CHAPTER- 8

1.7K 36 0
                                    


CHAPTER- 8

___ ••• ___

   MATIWASAY na natapus ang wedding ng parents ni Mr. Matillano. Nagpapasalamat talaga ako dahil wala namang nangyaring aberya. Sa tulong ng mga napapanood kong mga wedding motif sa youtube ay nakagawa ako ng kakaibang konsepto na bumagay sa edad ng ikakasal. Isang garden wedding ang napili kong gawing motif dahil nature lover daw ang parents ni Mr. Matillano. Nalaman ko iyon dahil hiningan ko siya ng ilang mga detalye about sa kanyang mga magulang. Kailangan ko kasi muna na i-relate kung ano ba ang hilig o gusto ng ikakasal. 'Yon kasi ang unang step para makabuo ka ng isang kakaibang konsepto.

   Medyo vintage ang ayos ng lugar pero nilagyan ko ng konting bago para magmukha namang millennials kahit papano. Wish ko lang talaga na magustuhan ng parents ni Mr. Matillano ang ginawa kong effort para naman matupad ko ang ipinangako ko sa kanya na gagawin kong kakaiba at memorable ang wedding ng parents niya.

   Sa garden ng isang hotel ginanap ang kasal. Hindi na kami dumalo sa reception dahil inaya ko nang umuwi si Arci. Ayaw pa sana ni Arci pero pinilit ko siya. Hindi naman kami isa mga bisita kaya hindi naman kami importanti doon. Hindi na kami nagpaalam kay Mr. Matillano. Ti-next ko na lamang siya na uuwi na kami.

   "Bes, gutom na ako." Reklamo ni Arci sabay himas ng tiyan niya. "Bakit ba umalis tayo agad doon sayang naman ang chibog!"

   Alam kong pagkain na naman ang iniisip nitong si Arci. 'Yon naman kasi ang hubby niya ang kumain ng walang bukas! Pagkain din ang nagiging stress reliever niya o di kaya ay kung broken hearted siya.

   Nasa biyahe na kami ngayon pauwi. Medyo nakaramdam na rin ako ng gutom. Pinangako ko kay Arci na kakain muna kami sa labas bago kami umuwi. As usual ako ang magbabayad. Kailan pa ba ako ti-nreat ni Arci?

   May nakita akong isang restaurant at pinara ko ang taxi na sinasakyan namin. Matapus magbayad ay dumiretso na kami sa loob ng restaurant. Pagkaupo ay agad naman tinawag ni Arci ang waiter at saka umorder. Halos ubusin na ni Arci ang mga nakalistang pagkain sa menu. Parang lahat na lang kakainin niya. Hindi naman ako makapagreklamo dahil kasalanan ko rin naman kung bakit siya nagutom.

   "Bes, Thanks for the treat." Aniya habang nilalantakan ang nakahain sa plato niya.

   "Basta't ubusin mo 'yan lahat ng inorder mo. Kapag hindi mo naubos 'yan ay ikaw ang magbabayad sa lahat ng kinain mo."

   "Grabe ka naman beshie. May kondisyon pa talaga?" Bwelta niya.

   "Joke lang. Hindi ka naman mabiro." Natatawang turan ko sa kanya. Agad naman nawala ang ngiti sa mukha ko nang mapansin ko ang taong kumakain sa kabilang table. Agad naman akong kinabahan ng makilala ko ang taong iyon. Nakaharap ang gawi niya sa akin. Abala ang atensiyon niya sa kinaka-usap niya. Babae ito at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Bahagya akong yumuko para hindi niya ako makita. Kanina pa ba sila rito? Nakita niya kaya ako?

   "Bes, What wrong with you?" Tumigil sa pagkain si Arci at nagtataka na tinignan niya ako. Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya. "H-huh?" Ani ko habang pasimpleng tumitingin sa taong kumakain sa kabilang table.

   "Ang sabi ko ano'ng problema mo? Bakit para kang matatae diyan?"

   "Ah... Oo m-magbabanyo muna ako." Pagsisinungaling ko kay Arci. Ang totoo kasi niyan ay ayokong makita ako ng taong kumakain sa kabilang table. Hindi pwede na makita niya ako. Mabilis naman akong tumayo at naglakad habang nakayuko. Agad kong hinanap ang rest room ng mga babae. Nang makita ko iyon ay agad naman akong pumasok sa loob. Pumasok ako sa isang cubicle at naupo roon. Tagaktak ang malapot na pawis sa aking mukha. Hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko. Bakit sa dinami-rami ng lugar ay dito ko pa siya makikita. And guess what. May kasama pa siyang babae. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng selos ng makita ko siyang may kasamang iba. Matagal na ang panahon na iyon. Marami na ang mga nangyari. Nasa gano'n akong ganap ng biglang bumalik sa isip ko ang nakaraan.

   "Sigurado ka bang doon ka magka-college sa state?" Malungkot na turan ko kay Jhon Darry habang nakaupo kami sa isang bench sa school namin. Isang linggo na lang kasi at graduation na namin. 'Yong iba estudyante ay excited na sa araw na iyon ngunit taliwas naman ang nararamdaman ko. Masaya ako dahil ga-graduate na ako ng high school pero malulungkot ako kapag dumating na ang araw na iyon. Iyon kasi ang huling araw na makakasama ko si JD. At kinabukasan ay lilipad na siya papuntang Amerika. Kukunin na siya ng tatay niyang kano na matagal niya rin hinanap. Hindi pa kasi niya ito nakikita simula ng ipanganak siya. Fil-Am si JD pero nangingibabaw pa rin ang dugong pilipino niya dahil sa kutis niya. Ang matangos na ilong at mapupungay na mata lang niya siguro ang namana niya sa tatay niya.

   "Hindi ba't napag-usapan na natin to? Mag-aaral lang ako do'n. At kapag nakapagtapos na ako ay babalik ako rito at pakakasalan kita." Bwelta niya. Tatlong taon na ang relasiyon namin ni JD bilang magnobya at alam ko sa sarili ko na siya na talaga ang una't huling lalaki sa buhay ko. Siya na ang gusto kong pakasalan at makasama hanggang sa pagtanda.

   "Hindi madali ang apat na taon, JD. Hindi natin alam ang mga manggyari sa loob ng apat na taon na iyon. Baka makahanap kana ng iba doon and the worse is baka hindi kana bumalik dito." Nangingilid na ang mainit na luha sa mga mata ko. Nagbabadya na iyong bumagsak.

   Bahagya siyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay. Mahina niya iyong pinisil. Hinawakan niya ang pisnge ko gamit ang isa pa niyang kamay. Masuyo niyang pinisil ang mukha ko. Doon na bumagsak ang mga luha sa mata ko. Naging maagap si JD at pinalis niya iyon gamit ng kanya hinlalaki.

   "Hindi lang ikaw ang malulungkot kapag nagkahiwalay tayo, Zich. Pilitin natin kayanin ito. Alam kong matatag ka. Naniniwala ako na kaya natin lagpasan ang pagsubok na ito. Alam mo naman kung gaano kita kamahal." Hindi ko na nakayanan ang emosyon ko at humagulgol na ako ng iyak. Wala akong paki-alam kung may makakita man sa akin. Gusto ko kasing ilabas ang lahat ng nararamdaman kong imosyon. Hindi ko alam kung kakayanin ko ang apat na taon na magkakahiwalay kami ni JD. Alam kong hindi lang para sa sarili niya ang gagawin niya. Marami kaming pangarap at isa na roon ang maikasal kami. Niyakap ko si JD. Niyakap ko siya ng mahigpit na para bang wala ng bukas. Mami-miss ko kasi ng sobra ang yakap niya. Siya ang unang kumalas sa yakapan namin. Ilang sigundo rin kaming nagkatinginan. Natawa na lamang ako bigla sa ginawa niya. Pinagalaw niya kasi ang magkabila niyang tenga. Iyon kasi ang isa sa mga hidden talents niya. Ginagawa niya iyon sa tuwing nagkakatampuhan kami At kapag ginagawa niya iyon ay nawawala agad ang tampo ko sa kanya. Ginagawa niya rin iyon sa tuwing nalulungkot ako. Bigla na lamang akong natatawa kapag ginagawa niya iyon. Na-a-amaze kasi ako kapag ginagawa niya iyon.

   Bahagya pa siyang lumapit sa akin at hindi ko inaasahan ang gagawin niya. Hinalikan niya ako sa labi sa kauna-unahang pagkakataon. Nagpaubaya na lamang ako sa halik niyang iyon. Hindi naman tumagal ang halikan naming iyon. Kumalas siya at muli niya akong niyakap ng mahigpit.

TO BE CONTINUED...

  
  

Unexpectedly yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon