CHAPTER 21

1.5K 37 0
                                    


CHAPTER 21

___•••___

   KINAGABIHAN ay pumunta kami sa restaurant ng resort. Nasa tabing dagat lamang iyon at walking distance lang mula sa room namin. Napakaganda ng view ng dagat na inaaninagan ng sinag ng bilog na buwan. Nakakarelax din ang mahinang paghampas ng alon sa dalampasigan. Napuno rin ng maliliwanag na lantern ang paligid. Iyon lantern na gawa sa shells at nilalagyan ng mga ilaw para maging attractive sa mata. Mayaman kasi sa mga sea shells ang isla ng Guimaras. Ginagawa iyon bilang pangdesenyo sa mga kagamitan. Ini-export pa nga raw ang nga iyon sa ibang bansa.

Iginiya kami ng manager ng restaurant na pagmamay-ari ni Mr. Matillano sa isang bakanteng mesa. Sinabi ko lang kay Mr. Matillano ang o-orderin ko at agad tumayo para mag banyo. Para kasi akong maiihi.

Agad naman akong bumalik sa mesa namin nang matapos ako. Maya-maya pa ay dumating na ang order namin. Bitbit iyon ng dalawang waiter. Mukhang marami talaga ang inorder ni Mr. Matillano dahil dalawa pa talaga ang waiter na nagdala niyon sa mesa namin.

Isa-isa nang inilapag ng waiter ang pagkain sa mesa namin. Nang mailagay na niyon ay drinks at deserts naman ang inilagay ng isang waiter.

"What the--" Napatingin ako sa gawi ni Mr. Matillano nang bigla itong magsalita. Nakita kong tumayo siya at dumukot ng tissue. Pinunasan niya ang natapong juice sa damit niya.

"Hindi ka ba tumitingin sa pinaglalagyan mo?!" Bulyaw ni Mr. Matillano sa waiter na nakatapon ng juice sa damit niya. Ibinaling ko ang tingin ko sa gawi ng waiter. Medyo naka-side view ito sa gawi ko kaya hindi ko masyadong nakikita ang kabuuan ng mukha niya. Pero parang hindi man lang ito natakot ng pagsabihan siya ng gano'n ni Mr. Matillano. Parang hindi man lang ito natakot na may-ari ng resort na pinagtatrabauhan nito ang natapunan nito ng juice. Ni hindi man lang ito humingi ng tawad sa ginawa nito.

"Ano'ng nangyari rito?" Lumapit sa mesa namin ang isang lalaki. Ito 'yong manager ng restaurant na gumiya kanina sa amin.

"Ito kasi ang waiter niyo. Tignan mo nga kung ano ang ginawa niya sa damit ko." Ani Mr. Matillano sabay turo sa nabasa niyang damit.

"Pasensiya na po kayo sir. Baguhan lang po kasi 'tong si Justy. Pasensiya na po talaga. Hayaan niyo po at papalitan na lang po namin ang inorder niyo." Anito sabay hila sa waiter na nakatapon ng juice kay Mr. Matillano. Nakikita ko pang pinapagalitan niya ito habang papalayo na sila. Pero teka lang. Tama ba ang pagkakarinig ko sa pangalan ng waiter? Si Justy ba 'yon?

"O, saan ka pupunta?" Tanong ni Mr. Matillano nang tumayo ako.

"Sandali lang may kukunin lang ako sa room." Agad naman akong naglakad palabas ng restaurant. Hindi naman totoo na sa room namin ako pupunta. Kailangan kong sundan 'yong waiter kanina. Para kasing malakas ang kutob ko na si Justy 'yong waiter na nakatapon ng juice sa damit ni Mr. Matillano. Pasimple akong lumabas sa restaurant at umikot ako sa likod kung saan ang Triple E. 'Yong pinto na pinapasukan at nilalabasan ng mga empleyado ng restaurant. Palinga-linga pa ako baka kasi may makakita sa akin. Nag-abang ako ng ilang minuto at may nakita akong isang lalaking lumabas sa pinto roon. Agad naman akong lumapit sa lalaking iyon ng makilala ko ito.

"Justy!" tawag ko na naging dahilan ng paglingon niya sa gawi ko. Doon ko lang napagtanto na si Justya nga iyon. Mabilis ang hakbang na naglakad siya papalayo. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay iniiwasan niya parin ako. Matagal ko na siyang pinatawad sa ginawa niya dati. Mas nangingibabaw sa akin ang pagka-miss ko sa kanya. Ang pagkakaibigan namin.

"Justy, sandali!" Sigaw ko habang hinahabol ko siya. Hindi man lang siya nag-abala na linginon ako bagkus ay binilisan pa niya lalo ang pagtakbo. Hinihingal na tumigil ako sa pagtakbo. Sapo ko ang dibdib ko habang pinapakalma ko ang sarili ko. Pagtingin ko sa unahan ay hindi ko na nakita pa si Justy. Parang bula na bigla na lamang siyang nawala. Wala na. Tuluyan na nga yatang kinalimutan ni Justy ang pinagsamahan namin bilang magkaibigan. Walang buhay na pumihit ako pabalik sa restaurant. Wala na yata akong magagawa dahil ito na mismo ang kusang lumalayo sa akin.

"Zich..."

Nakakailang hakbang pa lamang ako pabalik sa restaurant ng marinig kong tinawag niya ang pangalan ko.

"J-justy?" Bumangon ang saya sa dibdib ko nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Nasasabik na nilingon ko siya at tumambad agad sa akin ang seryosong mukha ni Justy.

"Justy!" Nasasabik na niyakap ko siya. Na-miss ko kasi ng sobra ang presensiya ni Justy.

Tumikhim siya at agad naman akong kumalas sa yakapan naming dalawa.

"Dito lang pala kita makikita. Kamusta kana?" Nakangiti pero parang maiiyak na tanong ko sa kanya. Hindi talaga kasi ako makapaniwala na nasa harap ko na ang bestfriend ko.

"Okey lang naman ako." Walang buhay na sagot niya.

"Galit ka pa rin ba sa akin?" usisa ko. Nararamdaman ko kasi sa mga ikinikilos niya na mukhang may galit pa ito.

"Kinalimutan ko na ang lahat ng iyon. At pwede bang kalimutan mo na rin iyon."

"Iyon lang ba ang kinalimutan mo o pati na rin ang mga pinagsamahan natin bilang magkakaibigan?" Nangingilid ang luha na turan ko. Mukhang nagbago na talaga si Justy. Hindi na siya 'yong taong nakilala ko dati. 'Yong taong palaging nakangiti at masayahin.

"Pwede bang bumalik ka na roon sa nobyo mong mayaman. Baka hinahanap ka na no'n at malalagot na naman ako sa manager namin kapag nalaman nitong magkasama tayo."

"Hindi ko siya nobyo." Mariin na sagot ko sa kanya.

"Wag ka na ngang mag-deny pa. Alam ng lahat dito na ikaw ang fiancé ni Ron Matillano ang may-ari ng resort na ito. Kaya please lang lubayan mo na ako."

"Hindi mo alam ang nangyayari, Justy. Magkaibigan lang kami niyon. Nagpapanggap lang ako bilang fiancé niya. Tinutulungan ko lang siya na mailayo ang anak niya sa totoong ina nito." Umiiyak na paliwanag ko kay Justy.

"Alam mo ba ang totoo, Zich? Lumayo ako sa'yo dahil ayokong makita na merong nanliligaw sayo o lumalapit man lang na lalaki sa'yo. Doon ko unang naramdaman iyon no'ng pumunta tayo sa wedding event sa Palawan. No'ng gabi ng reception ay nagpaalam kang mauuna na sa hotel. Sinundan kita noon at hindi ko inaasahan ang makikita ko. May kayakap kang lalaki. Ewan ko pero parang nagseselos ako. Ilang ulit ko rin na sinabi sa sarili ko na wala naman akong karapatan na magselos dahil isa lamang akong hamak na kaibigan lang. At hanggang doon lang iyon. Sinadya ko lang noon na magdahilan na masma ang pakiramdam ko no'ng tawagan mo ako at naghahanap ka nang makaka-usap. Sinadya ko rin na magpakita sa'yo ng araw na iyon na may kasama akong babae dahil gusto kong maramdaman ko rin na nagseselos ka! Na mahalaga rin ako sa iyo! Kaya nang makita kanina na magkasama ng may-ari ng resort na ito ay bumalik ang selos ko at sinadya kong itapon ang juice kay Mr. Matillano." Nakita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Justy. Ano ba ang nangyayari sa kanya?

"Bakit mo naman ginawa iyon? Ano ba ang nangyayari sa'yo, Justy. Hindi na kita maintindihan. Hindi na ikaw ang dating Justy na kilala ko. 'Yong Justy na kaibigan ko."

"Yan! Kaibigan! Nagsasawa na ako sa salitang iyan! Ayoko kong maging kaibigan mo lang."

"Justy... Sorry, Sorry kung iyan lang ang kaya kong i-offer sa'yo. Mahal kita... bilang kaibigan. Ayokong mawala ka sa akin. Mas gugustuhin ko pa na maging single habang buhay 'wag ka lang mawala sa akin na kaibigan ko." Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. Naramdaman ko na lamang ang pagganti niya ng yakap sa akin.

"Sorry..." umiiyak na sambit niya sa kabila ng yakapan naming dalawa. Kumalas siya sa yakapan namin. "Sorry rin. Hindi ko na sana ginawa iyon. Nabulag lang siguro ako sa nararamdaman ko para sa'yo. Hindi ko inisip at pinahalagahan ang pagkakaibigan natin. Sana patawarin mo ako sa lahat ng ginawa ko, Zich..."

"Matagal na kitang pinatawad, Friends?" Ani ko sabay lahad ng kamay ko para makipagkamay sa kanya.

"Friends!"Nakangiti naman niyang tinanggap ang kamay ko.

Matapos ang madramang moment namin ni Justy ay hinatid na niya ako sa restaurant. Ikinwento ko sa kanya kung bakit narito ako sa Guimaras. Sinabi ko rin sa kanya ang tungkol sa pagpapanggap namin ni Mr. Matillano. Humingi rin siya ng tawad kay Mr. Matillano sa pagtapon niya ng juice sa damit nito. Sinabi niya sa akin na simula nang umali siya ay dito na siya nagtrabaho sa resort ni Mr. Matillano. Masaya ako dahil sa pagkikita namin ni Justy. At sa tuluyan naming pakikipagbati.

TO BE CONTINUED...

Unexpectedly yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon