na minamaneho ni Manong Ricky. Nang sabihin ko kanina kay Manong Ricky na susundan namin si Mr. Matillano ay medyo nag-aalangan pa siya. Ibinilin kasi kami ni Mr. Matillano sa kanya. Siya lang kasi ang maiiwang lalaki sa bahay ng mga ito. Paano na lang daw kung bigla na lamang pasukin ng mga tauhan ni Keziah ang bahay ng mga ito kapag pumalpak ang plano nito.

"Maaatim ho ba ng konsensiya mo na hayaan na lamang ang Sir Ron niyo na mag-isang pupunta sa mga kidnappers?"

"Pero kabilin-bilinan po niya na 'wag ko raw kayong iiwan. Baka bigla na lamang pasukin ng mga kidnappers ang bahay--"

"Wag kang mag-alala, Manong Ricky. Kapag pinasok ng mga kidnappers ang bahay ay tiyak mahihirapan ang mga iyon na hanapin si Tobi." Doon kasi namin itinago pansamantala si Tobi sa basement ng bahay nina Ron. Kasama niyang nagtatago roon ang mga maids. Mabuti nang sigurado.

"Ang mabuti pa ay mag-focus na lang po kayo sa pagsunod sa sasakyan ng Sir niyo." Isang marahang pagtango lang ang sinagot ni Manong Ricky at nag-focus na lamang ito sa pagsunod sa sasakyan ni Mr. Matillano.

Mahigit dalawang pong minuto rin naming sinusundan ang sasakyan ni Mr. Matillano bago ito lumiko sa isang abandonadong warehouse. Sinabihan ko si Manong Ricky na ihinto na lamang ang sasakyan sa tabi. Nang maihinto niya iyon ay agad ko namang binuksan ang pinto na malapit sa akin.

"Saan po kayo pupunta?" Tanong sa akin ni Manong Ricky.

Nilingon ko siya. "Susundan ko sa loob si Ron." Sagot ko.

"Wag na po kayong pumunta roon. Delikado!"

"Wag po kayong mag-alala hindi naman po ako magpapakita, e. Tumawag na lamang po kayo ng pulis kapag hindi ho agad ako nakabalik." Pagkasabi ko niyon ay agad na akong lumabas ng sasakyan.

Maingat akong nagpalinga-linga sa paligid. Baka kasi bigla na lamang may makakita sa akin na mga tauhan ni Keziah at mahuli pa ako nang wala sa oras. Nakita kong lumabas si Mr. Matillano sa kotse niya matapos niya iyong i-park. Naglakad siya papunta sa loob ng malaking warehouse. Tumalima naman ako at agad siyang sinundan. Hanggang sa tuluyan na siyang makapasok sa loob ng abandonadong warehouse. Dahan-dahan akong naglakad. At nang may nakita akong drum ay doon ako nagtago. Bahagya pa akong sumilip.

"Very good! Mabuti naman at marunong kang sumunod sa pinag-usapan natin! Nasaan na si Tobi?!" Iyon agad ang bungad ni Keziah kay Ron nang bahagya na itong makalapit rito. May kasama itong lalaki na namumukhaan ko. Totoo ba 'tong nakikita ko? Si JD ba ang lalaking katabi ni Keziah? Bakit naman ito narito. Ano'ng ginagawa nito rito?

"Ilabas mo muna ang parents ko!" Bwelta naman ni Ron na halatang nagpipigil lang ito sa galit.

"Sigurista ka rin pala." Pumalak lang ito ng dalawa at mula sa isang pinto ay lumabas ang dalawang armadong lalaki habang hawak ng mga ito ang parents niya. Pareho nakatali ang mga kamay ng mga ito.

"Mom! Dad!" Ani Ron at patakbong sinalubong ang parents niya. Agad naman niya itong niyakap.

"Ops! Tama na 'yang pagda-drama na iyan! Ngayon, nasaan na si Tobi?"

"Nasa sasakyan siya." Ani Ron at sinenyasan ni Keziah ang isa sa mga tauhan niya na kunin si Tobi sa sasakyan nito.

Agad namang kinalagan ni Ron ang parents niya. Nakita kong iginala ni Ron ang mga mata niya habang kinakalagan niya ang pagkakatali ng mga ito. Mukhang naghahanap ito ng pwede nilang daanan para makalabas sa warehouse na iyon. Saktong natapos nang kalagan ni Ron ang parents niya nang biglang tumunog ang celphone ni Keziah. Agad naman nito iyong dinukot sa bulsa nito at agad na sinagot.

Unexpectedly yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon