CHAPTER 26- FINAL CHAPTER

2.5K 38 10
                                    

---oOo---

ISANG buwan na ang lumipas simula nang umalis sina Ron at Tobi papuntang state. Sa isang buwan na lumipas ay parang madalas ay malungkot ako. Hindi pa rin talaga ako sanay na hindi ko nakikita si Tobi. Pero alam kong balang araw ay babalik din si Tobi sa pilipinas. Wala mang siguraduhan ang iniisip ko ay umaasa pa rin akong magkikita pa rin kaming muli ni Tobi. Naambala ang pag-iisip ko nang makarinig ako nang pagkatok sa pinto nang bahay namin. Nasa salas kasi ako ng oras na iyon habang tinitignan ang mga pictures namin ni Tobi sa cellphone ko.

Tumayo ako at lumapit sa pinto. Nang buksan ko iyon ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Totoo ba 'tong nakikita ko? Umuwi na si Papa?

"Ma, si Papa!" Tawag ko kay Mama at humahangos itong lumabas sa kusina. Nang makita nito si Papa ay agad naman nito iyong niyakap. Alam ko no'ng una ay galit si Mama kay Papa dahil sa ginawa nito. May babae kasi ito at may anak sa labas. Gumawa ako nang paraan para mapatawad ni Mama si Papa. Ipinaliwanag ko sa kanya na kahit malaki ang kasalanan na nagawa sa kanya ni Papa ay hindi parin mapagkakaila na pamilya pa rin niya kami. At dahil doon at unti-unti nang napapatawad ni Mama si Papa. At nangako rin siya na kapag bumalik si Papa ay bibigyan niya ito nang isa pang pagkakataon. Bubuuin niya ulit ang pamilya namin. Nang araw na iyon ay isang madramang eksena ang nangyari at natapos iyon sa kapatawaran. Ngayong buo na ulit ang pamilya namin ay hinding-hindi na ako papayag na masira pa iyon.

---oOo---

"HANDA na ba kayong makita siya?" Nakasakay kami ngayon sa sasakyan ni Papa habang papunta sa kinaroroonan ng taong gustong niyang ipapakilala sa amin. Ang taong naging dahilan para makumbinse siyang balikan kami at humingi nang tawad sa lahat ng nagawa niya sa amin na pamilya niya.

"Opo, Pa!" Ako na lang ang sumagot sa tanong niya. Napatingin naman siya sa rear view mirror at napangiti. Nasa likuran kasi kami naka-upo ni Zynel at magkatabi naman sila ni Mama sa unahan.

Ilang minuto lang ay hininto na ni Papa ang kotse niya sa tapat ng isang gusali. Nauna na siyang lumabas sa sasakyan at agad naman kami sumunod sa kanya.

Sa totoo lang ay parang kinakabahan ako pero may konting excitement din akong nararamdaman. Sa unang pagkakataon ay makakaharap na rin naman ang taong naging dahilan para mabuo muli ang pamilya namin. Ang taong nag-udyok kay Papa na bumalik sa amin.

Nauna nang naglakad si Papa at nakasunod lang kami sa kaniya. Binaybay namin ang kahabaan ng pasilyo ng gusaling iyon. Pumasok kami sa elevator at pinindot iyon ni Papa pataas. Narinig ko na lamang ang pagtunog ng elevator at kasabay ang pagbukas niyon.

Naglakad pa kami at huminto sa tapat ng pinto ng isang silid. Pinindot ni Papa ang maliit na doorbell sa may pinto at ilang sandali lang ay bumukas na iyon.

Halos manlaki ang mga mata ko sa bumungad sa amimg tao. Biglang napalitan ng galit ang mukha kong kanina lang ay sabik na sabik na makita ang taong gustong ipakilala sa amin ni Papa.

"Pasok muna kayo." Narinig kong sabi ni Papa at agad namang pumagilid ang taong iyon para makapasok kami sa loob ng isang condo. Pina-upo kami ni Papa sa sofa na naroon. Hindi pa rin maalis ang tingin ko sa babaeng bumungad sa amin ng bumukas ang pinto.

"Ipaghanda mo muna sila ng meryenda." Utos ni Papa at tumalima naman ito at agad na pumunta ng kusina.

"Siya ba ang sinasabi mo, Papa?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong itanong iyon kay Papa. Sa totoo lang ay kanina ko pa talaga gustong itanong iyon sa kanya. Kumukuha lang talaga ako ng tyempo.

Unexpectedly yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon