CHAPTER- 2

3.1K 72 0
                                    


CHAPTER- 2

___ ••• ___

   HINDI ko maiwasan ang mapangiwi sa hitsura ng bride habang nag-mo-moment ito na naglalakad sa isle papunta sa unahan. Teary eyed pa ito habang dahan-dahan na naglalakad. Hindi yata makapaniwala ng may pumatol pa sa kanya sa kabila ng hitsura niya. Beach wedding kasi ang napiling motif kaya syempre nasa beach kami ngayon. Nasa beach kami na matatagpuan sa Isla ng Palawan. Ngayon lang ako nakapunta sa ganito kagandang beach kaya susulitin ko talaga ang pag-i-stay namin dito. Maliligo talaga ako sa bughaw na dagat at magsa-sun bathing ako. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang ini-imagine ko ang mga mangyayari. Kasama kami sa free accommodation kaya parang nagbabakasiyon lamang kami. Feeling free para gawin ang gusto naming gawin dito.

   Feel na feel niya talaga ang maging isang bride. Nakakaloka lang dahil nagmumukha siyang shemay. Inuha ko'y nasa Singkwenta na ito pero parang batak na batak parin ang balat niya sa mukha. Parang ilang derma na ang ginawa sa kanya para maitago lang ang pagkakulobot ng kanyang mukha. Ayon sa narinig ko, namatay daw ang unang napangasawa nito na matandang mayaman. Nabulonan daw kaya na tikog. Pero 'di rins naman ako naniwala sa mga sabi-sabi nila. Mukha kasing hindi mapagkakatiwalaan ang mukha ng taong ito, e. Parang lider ng mga salisi gang. Kamukha niya si Madam Auring. Kaya inuha ko ay nilason niya ito para matikog na at mapapasakanya na ang lahat ng yaman ng matanda. Mautak din naman pala ang isang ito, e. Ilang buwan lang daw ang lumipas ay nagdesisyon na agad itong magpakasal sa mas bata ng triple sa kanya. 'Yong parang sugar mommy lang ang peg niya. 

   Sininyasan ko si Justy na kunan niya ng ilang mga shots ang paglalakad ng bride. Tumango lang siya bilang pagtugon sa sinenyas ko. Si Arci naman ay nasa tabi ko lang habang tulalang nakatingin sa unahan. Sinundan ng mga mata ko kung saan nakatuon ang tingin niya. Kaya pala parang hindi siya maistorbo dahil nakatuon ang kanyang mga mata sa lalaking nakatayo sa tabi ng ikakasal na groom. Bestman niya siguro iyon. Hindi ko naman masisisi ang malandi kong bff kung gano'n siya makatitig sa lalaking iyon. Ang gwapo naman niya kasi. Nakadagdag pa ng sex appeal niya ang kanyang divided chin. Ang tangos ng ilong niya at ang ganda ng kanyang mga mata. If i'm not mistaken, isa siguro siyang freelance model.

   Isang pagtapik ang gumising sa kay Arci sa reyalidad. Tinapik ko kasi siya sa kanyang mukha. Medyo nilakasan ko iyon para naman matauhan agad siya. Matauhan siya sa katotohanan.

   "Ouch!" Malanding sabi niya habang hinihimas niya ang pisnge niya. Hindi lang talaga tapik ang mararanasan ng baklang 'to kapag hindi ito nag-ayos.

   "Mabuti naman at nagising kana." Ani ko sa kanya.

   "Why ba? What's wrong with you ba besh?" Maarte niyang turan. Daig pa niya ang totoong babae kung makapag-emote.

   "Tiinatanong mo pa? Hindi tayo nandito para mag boy hunting! Kaya tigilan mo 'yang mga kalandian mo, ha?!" Bulyaw ko sa kanya.

   "E ang cute naman kasi no'ng guy na 'yon. 'Yong bestman ng groom." Ninguso niya pa ang direksiyon ng lalaking tinutukoy niya.

   "Ikaw na ang malandi ng taon!" Bwelta ko sa kanya.

   Naagaw lang ang aming atensiyon ng simulan na ng pari ang seremonya ng kasal. Nakatayo na rin sa harap ng pari ang ikakasal. Nasa bandang gilid naman nila ang mga bride's maid, maid of honor at mga bestman. Panay rin ang pagkuha ni Justy ng mga shots. Magaganda ang mga shots na nakukuha ni Justy. Nakapag-aral kasi siya ng photography kaya lalo tuloy na inhanced ang talent niya sa pagkuha ng litrato. Hindi talaga ako nagkamali ng pagkuha ng magiging photographer ko dahil gifted talaga si Justy sa field na iyon.

   Mahigit isang oras din bago natapus ang seremonya ng kasal. Walang tumutol kaya maswerte si Madam Auring dahil walang may kumontra sa pagpapakasal niya. Actually, gwapo rin naman ang lalaking pumayag na magpakasal sa kanya pero alam kong pera lang naman ang habol niyon kay Madam Auring.

   Matapus ang seremonya ay magtatapon na ng bouquet ng flowers si Madam Auring. Tradisiyon na raw ng mga pilipino ang pagtapon ng bride ng bulalak sa tuwing ikakasal ito para raw malaman kung sino ang susunod na ikakasal kung sino man ang makasalu nito. Maya-maya pa ay hinagis na ni Madam Auring ang bulaklak. Tatakbo na rin sana si Arci para makisalu ngunit pinigilan ko siya. Muntik pa nga siyang madapa ng higitin ko ang braso niya. Pinanlakihan ko siya ng mata bilang pagtutul ko sa gagawin niya. Kahit kailan talaga ang baklang 'to mahilig talagang makisawsaw. Inirapan niya ako at doon na lamang siya umayos.

   Ngulat na lamang ako ng paglingon ko ay isang bouquet ng flowers ang nakita kong hinihagis papunta sa direksiyon kung saan ako nakatayo. Nagulat pa ako ng aksidente kong nasalo iyon. Napatingin ang lahat sa gawi ko nang mahawakan ko na ang bouquet. Nahihiya naman akong ngumiti. Nakakahiya talaga as in. Sinadya talaga siguro ni Madam Auring na ihagis sa akin ang bulaklak para mapahiya ako.

   Nagpalakpakan naman ang mga tao na naroon. Ang iba ay parang kinikilig pa. Ako naman ay parang timang lamang na nakatayo. Hindi makalagalaw. Parang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi pa rin ako makarecover sa nanyayari. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko.

   "Uyyy..." Sinundot ni Arci ang tagiliran ko. Siya pa talaga ang kinikilig, ha?

   "Let's begin the party!" Narinig kong sigaw ng isa sa mga bisita. Doon lang ako nakahinga ng maayos. Hindi na kasi sa akin nakatuon ang atensiyon ng lahat.

___ ••• ___

   NASA reception venue na kami habang kumakain ng dinner. Nasa tabing dagat lamang iyon. May kanya-kanyang mesa ang mga taong dumalo sa kasal. Tatlo lang kami nina Arci at Justy sa aming mesa habang walang kibo nilang nilalantakan ang mga nakahain sa aming mesa.

   May mga nakikita akong malalaking bone fire at mga fire dancer na sumasayaw bilang pang-aliw sa mga tao na naroon. May maliit na stage rin kung saan may kumakantang babaeng singer ng acostic songs. Napaka-romantic talaga ng lugar. Ang sarap pakinggan ang mga alon na naghahampasan sa dalampasigan. Ang sarap ng hangin na dumadampi sa iyong balat. Nakakarelax!

   "Mukhang ikaw na ang susunod besh, a?" Narinig kong nagsalita si Arci habang puno ng pagkain ang kanyang bunganga. Hindi ko pa masyadong naintindihan iyon dahil abala ang atensiyon ko sa mga nakikita ko sa paligid ko. Hindi ba niya alam na bawal ang magsalita kapag may laman ang bibig? Nakakabastos 'yon.

   "Ano'ng pinagsasabi mo?! At pwedi bang lunokin mo muna 'yang pagkain sa bibig mo bago ka magsalita!"

   Inabot niya ang basong may lamang juice at ininom iyon.

   "Hindi ka ba aware sa mga pamahiin, besh?"

   "Ano'ng ibig mong sabihin..." Tinikman ko ang carbonara spaghetti na nilagay ko sa plato ko.

   "Hindi ba't ikaw ang nakasalo ng boquet ng bulaklak kanina? Ibig sabihin lang niyan ay ikaw na ang susunod na ikakasal." Nakangiting saad ni Arci.

   "Muntik na akong mabulonan sa sinabi niyang iyon. Hindi kasi ako nakaprepare sa sinabi niya. Bakit ba naman iyon ang naisip na itanong ng baklang 'to.

   "Wala ngang boyfriend 'yan, e pagpapakasal pa kaya." Singit ni Justy.

   "Hoy, Justy! Nanggigil na talaga sa mokong na 'to.

   "Bakit mukhang naasar ka yata? Totoo naman di'ba?!" Nakangising sabi niya.

   "Hindi ako naasar, no. Wala pa talaga akong time sa mga ganyan. Family first before anything else." Ani ko at inirapan ko sila. Totoo naman na wala pa sa isip ko ang pagbo-boy friend, e. Kailangan ko munang unahin ang pamilya ko. Lalong-lalo na ang pag-aaral ni Zynel. Ako na lang kasi ang inaasahan ni Mama na tutulong sa kanya.

   "Family first o ayaw mo lang talagang magpaligaw?" Ani ni Justy.

   "Bakit ba love life ko ang pinapakialaman mo, ha? Ikaw nga wala pang girl friend, e."

   "May hinihintay kasi ako..." Ngumiti pa siya ng alanganin. Hindi ko alam pero parang may bahid ng lungkot ang ngiting 'yon ni Justy. Bigla tuloy akong naguilty sa sinabi ko. Siya rin naman ang nangunguna, e.

   "Can i get your atention please..." Narinig kong sabi ng host ng event kaya nabaling ang tingin ng lahat sa maliit na entablado.

   "Let us hear the beautiful voice of Mr. Ron Matillano as he sing for us..."

   Isang lalaking naka suit ang umakyat sa entablado ng tawagin ng host ang pangalan niya. Natatandaan ko ang lalaking iyon. Hindi ko alam pero parang may naramdaman akong kakaiba ng titigan ko ang mukha niya.

TO BE CONTINUED...

Unexpectedly yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon