Ann's POV:
"OURBSS...Nakakabusog yun ah.."sabay dighay kong sabi habang hinihimas himas ko ang tiyan ko."Tsk."Inirapan lang ako ni Kaye Cal bwesit.
"Saan tayo pupunta ngayon??"nakangiti kong tanong habang sinusundan si Kaye papunta sa parking lot kung Saan naka parking ang kotse niya.
"Sa Amusement park."biglang nag spark ang mga mata ko sa narinig ko,mamamasyal kami?!Ni minsan sa buhay ko ay hindi pa ako nakakapasyal sa isang Amusement park.Nakaka excite!!
"Mamamasyal tayo?"parang bata kong tanong."Sasakay tayo sa mga rides?Omg tapos bibili tayo ng ibat-ibang kulay ng cotton candy?"
"Pwede bang tumahimik ka kahit isang minuto lang at sumunod ka nalang sakin?"naiirita niyang sabi habang dirediretsong naglalakad."Andami pang tanong eh."bulong pa niya.'bumulong pa,eh rinig ko naman'
Pagdating namin sa Amusement park ay namangha ako sa mga nakita ko,maraming mga tao ang nakangiti at sobrang saya.Andaming mga rides,may roller coaster,may merry go round,may ferris wheel tsaka andami ding mga stall ng pagkain.
"Wow!!"sa dami ng gusto kong sabihin ay ito lang ang nasabi ko,I'm so speechless!Charot!
"Kaye???"inikot ko ang paningin ko sa buong paligid,teka!!!nawawala na naman si Kaye!Naku!siguradong sinadya niya talaga akong iwan dito!kahit kailan wala na talagang ibang ginawa yang taong yan kundi ang pahirapan ako eh!"Nasaan na ba yun!?"kamot ulo kong sabi habang naglalakad sa gitna ng napakaraming mga tao.
Medyo napagod ako kakahanap kay Kaye kaya umupo muna ako saglit sa isang bench,hapon na at may nag-aambang ulan pa.Nakita ko ang isang stall na nagbebenta ng mga cotton candies kaya napagpasyahan kong bumili.
"Ate,magkano po yang pink na cotton candy?"tanong ko sa tindera.
"Bente lang po."sagot niya,kinapkap ko ang bulsa ko at may nakuha akong sampung piso,halatang kulang 'tong pera ko.'Lodi'naman kasi yung Kaye Cal na yun!wala manlang pasabing ililigaw niya ako sa isang Amusement park,edi sana nakapagdala manlang ako ng pera!Bwesit!
"Ate bibili ka po ba?"tanong sakin ng tindera.
"Ah---hin--"hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil may biglang nagsalita.
"Bigyan mo siya ng dalawa niyan Ate."sabi nung isang pamilyar na boses.Tiningnan ko siya.
"Jasper!?"nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko,si Jj(jasper james)ang kababata ko noon,hindi ko alam na magkikita pa ulit kami.
"Ann????Ikaw ba talaga to?!"nagtatakang tanong ni Jasper."Obvious ba??"pamimilosopo kong sagot.Bigla naman siyang natawa sa sinabi ko.
"Ow Em Gi!!I missed you..."nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.
BINABASA MO ANG
How To Make Her Fall Inlove[OnGoing]
Romance"SOMETIMES YOU JUST HAVE TO LET THINGS GO" "Paano mo pakakawalan ang taong sobra mong mahal?" Si Aiysen ay isang Espirito na pinabalik sa lupa para hanapin ang hustisya sa kanyang pagkamatay.Siya rin ay pinabalik para sa isang rasong mapaibig ang is...