Okay,para lang po malaman niyo..wala po talagang koneksyon ang Title ng Chapter na'to.Wala na kasi akong maisip.Haha.Keydeng.
Late update 'to.Pasinsiya.
#KayAnn
*******
ANN'S POV:
HUMINGA ako ng sobrang lalim(as in!)bago lumapit kay Kaye.Kakapalan ko na ang mukha ko.Kailangan ko na kasi talaga ng tulong niya,bago pa mahuli ang lahat at hindi na nga talaga ako makapasok sa langit.
"Ahem."umarte akong inuubo na halata namang peke.
TININGNAN niya lang ako ng nakataas ang isang kilay.Ang taray naman neto!"What?"watwat?
"Ehm..pwede ba kitang makausap?"
"Hindi pa ba tayo nag-uusap?"Napaka pilisopo talaga nitong poging 'to!este taong 'to!
"Ang ibig kong sabihin..may gusto akong sabihin sa'yo.."umupo ako sa tabi niya at bahagya naman siyang napausog.
"Tsk..Ano yun?"napakamot ako sa may leeg bago nagsalita.Bakit ganyan aiya makatingin sa'kin?
"Kailangan ko kasi ng tulong mo.."nakakahiya 'tong ginagawa ko.
"Tulong?"Alam mo!gwapo ka lang eh!pero bingi!sayang ka!
"Maniwala ka man o hindi..patay na ako."yumuko ako.Ayaw kong makita ang reaksiyon niya.
At hindi ako nagkamali!Tinatawanan niya ako!Mutangmina mo!
"Bakit ka tumatawa?"naiinis ko siyang tiningnan habang nakapamewang.
"Nakadrugs ka ba?"natatawa niyang sambit habang umaalog alog pa ang balikat.Tawang tawa ang baliw!!
"Huh?Totoo nga..multo ako..naging tao lang ulit ako kasi kailangan kong panagutin ang taong pumatay sa'kin!"sinuklay niya muna ang buhok niya gamit ang mga daliri niya bago nagsalita.Tumayo siya at hinawakan ako sa balikat.
"Take your meds,"huh!!!!!"And get well soon. I'll pray for you."ginag*go ba ako neto?
Lumakad na siya paalis habang pigil parin ang tawa.
Pinagmukha ba naman sakin na baliw ako!Huy!!!di ako baliw!!!
Kung ayaw mong maniwala eh di wag!Mwesit!
********
"Oh...nainom mo na ba ang mga gamot mo?do you want me to refer you sa kakilala kong psychiatrist?"natatawang salubong ni Kaye saken habang naglalakad ako palabas mg bahay niya.
BINABASA MO ANG
How To Make Her Fall Inlove[OnGoing]
Romance"SOMETIMES YOU JUST HAVE TO LET THINGS GO" "Paano mo pakakawalan ang taong sobra mong mahal?" Si Aiysen ay isang Espirito na pinabalik sa lupa para hanapin ang hustisya sa kanyang pagkamatay.Siya rin ay pinabalik para sa isang rasong mapaibig ang is...