ARAW ng anniversary ng kompanya. Hindi mankandatuto si Joanna sa pag-ikot sa harap ng salamin ng lumang aparador niya. Naroong itaas at ibaba ang buhok. Sinipat ang mukha kung hindi sobra o kulang ang makeup. Nasa ganoon siyang ayos nang may kumatok sa pinto sa sala. Mabilis siyang lumabas at binuksan ito.
"Arnel..."
"Hello, beautiful." Sinuyod nito ng tingin ang dalaga sa silk black minidress nito na simple ang pagkayari. Sleeveless at bahagyang nakalitaw ang cleavage in a provocative but subtle fashion. Nakahapit iyon sa slender body at may tolerable slit sa isang tagiliran. Ang lampas balikat na buhok ay nakalugay pa rin. She emphasized her best asset, her eyes, sa pamamagitan ng paglalagay ng heavier mascara.
"You're early, Arnel. Halika, pumasok ka."
"You literally took my breath away, Joanna," sinserong sinabi nito matapos humugot ng paghinga sa ayos ng dalaga.
Natawa si Joanna. "Thank you very much, Arnel. Maganda ba talaga ang suot ko?" nababahala niyang tanong sa binata. At hindi niya maisip kung bakit bigla siyang naging vain gayong sa loob ng maraming taon sa buhay niya ay hindi niya masyadong pinag-uukulan ng pansin ang mga isinusuot at ayos. Pero sa pagkakataong ito ay pinagkaabalahan niyang magpatahi ng bago, maganda at may uring style na damit. Even if it took her pocket her month's pay.
Was it because she wanted to impress Franz? Pero itinatanggi iyon ng conscious mind niya. What happened between him and Franz was over seven years ago. And she's foolish kung ngayon pa siya aasam na baka mapagtuunan siya nito ng pansin pagkatapos ng naganap sa kanila. Huwag na iyon, the man is very much married now.
"I have never seen you like this before, Joanna. O, yes, you're beautiful, walang duda doon. But tonight, you're stunning. You will beat them all, even the classy Mrs. Lacey dela Serna."
Lumabi siya. "Lacey is beautiful. Lalo na ngayong nagdadalang-tao siya."
"Yes, she is. Pero magkaiba ang ganda ninyo. You have that mysterious look. Ang mga mata mo'y tila may mga itinatagong lihim na gugustuhin ng kahit na sinong lalaking alamin. They could be untold delights."
Malakas na tumawa si Joanna na nasisiyahan. "Kailan ka pa naging makata, Arnel?"
"I'm everything and more when I'm with you, my darling," he whispered huskily.
Umiwas ng tingin si Joanna. Dinampot ang clutch bag sa ibabaw ng lumang chest. "Tara na. Baka marami nang tao sa pabrika." Humakbang siya patungo sa pinto. Sumunod si Arnel at isinara ang pinto. Si Joanna ay nagpatiunang lumakad patungo sa sasakyan ng binata.
"Natitiyak kong makikipagbuno ako sa mga kabinataang gustong makasayaw ka ngayong gabi, Joanna. Not to mention married men, too."
Ngumiti ang dalaga. "Don't worry, friend, I will save the last dance for you."
"Not just the last dance. I want to dance every piece with you," may pagmamaramot nitong sinabi.
Hindi nagtagal ay sinapit ng dalawa ang factory building. Sa ibaba sa parking ay marami nang nakaparadang sasakyan. Huwag nang ibilang pa ang mga empleyado na tiyak na present lahat sa gabing iyon. At hindi niya mapigil ang bahagyang panginginig ng mga tuhod niya and was only too glad when Arnel held her arm and ushered her inside patungo sa elevator.
Maraming ilaw ang nadagdag sa nadekorasyonang rooftop. Halos mapuno sa mga empleyado at bisita at mga kaibigan. Binati si Joanna ng kapwa mga empleyado na ginantihan niya ng ngiti. Ang mga mata ng mga babae ay paghanga at pananaghili. Ang mga lalaki ay naroon ang pag-asam na sana'y sila ang nasa kalagayan ni Arnel. Ang binata ay taas ang noo sa paggiya sa dalaga papasok. He is escorting the prettiest woman tonight.
BINABASA MO ANG
Sweetheart Series 3 (You Belong To My Heart)
Romance"You belong to me, sweetheart, to my heart, now and forever." Hindi mapaniwalaan si Joana na makalipas ang pitong taon ay muling nagbalik sa buhay niya si Franz. Seven years of heartache pero mukhang determinado si Franz na patuluy siyang magdusa s...