CHAPTER 25

1.7K 36 0
                                    


---oOo---

HINDI mawala ang kaba sa dibdib ko habang nakatingin sa baril na hawak ni Keziah na nakatutok sa harapan ko. Halos mangatog na ang tuhod ko sa sobrang kaba. Ito na ba ang katapusan ko? Dito na ba magtatapos ang buhay ko?

Nang mga sandaling iyon ay biglang nag-sink in sa utak ko ang lahat ng magagandang nangyari sa buhay ko. At ang lahat ng importanteng tao sa buhay ko lalong-lalo na ang pamilya ko. Ito na yata ang sinasabi nila na kapag mamamatay ka na ay bumabalik ang lahat nang masasayang nangyari sa buhay mo.

Napapikit na lamang ako habang hinihintay ang pagtama ng bala sa katawan ko. Alam kong ilang sandali lang ay kakalabitin na Keziah ang gatilyo ng baril na hawak niya. Maya-maya lang ay nakarinig na ako ng isang malakas na putok ng baril. Mariin ko pang ipinikit ang mata ko. Ilang sigundo pa ang lumipas pero wala akong naramdamang bala na tumama sa katawan ko. Iminulat ko na ang mata ko at kinapa ko ang katawan ko. Wala talaga akong tama. Pero paano naman manyayari iyon?

Natigalan ako nang pagtingin ko sa harap ko ay nakita ko ang nakabulagtang katawan ni JD sa sahig. Nakadapa ito at nanlaki ang mga mata ko nang may makita akong dugo sa likod ng ulo ni JD! Ibig bang sabihin nito ay sinalag ni JD ang bala na sa akin sana tatama?

"Insan!" Nabaling ang tingin ko kay Keziah. Bakas sa mukha nito ang takot at pagkabigla nang lapitan niya si JD. Sapo niya ang likod ng ulo ni JD na natamaan ng baril.

"Walang hiya ka! Sa'yo sana nakalaan ang balang iyon!" Parang nababaliw na na turan nito. Napapitlag pa ako ng biglang itaas ni Keziah ang kamay niya na may hawak na baril. Itinutok niya iyon sa harapan ko! Pero bago pa man niya iyon maiputok ay isang bala ng baril ang tumama sa kaliwang bahagi ng balikat niya. Bumulwak ang dugo roon. Nabitawan niya tuloy ang hawak na baril. Napalingon ako sa pinanggagalingan ng balang iyon at nakita kong may mga pulis na sa likuran ko. Dadamputin pa sana niya iyong baril nang isa pang bala ang tumama sa kamay niya. Hindi na niya nagawa pang gumalaw ng mga oras na iyon dahil sa tama niya. Doon na nakakuha ng pagkakataon ang mga pulis na lapitan siya. Pinusasan siya ng mga ito at agad na binuhat palabas ng warehouse. Kinalagan na rin ng mga pulis si Ron mula sa pagkakatali nito. Ako naman ay parang hindi parin maka-recover sa nangyari. Tulala pa rin ako ng mga sandaling iyon. Masyado kasing mabilis ang pangyayari. Natauhan lang ako nang pinagtulungan na ng mga rescuer ang duguang katawan ni JD. Ikinarga nila iyon sa.may stretcher.

"Okey ka lang ba, Zich? Hindi ka ba nasaktan?" Nabaling ang tingin ko kay Ron. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya.

"Hindi." Tipid na sagot ko habang hindi pa rin maalis ang tingin ko kay JD habang kinakarga na ang stretcher na kinalululanan nito sa loob ng ambulance. Napansin kong napatingin na rin si Ron doon.

"Kailangan kong sundan si JD." Ani ko at akma na sanang hahakbang para sumunod sa ospital na pagdadalhan kay JD nang hawakan ni Ron ang isa kong kamay.

"Bakit mo naman susundan ang taong 'yon? Hindi mo ba nakita ang ginawa niya sa akin?" Anito.

"Si JD ang nagligtas ng buhay ko. Isinalag niya ang bala na sa akin sana tatama." Bwelta ko. Hindi naman ako ganoon kasama para balewalain na lamang ang ginawa ni JD para iligtas ang buhay ko. Kahit galit ako sa kanya ay may utang na loob pa rin ako sa kanya. Kung hindi niya siguro sinalag ang balang sa akin tatama ay malamang patay na ako.

Wala nang nagawa pa si Ron nang muli kong ihakbang ang mga paa ko. Malalaki ang hakbang na nilisan ko ang lugar na iyon at agad na tinungo ang ospital na pinagdalhan kay JD.

Panay ang usal ko nang mahinang panalangin habang papunta na ako ng ospital. Na sana lang ay walang masamang mangyayari kay JD. At sana ay mailigtas siya ng mga doktor.

Unexpectedly yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon