Chapter 3

57.5K 1.3K 51
                                    

"YOU'RE so cold," puna ni Arnel sa mga palad ng dalaga.

"Malamig dito sa rooftop," mabuway niyang katwiran dahil puno ang rooftop ng maraming tao para maramdaman pa ang lamig. Isa pa, maaga pa para lumamig ang klima. Wala sa loob na natuon ang pansin niya sa babaeng sumungaw sa pinto. Si Cristy. Sa tabi nito ay isang magandang batang babae. That must be Franz's daughter.

Hinanap ng mga mata ni Cristy si Franz at nang matanawan ito ay inakay roon ang bata. Nakita ni Joanna nang malapad na ngumiti si Franz pagkakita sa anak at agad na binuhat ito at pinaupo sa silya. Somehow, ang reaksiyon ay nagdulot sa puso niya ng init.

Nagsalubong ang mga kilay niya nang hagkan ni Cristy sa pisngi ang lalaki. Well, walang unusual doon. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang bigyan niya ng pansin. Inalis niya ang mga mata sa mga ito at nag-concentrate sa pagsasayaw.

"May hindi magandang hangin sa pagitan ninyo ni Franz," ani Arnel. "May problema ba gayong makalipas ang pitong taon ay ngayon lang kayo nagkitang muli?"

Nagkibit siya ng mga balikat. "He probably resented that I worked here."

"Walang dahilan akong makita. You used to stay with them before at magiliw sa iyo ang namayapang si Don Manuel. And you are a very efficient secretary. Isa pa, he could have at least be discreet about it. Hindi dapat sa welcoming party niya."

"Oh, let's not talk about him. Pagod lang marahil si Franz at may jet lag pa," pag-iwas niya.

Nang matapos ang musika at magkaroon ng panibagong tugtugin ay hindi pa rin sana bibitiwan ni Arnel ang dalaga nang tapikin siya sa balikat ni Franz.

"Awat na, pare, ako naman," biro nito.

"Sure, Franz." Nagpahinuhod ang binata. Naglaho sa isip na may masamang hanging namamagitan sa kanila ni Joanna. Ilang saglit pa ay nasa mga bisig na ni Franz si Joanna.

"So, empleyado pala kita, ha? You really took advantage of my father's will to make yourself comfortable here. Well done, Joanna Samson, well done," sarkastikong wika nito na hinapit ang dalaga.

Isang marahang paghinga ang pinakawalan niya. Wala siyang mahagilap na isagot sa sinabi nito. Ang tanging alam niya ay ang mga bisig na nakayakap sa kanya. Ang matitipunong dibdib na naririnig na niya halos ang pintig ng puso. Ang mamahaling cologne na gamit nito that tickling all her senses.

"At ang perang iniwan sa iyo ng Papa, saan mo ginamit, Joanna?" patuloy nito sa pagtuya sa kanya. "Ginamit mo ba sa luho ang perang nakuha mo sa pandaraya at pagsasamantala?"

She winced silently. Pilit na pinapawi ang hapdi sa puso sa mga sinasabi nito. She tried to meet his gaze.

"Where have you been all these years, Franz?" kaswal niyang tanong sa pagsisikap na ilayo ang usapan sa sarili niya.

"Here, there and everywhere. Pero sa loob ng mga panahong iyon ay patuloy akong sinusundan ng alaala ng ginawa mo sa Papa," he hissed on her ear.

Napapikit si Joanna sa dalawang kadahilanan. Mula sa galit na nasa tinig nito at dahil sa haplos ng hininga nito sa tainga niya na nagpatayo sa mga balahibo niya sa katawan.

"Ilang tao ang niloko mo pagkatapos mamatay ng Papa?" Muling wika nito at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"Y-you're holding... me so tight, Franz..."

"For your information, I want to throttle your throat right now!" Bulong lang iyon dahil maaaring marinig ng ibang mga nagsasayaw pero parang kulog iyon sa pandinig ni Joanna.

"Bakit kailangang isayaw mo pa ako kung ganyan naman pala ang pagkasuklam mo sa akin?"

"Upang ipaalala sa iyo ang ginawa mong panloloko sa aming mag-ama!"

"I... I... loved your father, Franz, no matter what you thought of me." She tried to choke a sob.

"Itatanggi mo bang ikaw ang dahilan kaya napadali ang kamatayan ng Papa, Joanna?"

"Pinaniwalaan mo iyan noon, 'di ba? At natitiyak kong hanggang ngayon kaya ano'ng silbi ng sasabihin ko."

"Of course!" marahas nitong sinabi sa pabulong na paraan. Inilayo siya sa maraming tao at sa paningin ng marami ay banayad siyang inaakay patungo sa likurang bahagi ng rooftop kung saan malayo sa mga tao. Pero halos maputol ang pulso ni Joanna sa higpit ng pagkakahawak nito. May mga nagsasayaw na nagsasalubong ang mga kilay sa kanilang dalawa. Ang mga natatandaan ni Franz na kakilala ay matabang nitong nginingitian.

Marahas nitong binitiwan ang dalaga nang sila na lang ang tao. "Paano mo itatanggi gayong nakita mismo ni Cristy ang ginawa mo?"

"Ow, your nice stepsister." Hindi niya itinago ang sarcasm sa tinig. "Oh, yes, she saw and heard it all, 'di ba? At pinatunayan niya sa iyo." Her smile mocking.

Nagsalubong ang mga kilay ni Franz sa tono niya. "Ilang gabing hindi mapagkatulog ang kapatid ko pagkatapos ng pangyayaring iyon," pagtatapat nito.

"Hindi ko pagtatakhan iyon." Patuloy siya sa patuyang tono. Bahagya siyang inilayo ni Franz sa sinabi niyang iyon at tinitigan.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

Nagkibikit siya ng mga balikat. "Wala naman," tumalikod siya at dumungaw sa ibaba kung saan walang makikita kundi mga punongkahoy at ang malayong karagatan na natatanaw sa rooftop. Now she's really cold. Malamig ang simoy ng hangin dahil walang tao.

"Gusto ko lang ipaalam sa iyo na araw-araw tayong magkakasama, Joanna..."

Meaning ay araw-araw ay ganito ang sitwasyon nilang dalawa. Paano niya pakikitunguhan ang mga susunod na araw?

"Of course," sang-ayon niya. "Malibang gusto mong magkaroon ng ibang sekretarya. Maari kang mamili mula sa clerical pool."

"Oh, no. You can't get away from that easy. I will be watching you every minute, Joanna, tulad sa isang magnanakaw," banta nito. Gustong humiyaw ni Joanna sa huling sinabi.

"Masakit ang ulo ko, Franz. Bumalik na tayo sa loob," nakikiusap ang tinig niya. Subalit bago pa makasagot si Franz ay lumitaw sa dulong pasilyo si Cristy at ang bata.

"Oh, there you are, Franz. Hinahanap ka ng anak mo."

"Hello, Daddy. It's so crowded inside." Nagpakarga ito sa ama. Si Cristy ay natuon ang pansin kay Joanna. Nang makilala ay bahagyang nailang.

"Y-you're Joanna, aren't you?"

Itinaas niya ang mukha niya. "Hello, Cristy."

"Oh, w-well... I'm glad to see you, Joanna..."

"Really?" Tumaas ang mga kilay niya. "Pagkatapos na masaksihan mo ang ginawa ko kay Don Manuel?" Naghahamon ang tinig niya.

"Oh, w-well, I have forgiven you for that..."

"Hypocricy becomes you, Cristy." Pagkasabi niyon ay taas-noo siyang lumakad pabalik sa loob.

Si Cristy ay kaswal na binalingan si Franz na nagsalubong ang mga kilay sa mga usapang namagitan.

"Bakit narito ang babaeng iyon?"

"She works here as Mr. Gabriel's secretary tulad ng bilin ng Papa sa testamento nito. And now, my secretary."

"Pahihintulutan mo siyang magtrabaho sa iyo pagkatapos ng ginawa niya sa Papa?"

"I thought you just said you have forgiven her?"

Nagkibit siya ng mga balikat. "Politeness. That's all."

"I'll retain her hanggang wala siyang ginagawang masama. Ayon sa record ng kompanya, she started working here two years after we left. Ibig sabihin ay limang taon na siya rito at walang maipipintas sa kanya si Mr. Gabriel. And I cannot terminate her kung wala namang dahilan. Bukod sa hindi ko gustong maakusahan ng unfair labor practice ay hindi ipinahihintulot ng testamento ng Papa iyon. She will only be terminated if found out unfit of the position sa mga dahilang binanggit sa last will ng Papa," galit nitong sinabi.

"Bakit ganoon na lang ang pagmamalasakit ng Papa sa kanya, Franz?"

Nagkibit ng mga balikat ang lalaki. "He was taken by the innocent look."

Sweetheart Series 3 (You Belong To My Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon