CHAPTER 17

1.4K 40 0
                                    


___•••___

   BUMUNGAD agad sa amin ang napakaraming tao sa lobby ng hotel. Katulad namin ay magagara rin ang mga suot nilang damit at meron ding mga maskara ang mukha nila. May kanya-kanya silang mesa. May naglilibut ding waiter sa bawat mesa para lagyan ng pagkain at inumin ang mga mesa nila. Halatang busy ang lahat. May naririnig rin akong mahinang instrumental music na masarap pakinggan sa tenga. Napaka-ilegante rin ng ayos ng event. Halatang ginastusan talaga. Kunsabagay, barya lang naman sa mga taong narito ang magpa-party ng kagaya nito.

   "Ronnie boy? Ikaw na ba 'yan? Long time no see, a?" Isang lalaking nakasuot ng magarang tuxedo ang lumapit sa amin ni Mr. Matillano. Kahit nakasuot ito ng maskara ay alam kung may hitsura ang lalaking iyon.

   "Jordan? Is that you?" bwelta naman ni Mr. Matillano at agad naman nagyakapan ang dalawa. Inuha ko ay matagal na na hindi nagkikita ang dalawa.

   "How are you? Balita ko ay isa ka na raw sa mga outstanding businessman sa buong Asia."

   "Yah. At utang ko naman ang lahat ng iyon sa iyo. Ikaw yata 'tong walang sawang nagbibigay sa akin ng mga advices para maging matagumpay na businessman na kagaya mo." natatawa pang sabi nito.

   Natawa rin si Mr. Matillano sa sinabi nito.

   "Is she the lucky girl?" Nagulat ako nang biglang napatingin sa akin ang lalaking kausap ni Mr. Matillano. Ako ba ang tinutukoy niya?

   "Yap. And we already enganged. Pero mas maswerte ako sa kanya." Nilapitan ako ni Mr. Matillano. Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin at kinuha ang kamay ko na may suot na singsing at ipinakita niya iyon sa lalaking kausap niya. Hinapit pa niya ako sa beywang ko papalit sa kanya. Nagkadikit ang katawan namin. Hindi ko napaghandaan iyon. Pasimple ko namang binawi ang kamay ko. Nagulat talaga kasi ako sa ginawa ni Mr. Matillano.

   "Magaling ka talagang pumili, Ronnie boy. Napakaganda ng future misis mo. So, kasalan na yata ang susunod nito." Nakangiting sabi nito.

   "Ako pa ba?" Nakangiti pang sabi ni Mr. Matillano at pasimple pang kumindat sa akin. "Hindi pa naman namin napagplanuhan iyan. But i think sooner or later. By the way, this is Zichelle Velasco my beautiful fiance. Babe, this is Jordan Cavalo. He's my classmate in college at ngayon ay isa nang succesful businessman."

   "Nakakahiya naman ang pagpapakilala mo sa akin sa future misis mo. By the way, nice meeting you soon to be mrs. Matillano." pilyong sabi nito. Inilahad niya ang kamay niya para makipag-shake hands sa akin. Nahihiya man ay inabot ko naman iyon. "Mukhang nagbago na nga talaga 'tong kaibigan ko. At the aged of twenties ay gusto na agad magpatali. Akala ko ba thirties ka mag-se-settle down dahil sabi mo akin ay  hindi ko raw ma-i-enjoy ang buhay pagkabinata ko kapag maaga mag-asawa?" dugtong pa niya.

"Lahat nagbabago, Jordan. Iba na ang panahon noon kesa ngayon. Tama ka nga siguro, mas mabuting mas maaga ay magkaroon na ng pamilya. Kagaya mo." bwelta ni Mr. Matillano.

"That is right. Mabuti at may natutunan ka rin pala sa akin." nakangiti sabi nito. "So, tatayo na lang ba tayo rito? What are we waiting for? Come and join us. Kasama ko sa mesang iyon ang iba pa nating classmate sa college na mga businessman na rin ngayon." Inigiya na niya kami ni Mr. Matillano sa mesa na tinutukoy niya. Nakasunod lang kami sa likod niya habang naka-angkla pa rin ang braso ko sa braso ni Mr. Matillano. Pagkarating namin sa mesang tinutukoy nito ay agad naman niya akong ipinakilala sa mga classmate nilang  naka-upo roon. Kahit mahirap ay kinarer ko na lamang ang pagpapanggap ko. Medyo bahagaya na rin nawala ang kaba sa dibdib ko. Feeling ko kasi ay hindi na ako nagpapanggap.

   Maya-maya pa ay nag-umpisa na ang program. May maliit na stage sa bandang unahan kung saan nakatayo ang host at organizer na rin ng event na isa rin tanyag na businessman. Sinimulan niya ang program sa pagku-kwento niya nang mga naranasan nitong mga struggles sa buhay bago naging matagumpay sa larangan ng pagnenegosyo. Nagbigay din siya ng ilang tips at advices sa mga baguhan sa pagnenegosyo. Isang masigabong palakpakan ang namayani sa buong lobby matapos magsalita ng host.

   "And now, let us hear the encouragement words from the ambassador of Asia's business allience and the former president of one of the succesful company here in the philippines. No other than, Miss Keziah Alcantara!" parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig kong iyon mula sa host. Ilang sandali rin akong natigilan at paulit-ulit na umalingangaw sa isip ko ang pangalan ng taong iyon. Natauhan lang ako ng makita ko ang pag-akyat sa stage ng babaeng ipinakilala ng host. Napaka-ilegante ng suot nitong red gown na tinernohan ng kulay pula ring maskara. Maputi ito at may katangkaran. Balingkinitan ang pangangatawan. Nabaling ang tingin ko sa gawi ni Mr. Matillano. Nakatingin na pala siya sa akin. Kanina pa kaya ako tinitingnan? Walang emosiyon ang mukha niya. Pero nagulat ako ng marahan siyang ngumiti at tamango. Ginantihan ko rin siya ng alanganing ngiti. Biglang bumalik ang matinding kaba sa dibdib ko. Parang sasabog na iyon. Parang na-i-imagine ko na ang kalalabasan ng mangyayari. Ipinilig ko na lang ang ulo ko para mabura sa isip ko ang hindi magandang iniisip ko. Kailangan kong mag-relax. Kailangan kong tatagan ang loob ko.

   "Good evening, ladies and gentlemen... I am very glad na nakarating kayong lahat sa pagtitipon na ito. I know this is not the first time we'd met. If i'm not mistaken, we having this business party anually. At sa paglipas ng mga taon at ang dating mga newbies sa business ay succesful na ngayon. Like me. Sa tulong ng mga advices ng mga nakakatanda sa akin in the field of business, i am now can managed a business all by myself. And fortunately, napili rin ako para maging ambassador sa isa sa pinakatanyag na business group of companies na ABA na kilala sa buong asia. But aside from that, meron din akong ninama-manage na fashion dress shop in Ausrtillia kung saan ay ako rin ang main designer na mga ginagawang damit. Umuwi ako rito sa pilipinas dahil gusto ko rin magpatayo ng business dito at hindi lang 'yan ang sadya ko kung bakit ako umuwi rito. May mahalaga kasi akong bagay na sadya rin dito. Overall. Nagpapasalamat talaga ako sa lahat ng mga taong tumulong sa akin para makamit ko ang lahat ng pangarap ko."

   Napuno ng palakpan ang buong silid matapos ang mahabang pagsasalita si Keziah. Agad din naman siyang bumaba ng entablado at tinungo ang mesa niya hindi kalayuan sa stage. Sa hitsura pa lang ni Keziah ay alam ko nang palaban siyang babae. Hindi ko pa man nakikita ang kabuhuan ng mukha niya ay nasisiguro ko na iyon kaya kailangan ko nang ihanda ang sarili ko sa paghaharap namin.

TO BE CONTINUED...

Unexpectedly yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon