CHAPTER 18

1.4K 35 0
                                    


___•••___

   MATAPOS ang pagbibigay ng speech ng ilan sa mga dumalo sa pagtitipon ay pumainlanlang ang isang malumanay na tugtog. Ilang sandali pa ay nakikita kong nagsitayuan na ang mga kalalakihan upang magyayang sumayaw sa mga babaeng nandito sa party. Maya-maya pa ay may naramdaman akong isang pares ng kamay na nakalahad sa harapan ko. I expected na si Mr. Matillano ang taong iyon pero mali pala ang akala ko. Kahit nakamaskara ito ay alam kong hindi si Mr. Matillano ang taong iyon. Baka isa sa mga kaibigan niyang lalaki na ipinakilala niya kanina.

Luminga muna ako sa aking paligid. Hinahanap ng mga mata ko si Mr. Matillano. Napako ang mga mata ko sa gawi niya. Pero hindi ko inaasahan ang makikita ko. May lumapit sa kanyang babae. Kahit nakatalikod ito sa gawi ko ay nakikilala ko ito. Walang iba kundi si Keziah Alcantara. Nakita kong tumayo si Mr. Matillano mula sa kanyang pagkaka-upo at alanganing nitong inabot ang kamay ni Keziah. Alam kong galit siya kay Keziah pero nagawa niya paring pumayag na makasayaw ito.

Nabaling ang tingin ko sa may ari ng kamay na nakalahad sa harap ko ng tumikhim ito. Nag-aalangan na inabot ko na lamang ang kamay nito. Iginiya niya ako sa gitna habang hawak-hawak pa rin nito ang mga kamay ko.

Dahan-dahan niyang inilagay ang kamay niya sa beywang ko. Napapitlag pa ako nang maglapat na ang kamay niya sa beywang ko. Hindi ito ang first time ko na makasayaw ng isang lalaki. Naranasan ko na ito sa tuwing may formal event sa school namin noon. Pero hindi ko parin maiwasan ang mahiya. Sino ba naman ang hindi mahihiya kong sasayawin ka ng isang lalakinh hindi mo kilala at ngayon mo lang nakita. At isa pa ay nakamaskara pa ito.

Dahan-dahan ko na ring ipinatong ang mga kamay ko sa balikat niya. Kahit nahihiya ay kailangan kong gawin iyon. Kailangan kong maging formal.

Maya-maya pa ay sinimulan na nitong humakbang. At sinabayan ko na rin siya. Napansin kong nakatitig lang siya sa akin. Parang marami siyang gustong itanong sa akin pero pinipigalan lang niya iyon. Nahihiya naman ako na ako ang mauunang magsalita. Lalaki siya kaya sa dapat ang maunang magsalita.

Ilang segundo pa ang lumipas ay wala parin kaming imikan. Nagpapakiramdaman lang kami. Bakit ba hindi man lang ito nagsasalita. Kahit man lang isang salita ay walang lumalabas sa bibig nito. Baka pipi ito o hindi kaya bad breath kaya hindi nagsasalita. Pero imposible naman iyon.

Ang awkward tuloy sa pakiramdam na hindi kami nag-uusap. Parang gusto ko nang basagin ang katahimikan na namamagitan sa amin. Gusto ko nang magsalita. Gusto ko itanong sa kanya kung bakit hindi siya nagsasalita.

Tumikhim muna ako. Kailangan ko nang magsalita bago pa mapanis ang laway ko.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang magulat ako ng bigla may humawak sa kamay ko na nakapatong sa balikat ng lalaking kasayaw ko na naging dahila ng pagkalas ko sa lalaking kasayaw ko. Nagulat na lamang ako ng higitin ng taong iyon ang kamay ko. Nabaling ang tingin ko sa taong iyon. Si Mr. Matillano pala.

"We need to go home now." Walang emosiyon ang mukha na turan ni Mr. Matillano sabay hila sa kamay ko.

"Teka lang bro, bastos mo, ha?!" Hindi mo ba alam na sumasyaw kami?" For the first time ay narinig ko ang boses ng lalaking kasayaw ko.

"Wag kang maki-alam! Hindi ikaw ang kinaka-usap ko!" Tatalikod na sana si Mr. Matillano ng hawakan nito ang balikat niya na naging dahilan para lingunin niya iyon. Pero nabigla ako sa sumunod na ginawa ni Mr. Matillano. Sinuntok niya ang lalaking kasayaw ko. Nakita kong dumugo ang labi nito.

"Let's go." Hinila na niya ako palabas ng hotel. Hindi ko alam kong bakit nagkakaganoon si Mr. Matillano. Hawak-hawak pa parin niya ang kamay ko hanggang makalabas na kami ng hotel.

"Bitiwan mo nga ako. Ano ba ang nangyayari sa'yo?" Pumiksi ako na naging dahilan para bitawan niya ang mga kamay ko.

"Umuwi na tayo. Pumasok kana sa loob."

"Hindi ako uuwing kasama mo hanggat hindi ko nalalaman kung ano na ba ang problema mo!"

"Get inside. Uuwi na tayo." Akma sana niyang hahawakan ang kamay ko nang iiwas ko iyon.

"Fine! Gusto mo talagang malaman? Nag-usap kami ni Keziah. Gusto niyang ituloy ang kaso para makuha niya sa akin si Tobi."

"So bakit mo sinapak kanina 'yong lalaking kasayaw ko kanina? Wala naman pala siyang kinalaman kung bakit ka nagagalit, ha?!"

"Pinsan ni Keziah ang lalaking kasayaw mo. As far as i know, He's a lawyer. At siya ang tumutulong kay Keziah para mabawi niya sa akin si Tobi."

Natigilan ako sa mga sinabi ni Mr. Matillano. Pinsan pala ni Keziah ang lalaking kasayaw ko kanina.

"Pwede na ba tayong umuwi?" Nauna na siyang pumasok sa loob ng kotse at wala na akong nagawa kundi ang pumasok na rin. Agad naman niyang pinaandar ang kanyang kotse at hinatid na niya ako pauwi.

___•••___

   KINABUKASAN ng hapon ay tinawagan ako ni Mr. Matillano. Nagpapasama siya sa akin na lumabas kasama si baby Tobi. Birthday kasi nito kaya ipapasyal niya raw ito.

Eksaktong linggo naman ngayong araw kaya walang pasok si Mr. Matillano. Sinundo niya ako sa bahay.

"Who is she, Kuya Ron?" Nabaling ang tingin ko sa rear view mirror ng biglang magsalita si Tobi. Sa back seat siya naka-upo. Totoo palang kuya ang pagkilala ng anak niya sa kanya  Agad ko namang ibinaling ang tingin ko kay Mr. Matillano. Hinihintay ko kung ano ba ang isasagot niya sa tanong na iyon ni Tobi.

"She's your Ate, Zichelle." Saglit na tinignan ni Mr. Matillano si Tobi sa rear view mirror at agad niyang ibinalik ang kanyang atensiyon sa daan.

"She is your what po kuya Ron?"

"She's my girlfriend." Diretsang sagot niya.

"Ang pretty niya po." Nakangiting turan ni Tobi.

"Of course. She's pretty. Kaya nga bagay sila ng Kuya Ron mo, e."

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabing iyon ni Mr. Matillano. Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Pero hindi ko maiwasan ang mapangiti sa mga sinabi niya.

Maya-maya lang ay narating na namin ang mall. Agad naman kaming pumasok sa loob at agad na dumiretso sa isang fast food na nasa loob ng mall. Naghanap muna kami ng bakanteng table. Ako na ang umorder ng makakain namin. Burger, Spagetti at drinks.

Nagsimula na kaming kumaing tatlo. Nasa gitna namin si Tobi.

"Subuan niyo po si Ate, Zichelle." Natigalan kaming pareho sa pagkain ng magsalita si Tobi. Nagkatinginan kaming dalawa.

"Sige na po. Subuan niyo na po si Ate, Zichelle." Pagpipilit ni Tobi. Parang hindi naman bata kung umasta ito.

"Sige na po, please." Wala nang nagawa pa si Mr. Matillano kundi sundin ang request ni Tobi. Tumango naman siya sa akin. Alam ko ang gusto niyang ipahiwatig ng tingin niyang iyon. Na pagbibigyan namin ang request ni Tobi.

Ganoon nga ang nangyari. Sinubuan ako ni Mr. Matillano ng spaghetti. Parang kinikilig naman na pumalakpak si Tobi. Parang gustong-gusto niya talaga na gawin namin iyon.

Halos gumabi na nang makalabas kami ng mall. Marami kaming pinamili. Karamihan doon ay mga damit at laruan ni Tobi. Nagbonding kaming tatlo na animo'y isang pamilya. Pamilya naman talaga siR. Matillano at si Tobi, e. Mag-ama naman talaga sila.

"Kailan mo ba sasabihin sa kanya ang totoo." Nagawi ang tingin ko sa rear view mirror. Nakita kong tahimik na natutulog si Tobi sa back seat ng kotse. Halatang napagod talaga sa mga ginawa namin. Hindi ko maiwasan na itanong iyon kay Mr. Matillano. Hindi ko kasi alam kung kailan ba niya sasabihin ang totoo na siya ang totoong ama ni Tobi.  Ibinaling ni Mr. Matillano ang tingin niya sa akin. Agad naman niya iyong ibinalik sa daan na tinatahak namin.

"To the right time." Anito na hindi man tumingin sa akin.

Tumahimik na lamang ako. Siguro ay naghihintay lamang ng tamang panahon si Mr. Matillano na sabihin ang katotoohan kay Tobi.

TO BE CONTINUED...

Unexpectedly yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon