Chapter 1

143K 1.9K 138
                                    

"WELCOME HOME, MR. FRANZ RAMIREZ"

Malungkot na tiningala ni Joanna ang banner na nakasabit sa gate ng pabrika. Darating si Franz Ramirez sa ika-sampung taong anibersaryo ng pabrikang pag-aari nito matapos ang pitong taong paninirahan sa ibang bansa.

Ngayon pa lang ay hindi na maunawaan ni Joanna kung ano ang dapat na maramdaman. Umalis ng San Ignacio si Franz kasama ang stepsister nitong si Cristy matapos mailibing ang ama nitong si Don Manuel Ramirez.

"Good morning, Miss Joanna."

Nilingon ni Joanna ang pinanggalingan ng tinig. Ngumiti siya nang mapagsino ito. Si Rigo dela Serna na hindi niya napuna ang pagparada ng pickup sa tabi niya.

"Hello, Rigo. Hindi mo ba kasama si Lacey?"

"Galing ako sa textile," nakangiting sagot nito. Hinagod ng tingin ang magandang dalaga. Matanda siya rito ng apat na taon sa beinte kuwatro ni Joanna. Subalit magkaibigan sila mula pa noong college. Pagkatapos ay naging magkapitbahay sila doon sa dating lumang bahay nilang tinitirhan.

Binalak rin nitong ligawan noon ang dalaga subalit mailap si Joanna kahit noong araw pa. One of the very few women na hindi nagsu-swoon sa pagiging guwapo nito. Pangalawa, hindi nito gustong mapagalitan ang dalaga ng ina nitong si Angelina. Sinabi sa kanya ng inang si Amelia na hindi gusto ni Angelina na may makakaabala sa pag-aaral ng anak. Pangatlo, hindi nito gustong kataluhin ang kaibigang si Arnel na nagpahayag na agad ng pagkagusto sa dalaga. Ang nakapagtataka'y hanggang ngayon ay hindi naging matagumpay si Arnel sa panunuyo kay Joanna makalipas ang mahabang panahon.

"Dadalo ka ba sa anniversary ng pabrika?" tanong ni Joanna sa guwapong binata. Which is a stupid question dahil ang textile company na pinamamahalaan ni Rigo ang siyang supplier ng tela ng export-import undergarment factory ng mga Ramirez. Bukod pa roon, si Rigo ay kaibigang matalik ni Franz Ramirez.

"Sure. Darating kaming mag-asawa. Isang malaking oportunidad para magkasama-sama at magkita kami ni Franz. I want him to meet Lacey." May kislap sa mga mata ng lalaki sa pagkabanggit sa pangalan ng asawa. "Matagal din siyang nawala, hindi ba?"

Tumango si Joanna. Umiwas ng tingin. "Nang mamatay si Don Manuel ay umalis na rin silang magkapatid sa San Ignacio. Ipinamahala nila kay Mr. Gabriel ang pabrika," ang tinutukoy niya ay ang bise-presidente na isang malayong kamag-anak ng mga Ramirez. At nitong nakaraang buwan ay nagpasabi si Mr. Gabriel na aalis patungong Amerika upang magpaopera ng prostate gland. At iyon marahil ang dahilan kaya napilitang bumalik ng Pilipinas si Franz.

"He is married, alam mo ba iyon?" tanong niya na pilit itinatago ang sakit na humihiwa sa dibdib. Tumango si Rigo.

"We have communicated this past two years. Nauna siyang nag-asawa sa akin," sagot ni Rigo na ikinagulat ni Joanna. Alam niyang magkaibigan sina Franz at Rigo pero hindi niya akalaing may komunikasyon ang dalawa lately. Kung sabagay ay hindi naman kailangang ipaalam sa kanya ni Rigo iyon. Baka ang iniisip ni Rigo na dahil empleyado siya ng kompanyang pag-aari nito ay alam din niya ang tungkol dito.

"Maliban na lang noong unang mga taong nawala ako sa San Ignacio ay regular na nagpapadala ng mga cards si Franz," patuloy nito. "At may isa siyang anak na babae na limang taong gulang. Baka silang mag-anak ang darating at sana'y dito na muli manirahan sa San Ignacio." May pag-asam sa tinig ni Rigo.

Magkasing-edad sila ni Franz bagaman noong nasa third year ito sa kolehiyo ay nasa second year lang siya. At magkaibigan bukod kay Arnel pero naunang nawala sa San Ignacio si Franz bago pa nangyari ang iskandalo sa kanya may kinalaman sa ama ni Lacey.

Ni hindi nagpaalam sa kanya si Franz nang umalis ito ng bayang iyon. Wala ring communication mula rito. Kung hindi dahil sa pabrika ng pamilya ay iisipin ni Rigo na naglaho ang kaibigang parang bula. Hanggang nitong nakalipas na tatlong taon kung saan ay nakausap nito ang kaibigan sa overseas.

Sweetheart Series 3 (You Belong To My Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon