Prologue

2K 13 0
                                    

“Do you love Maxx?” ulit nito sa tanong kanina.

“I told you. Tapos na ang laro.”

“It’s not for the game anymore, Abigail!” bulyaw nito sa kanya. Binagsak nito ang bote sa buhanginan. Ngunit hindi ito nabasag dahil malambot ang buhangin.

Natigilan si Abby sa nakikitang galit sa mga mata nito. At natatakot siya para sa sarili.

“Bakit ka ba nagagalit? Laro lang iyon Vince!” galit na din niyang sabi na napatayo pa. Tumayo din si Vince at naglakad palapit sa kanya. Pero tumigil din ng sapat na ang distansya nito para bumilis ang tibok ng puso ni Abigail. Halos isang yarda na lang ang layo ng binata sa kanya.

“Pinagtutulungan niyo akong dalawa. Alam mo ba na niligawan ko si Dana kahit na alam kong mahal siya ni Maxx. At ngayon, naghihiganti siya sakin.” Nakakuyom ang palad na sabi ni Vince.

“Ano bang sinasabi mo, Vince? Walang ginagawang masama si Maxx. Nililigawan niya ako and that’s it.” Hinawakan ni Abby ang sariling dibdib

“Really? So, do you love him?” tanong ni Vince na lumalapit sa kanya pero humahakbang siya pareho.

“Wala ka sa lugar para tanungin sakin yan Vince! And besides, you’re drunk.” Matapang na sabi ni Abby na parang panghihinaan ng tuhod.

“Drunk? Konti pa lang ang naiinom ko, Abby. I know what I’m doing. Now, tell me, Do you love Maxx, or do you still love me?” tumigil sa paglalakad si Vince. Tumigil din si Abby na nakatingala sa binata.

Nasandal niya ang sarili sa puno ng niyog. Mabuti na iyon dahil bibigay na ang tuhod niya dahil sa takot at pangamba na baka kung anong mangyare at gawin ni Vince.

“Ano bang tingin mo sa pagmamahal, Vince? Laro? Geez!” bulyaw niya dito.

“Sagutin mo ang tanong ko, Abigail Gracella Dela Cruz!” Sigaw ng binata na may halong diin sa bawal pantig ng pangalan niya.

Napupuno na siya sa pagsisigaw ng binata sa kanya. Walasiyang karapatang sigawan siya. Binasted siya nito noon at ngayon, siya pa ang may karapatang magdemand na sagutin ang tanong nito?

“Yes! I love Maxx. Satisfied?” sigaw niya ng hindi na kayanin pa ang masamang tingin nito at ang nag-aamok na boses ng binata.

“You can’t and you won’t Abigail!” sigaw ni Vince. Saka halos takbuhin ang kinaroroonan niya kahit napakalapit lamang niya dito. He grabbed her waist, pull her hair downward, enough to make her face him and then savagely kiss her. 

Crazy in Love (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon