Chapter 14

52.4K 1.3K 60
                                    

PAGLABAS niya ng building ng opisina ay siya namang pagdating ng pickup ni Arnel.

"Sakay na at ihahatid na kita."

Hindi na siya nagdalawang-isip at sumampa sa sasakyan.

Sa itaas, sa fourth floor, kung tumingala siya ay nakita sana niyang nasa bintana si Franz at sinundan sila ng tanaw sa pagtatagis ng mga bagang nito.

"How's your new boss?"

Nagkibit siya ng mga balikat. "Wala namang problema. At inaasahan ko namang mangangapa pa sa umpisa si Franz," kaila niya.

"Hindi na tulad ng dati si Franz, Jo. Ewan ko kung imahinasyon ko lang iyon. Seryoso at malayo."

Nagkibit siya ng mga balikat. "Wala akong nararamdaman. Lagi namang ganoon si Franz. Hindi siya tulad ni Rigo na laging nakangiti at masayahin." At lalong hindi rin tulad ni Rigo na madaling magpatawad. Rigo was bitter when he thought Lacey betrayed him pero hindi nagalit. Hindi magawang magtanim ng galit.

Oh, well, magkaiba ang sitwasyon nila ni Lacey. Rigo loved her even from the start. Really loved her. Ang sa kanila ni Franz ay isang one night madness of passion and lust. At siya lang ang nagbigay doon ng romantikong kahulugan. Totoong sinabi ni Franz na mahal siya pero marahil ay upang magkaroon lamang ng lisensiya para patuloy siyang pagsamantalahan.

Ang sabi ni Franz ay passe na ang mahirap-mayamang relasyon. Pero mali ito. Kung naging mayaman siya at hindi lang simpleng tagapag-alaga at paaral ni Don Manuel ay hindi siya maaakusahan ng ganoon. Franz would never believed na magagawa niya iyon dahil sa pera.

"You looked tired," may simpatyang wika ni Arnel. "Let's have an early dinner sa bayan para hindi ka na magluto pagdating mo sa inyo."

Ngumiti siya dito. "Thank you, Arnel."

Dinala siya ni Arnel sa kilalang kainan sa bayan. Nagsisimula na silang kumain nang muling banggitin ni Arnel ang iniluluhog.

"Marry me, Jo, nasa tamang gulang na tayo. You're twenty-four at twenty-eight ako. Maayos ang trabaho at malaki rin naman ang kinikita bilang personnel manager sa textile company."

"I don't love you, Arnel."

"Love can be developed, Jo. Sisikapin kong maging isang mabuting asawa sa iyo."

Gusto niyang maiyak. Arnel is such a nice man at hindi pagsisisihan ng sino mang babae ang pakasal dito.

"Pag-iisipan ko ngayong gabi ang tungkol sa bagay na iyan, Arnel," pangako niya. Nasisiyahang ngumiti ang binata na hindi na muling binanggit iyon. Pagkakain ay inihatid na siya ni Arnel sa bahay niya.

"Goodnight and thank you," aniya rito bago bumaba. Subalit banayad siyang hinawakan ng binata sa braso at kinabig. Alam ni Joanna na hahagkan siya nito pero hindi siya kumibo o pumalag man.

She was so emotionally distress na hinayaan niyang hagkan siya nito. Nagpaubaya siya. Closed her eyes and concentrate on the kiss. She really wanted to love this man.

Binitiwan siya ni Arnel makalipas ang ilang sandali. His eyes sparkling. "That was the first time you let me kiss you. Gusto kong malaman mo kung gaano ako kaligaya, Jo."

Wearily, tumango si Joanna. "Malalaman mo ang desisyon ko. Itatawag ko sa iyo bukas." Iyon lang at mabilis siyang bumaba sa pickup. Hinintay niyang makaalis ang sasakyan bago siya humakbang patungo sa gate na kahoy at itinulak iyon.

Dinukot niya ang susi sa bag na muntik na niyang mabitiwan nang may magsalita sa likuran niya.

"Masarap bang humalik kaysa sa akin ang kaibigan ko?"

"Franz!"

Sweetheart Series 3 (You Belong To My Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon