CHAPTER 14

1.6K 38 0
                                    

CHAPTER- 14

___•••___

   KINAGABIHAN ay sinundo na ako ni Mr. Matillano sa bahay para mapag-usapan namin ang tungkol sa pagpapangap na gagawin ko. Parang gusto ko nang umatras dahil nakakasiguro akong hindi madaling magpanggap. Wala naman akong dugong artista at hindi ako sanay na umarte. Pero nandito na 'to. Pumayag na ako sa sinabi ni Mr. Matillano. Alangan naman bawiin ko ang pagpayag ko. May isang salita naman ako at hindi ako sumisira sa napag-usapan na.

   Naghanap muna kami ng restaurant na makakainan para raw mapag-usapan namin ng maayos ang pagpapanggap ko bilang fiancè niya. Sa isang floating restaurant ako dinala ni Mr. Matillano. Sa pangalan pa lang ng restaurant ay parang kakaiba talaga. Nakalutang kasi ang mismong restaurant sa dagat. Napaka-native pa dahil gawa ito sa indigenous materials. Gawa ito sa napakalaking balsa na gawa sa kawayan. May mga nakikita rin akong mga sulo sa bawat sulok ng floating restaurant. Parang ito 'yong nagsisilbing tanglaw ng kabuhuan ng restaurant. Nagmumukha tuloy romantic ang lugar. Sabi ni Mr. Matillano ay kakaiba rin daw ang pagkain na sini-serve nila. Seafoods daw lahat ng pagkain na hinahain nila. Inaamin ko na first time kong tumuntong sa ganito ka romantic na lugar. Parang nasasabik na tuloy akong tikman ang specialty nila rito. Meron kaya sila ritong malalaking hipon? Favorite ko kasi iyon. Lalo na't sweet and spicy ang pagkakaluto. Bigla tuloy akong nalaway sa naisip ko.

   "Tara na sa loob." Napapitlag ako ng magsalita si Mr. Matillano. Nakalahad ang kamay niya sa harap ko. Nahihiya man ay inabot ko iyon. Magkahawak kamay kaming pumasok sa floating restaurant. Parang wala lang sa kanya na hinawakan niya ang kamay ko. Ako naman ay parang gusto nang kumalas sa pagkakahawak niya. Ang awkward tuloy sa pakiramdam.

   "Magandang gabi po, Ma'am at Sir. Welcome to Seaside floating restaurant. Hindi po kayo nagkamali sa lugar na pinuntahan niyo. Ito po ang pecfect place para sa bagong kasal na kagaya ninyo. Dito po tayo." Pagpasok pa lang namin ay may nag-aabang na agad sa aming crew. Pero hindi ko in-expect ang sinabi niya. Perfect daw ang lugar na ito para sa bagong kasal? Napagkamalan na tuloy kaming bagong kasal. Tinignan ko ang kamay ko at mahigpit pa rin iyong hinahawakan ni Mr. Matillano. Agad naman akong kumalas sa pagkakahawak  niya.

    Iginiya kami ng crew sa isang bakanteng lamesa. Humila naman ng upuan si Mr. Matillano para maka-upo ako. Umupo na rin siya sa tapat ko. Ibinigay na sa amin ng crew ang listahan ng mga pagkain nila rito. Halos maduling ako sa sobrang dami ng mga nakalistang pagkain sa menu. Hinanap ko agad ang paborito kong malalaking hipon. Maraming klaseng luto ng hipon. Umurder ako ng tatlong klase ng luto at hindi mawawala roon ang sweet and spicy style. Tutal libre naman ito kaya susulitin ko na. Ilang minuto lang ang lumipas at dumating na ang order namin. Agad ko namang sinimulan ang pagkain. Nilantakan ko talaga iyon. Nakikita kong natatawa si Mr. Matillano sa ginagawa ko pero wala naman akong paki-alam. Gutom ako, kaya isinantabi ko muna ang pagiging mahinhin ko.

   Ilang minuto lang ang lumipas ay naubos ko na agad ang mga pagkain na inorder ko. Inabot ko ang veggie juice nila at uminom doon. Never pa akong nakatikim ng veggie juice at hindi ko inaasahan ang lasa. Parang prutas lang at wala akong nalalasahang gulay.

   "Pwede na ba akong magsalita?" Natigilan ako sa pag-inom ng veggie juice ng magsalita si Mr. Matillano. Ipinatong ko ang hawak kong  baso sa lamesa at dumukot ng tissue. Pinunasan ko muna ang bibig ko bago ako tumango sa kanya bilang tugon sa sinabi niya.

   Tumikhim muna siya at parang biglang sumeryoso ang mukha niya.

   "Alam kong mahirap 'tong gagawin mo but promise me you will do this naturally." Aniya. Inabot niya ang baso na may lamang tubig at lumagok doon.

   "I know na isa ito sa napakalaking pabor na hihingin ko sa'yo. But i promised you na ituturing ko ito bilang isang napakalaking utang na loob sa'yo..."

   "Kanino ba talaga tayo magpapanggap?" Usisa ko sa kanya.

   "To the mother of my son..." Natigilan ako sa sinabi ni Mr. Matillano. Tama ba ang pagkakarinig ko na may anak na siya? At magpapanggap kami bilang mag-fiancè sa harap ng ina ng anak niya? Ano namang kabaliwan ito?

   "Yap. I had a son and his name is Tobi. He's only six years old at hindi niya alam na ako ang totoo niyang ama..." Kilala ko ang batang itinutukoy niya. Ito 'yong batang nakita ko na kasama niya sa kanilang bahay. Akala ko nga no'ng una ay kapatid niya lang ito. Mukha kasi silang magkapatid kesa sa mag-ama.

   "Ipinalabas lang ng parents ko na magkapatid lang kami nang sa gayon ay may kilalaning magulang si Tobi. Naghiwalay kami ng Mommy niya nang ipanganak siya. Hindi matanggap nito na magkakaroon na kami ng anak. We're only eighteen nang mabutis ko siya at hindi naman namin iyon sinasadya. Alam kong kagaya ko ay marami pa siyang gustong gawin sa buhay at parang malabo nang mangyari iyon dahil sa maaga niyang pagbubuntis. Umalis agad siya ng bansa isang linggo lang ang nakaraan ng manganak siya. Tinakbuhan niya ang responsibilidad niya bilang isang ina sa anak namin. Na obssesed ako ng panahong iyon dahil hindi ko matanggap ang pang-iiwan sa akin ni Keziah. Itinuring ko noon na isang napakalaking kamalasan ni Tobi sa buhay ko but lumipas ang mga taon ay unti-unti ko nang narealize ang lahat. Hindi kamalasan si Tobi kundi isa siyang napakalaking blessing na ibinigay ng Diyos sa akin. Dahil sa kanya ay nakayanan ko ang mabuhay nang wala si Keziah. He thought me how to move-on..." Naglandas ang luha sa pisngi ni Mr. Matillano habang ikinukwento niya sa akin ang lahat. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit niya nagawang isisi kay Tobi ang lahat. Pero alam kung mare-realize niya rin sa huli ang lahat.

   "Sorry kung masyado na akong madrama." Dumukot siya ng tissue at agad na pinunasan ang kanyang luha.

   "Okey lang 'yan. Mabuti nga at nailabas mo 'yan. So, bakit gusto mo akong magpanggap bilang fiancé mo?" Usisa ko sa kanya.

   "Umuwi na ng pilipinas si Keziah. Nabalitaan ko na gusto niya raw kunin sa akin si Tobi at dadalhin niya raw ito sa Austrilia. Hindi naman ako papayag sa gusto niyang mangyari kaya gusto kong magpanggap ka bilang fiancé ko at gusto kong magpanggap ka na anak natin si Tobi..."

   "What? Akala ko ba magpapanggap lang ako bilang fiance mo? Hindi kasama sa usapan natin na magpapanggap din ako bilang ina ng anak--"

   "Please do this for me... Hindi ako papayag na makuha ni Keziah si Tobi." Pagmamaka-awa niya sa akin.

   "Pero may karapatan parin si Keziah na kilalaning ina ni Tobi. Siya pa rin ang totoong ina nito."

   "Hindi! Hindi siya naging ina kay Tobi. She left us. Mas inuna niya pa ang mga pangarap niya kesa sa amin ni Tobi. Pinangako ko noon na wala na siyang babalikan pa. Tinanggalan ko na siya ng karapatan kay Tobi buhat ng iwanan niya kami!"

   Natahimik ako sa sinabi ni Mr. Matillano. Naintindihan ko siya kung bakit niya gagawin ito. Kung ako siguro ang nasa posisyon niya ay ganoon din ang gagawin ko. Hindi ko siya masisisi kung gano'n ang galit niya kay Keziah. Ito rin naman ang dahilan ng lahat. Kung inako lang sana nito ang responsibilidad nito sa anak nila ni Mr. Matillano ay hindi sana magiging ganito. Hindi sana magiging kumplikado ang lahat.

TO BE CONTINUED...

  
  

Unexpectedly yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon