❤#10:FIRST:CandleWays❤

54 2 3
                                    

A/N:Sorry sa super duper ultra mega Late update guys!!!!Sobrang pasensya!!!!Napaka stressful kasi talaga ng buhay high school,sana maintindihan niyo.

     Heto na ang update na alam kong hinintay niyo.Mwaps!Enjoy!lablabyusumats!

Ann's POV:

         Nagising ako dahil sa naamoy kong napakabango.

     "My behbeh labs?"nakangiti kong bati.Magkatabi pala kamung natulog kagabi,haha,syempre di niya yun alam kasi pumasok lang ako dito sa kwarto niya at sinamahan siyang matulog.

     "Morning..."pahikab niyang sabi bago tumingin sa'kin.

     Pagkatingin niya ay pumikit siya ulit at dumilat ulit,nanlaki ang mga mata niya.

   "Whhaaaaahhh!"sigaw niya.

   Sinabayan ko nalang siyang sumigaw,para kunwari wala akong alam,charing lang!

    "Whhaaaaahhh!!!"sabay naming sigaw.(Diba para kaming tanga pareho?)

     Tumigil ako sa pagsigaw at humugot ng sobrang lalim na hininga,(kasing lalim ng pagmamahal ko sa kanya.Wosh!)bago nagsalita.

       "Teka!Teka!makasigaw ka naman parang nakakita ka ng multo!"Well...Baka nga,kasi multo ako.

    "Pa'no ka nakapasok dito!"pasigaw niyang tanong,ka aga-aga sumisigaw,ah..kaya pala ang taas ng boses niya kapag kumakanta eh!

     "'Yun lang ba?"ang tanong mo?"Edi,syempre una,naglakad ako palabas ng kwarto ko,tapos naglakad ulit ako,papunta na dito,tapos binuksan ko ang pinto ng kwarto mo,tapos ayun!nakapasok na ako."pamimilosopo ko.

     "Tch!pilosopo!lumabas ka na nga dito!"kinalikot ko ang tenga ko gamit ang hintuturo ko habang nakangiwi,ang sakit sa tenga ng sigaw nitong baba-lala-balaking 'to!

      "Alam mo...ikain nalang na'tin 'to kesa nagsisigawan tayo na parang mga timang dito."nakatawa kong sabi,pero mukhang hindi effective sa kanya ang tawa ko.

    "PAANO TAYO KAKAIN KUNG WALANG NAGLUTO!?"NIYUS KO NAMAN!para namang may malalaking speakers na nakakabit dito sa taong 'to!

    "Ah...eh..."nagpa-cute lang ako,bago nag peace sign."He..hehe..hehehehehe."itatawa ko nalang to.

     Nagmadali akong pumunta sa kusina at nagluto.

      Pagkatapos kong magluto ay agad akong pumunta sa bestfriend kong bungangera.Umalis din kasi si Kaye,may meeting chuchu 'ata.

      "Diyos ko naman Day!!"bungad sa'kin ni Rachel pagkapasok ko palang sa bahay niya.

       "Bakit?"nakataas kanang kilay kong sabi.

     "Wag mong sabihing hindi mo pa rin napapaibig si Kaye Cal?.."di wag!madali naman akong kausap eh.

     "Edi hindi ko sasabihin."

"Hoy,,bestfriend kong multo,baka lang nakakalimutan mo,kunti nalang ang natitirang araw mo dito."Maka Hoy ah!

    "Haist!paano ba naman kasi!napakahirap pakisamahan nung taong yun!nakaka bwesit,pasalamat siya gwapo siya!"padabog kong sabi.

     "Anong balak mo ngayon?"

"Wala pa nga eh.."tch!ano na bang gagawin ko ngayon?

    "Aha!"napatalon ako sa gulat ng biglang sumigaw si Rachel.

     "May balak ka bang agahan ang pag-alis ko?papatayin mo talaga ako sa gulat?yung totoo?kaibigan ba talaga kita o ano?"kasi naman,makasigaw parang siya nasa Hong Kong tapos ako nasa North Pole.

      "Sorry naman,,Pero may naisip na'ko,may nabasa akong aklat noon,hindi ko na matandaan ang title pero,parang..how to make her fall inlove ata yun,basta ganun.."akalain mo may kwenta din pala 'tong babaitang 'to.

    "So??"

"Nabasa ko dun ang mga steps para magkagusto sa'yo ang isang tao."mey ganern paley?"No.1,syempre una sa lahat,ipagdadasal mo siya,No.2,Seduce him,akitin mo.No.3,Ipagluto mo,ika nga nila "the best ways to a mans heart is through his stomach"."weh???

    "Sunod??"

"No.4 Make him feel kilig,pakiligin mo siya at kapag nagawa mo yun lahat ng walang sablay ay siguradong mahuhulog na sayo si Kaye."pffff.Yun na yun?

      "May kandila ka ba diyan?"tanong ko.

"Bakit?"

     "Akala ko ba Step 1 ipagdasal ko siya,heto na..You know me,i don't waste time because I belib dat taym is guld,and I don't have taym to mine it.Gets mo?"hahahahah...ang galing ko talaga sa English.

    "Hays....oh heto,kandila at lighter,ayusin mo ang pagdadasal huh?"sus ako pa.

       Teka,ano nga ulit ang dadasalin ko?

Hihihi,AY PORGAT.😄

      ......END OF CHAPTER........

   SEE YOU SA NEXT CHAPTER,ENJOY!

How To Make Her Fall Inlove[OnGoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon