WALA pa si Franz nang dumating kinabukasan si Joanna. She typed her resignation letter, inilagay sa sobre at ipinasok sa loob ng silid ng lalaki.
Hustong alas onse ng tanghali nang dumating ito. Hindi maipinta ang mukha. Huminto sa mesa niya.
"Gusto kitang kausapin," wika nito sa mapanganib na tono.
Huminga nang malalim ang dalaga. Na naman. "Gusto mo akong kausapin o gusto, mo akong insultuhin?"
"Dammit, Joanna. Pumasok ka sa silid ko at mag-usap tayo."
"Talagang hindi mo gustong umpisahan ang araw mo nang hindi ako nalalait at naiinsulto," sarkastikong sagot niya. "You developed sadism in the States, Franz," matabang niyang dagdag.
Nagtagis ang mga bagang nito. "Sumunod ka sa akin."
"Nasa mesa mo ang resignation ko," pahabol niya. Huminga siya nang malalim. Wala siyang ibinigay na araw upang makapaghanap ito ng kapalit. Another day with him could kill her. Effective at the closing of office hours ang resignation niya, irrevocable.
Patayo na siya nang makita niya si Cristy sa may pinto. "Hi," bati nito.
She gritted her teeth. Kung nakamamatay ang tinging ipinukol niya rito ay natumba na ang dalaga.
"No matter what you think of me, Joanna," itinaas nito ang isang kilay. "Gusto kitang pasalamatan sa hindi pagsasabi kay Franz ng totoong nangyari."
"Ilang beses kong tinangkang sabihin sa kanya."
"Oh, he won't believe you," tiwalang wika nito. "Duda ako kung paniniwalaan ka niya seven years ago kung tinangka mong magpaliwanag noon. Lalong hindi ngayon after all these years. It will only appear how bitchy you are."
Iyon din ang nasa isip niya. Hindi na kailangang linawin pa niya ang sarili pagkalipas ng maraming taon at sirain ang pagtingin ni Franz sa babaeng ito.
Akma siyang magsasalita nang bumukas ang pinto sa opisina ni Franz. "Joanna, pumas... Cristy..."
"Hello, Franz," nakangiting bati ng dalaga. "Maaga kang umalis, tulog pa ako. I'm leaving for Manila this afternoon at may kailangan akong sabihin sa iyo."
Tumiim ang mukha ng lalaki. Binalingan si Joanna. "Pumasok ka, Joanna."
"Later, Franz. Kausapin mo muna ako," giit ni Cristy.
"Ang sasabihin mo'y bale-walang marinig kahit ni Joanna." Binigyan nito ng huling warning look ang dalaga. Tumayo si Joanna at sumunod sa loob. Ganoon din si Cristy.
Nakaupo na sa swivel chair nito si Franz at nasa harapan ang resignation letter niya na hindi naman nabuksan pero punit sa gitna.
"I can type another one," walang emosyong wika ni Joanna.
"You can type a hundred for all I care. They won't be read at hindi ko tatanggapin."
"Please, Franz," si Cristy. "Kung anuman ang pinagtatalunan ninyo ay gusto kong sabihin sa iyong kailangan ko ng pera pagpunta ko ng Maynila. Birthday ko na sa isang linggo at kailangang makapamili na ako ngayon pa lang."
"Ano ang ginagawa ng sangkaterbang mga gamit mo, Cristy? Halos karamihan sa mga iyon ay hindi mo pa nagagamit nang doble. Almost all of them were bought in the States." Halatang nagpipigil ito ng galit.
Nagsalubong ang mga kilay ng babae. "What's wrong with you, Franz? You don't really object kung anuman ang gusto kong bilhin."
"Hindi na ngayon. Money is tight at this point in time."
Biglang naningkit ang mga mata ng babae. "Gusto ko lang ipaalala sa iyo, Franz, na pera ko ang hinihingi ko sa iyo. Mana ko mula sa Papa. At next week, pagdating ng twenty-fifth birthday ko ay ako na ang mamamahala sa sarili kong pera." Itinaas nito ang mukha for emphasis.
Tumaas ang sulok ng bibig ni Franz. "Nalimutan mo na ba ang kondisyon sa testamento ng Papa, Cristy? Mapapasayo lamang ang mana kung mapapatunayan ko na karapat-dapat ka sa manang iyon. And I'm glad na sa panahong ito pinili ni Mr. Gabriel na magkasakit. Kung nagkataon ay wala na akong magagawa kapag napasaiyo na ang mana mo."
Nanlaki ang mga mata ni Cristy. "Ano ang ibig mong sabihin? Walang dahilan para hindi mapunta sa akin ang mana ko, Franz!"
"Really?" Nilingon nito si Joanna na nanatiling nakatanga sa usapan ng magkapatid. "Ulitin mo sa kanya, Joanna, ang sinabi mo sa akin," utos nito na ikinabigla ng dalaga.
Ulitin ang sinabi ko?
Marahas na nilingon ni Cristy si Joanna. "Sinabi mo kay Franz!" akusa nito. Nanatiling nakatanga si Joanna na naguguluhan. Tumalim ang mukha ni Cristy. "You, bitch!"
"Calm down, Cristy," salo ni Franz sa mapanganib na tono. "Siguro ay alam mo na ngayon na wala kang manang matatanggap mula sa Papa."
"And you believed that slut, Franz? Ako na kapatid mo? Ako na halos buong buhay mo'y kasama mo?" Mariin nitong pinukpok ang sariling dibdib for emphasis.
"Get out, Cristy," kalmanteng wika nito. Nakita ni Joanna ang pait at sakit sa mga mata ng lalaki. At siya ang nasaktan. Hindi niya gustong masira ang pagtinging iniuukol ni Franz sa kapatid. Kanino nalaman nito ang totoo?
"Hayup ka!" Si Cristy na akmang susugurin si Joanna na napaatras subalit hindi nakalapit sa kanya ang dalaga. Nahawakan na ito ni Franz.
"Huwag mo nang dagdagan ang mga kasalanan mo, Cristy. Hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sa iyo."
Nagpumiglas ang dalaga. "Hindi ko sinasadya iyon, Franz! I never meant for Papa to die. He was strong," pahisteryang sigaw nito. "Alam kong nalalapit na ang loob mo sa babaeng iyan nang unti-unti and I have to do something about it. And I saw that chance for you to hate her!"
"Get out, Cristy," he commanded dangerously. "At pansamantala hanggang hindi ko pa nadesisyunan ang gagawin ko sa iyo, stay out of my sight." Gustong maawa ni Joanna sa anyo ni Cristy bagaman may talim sa mga mata nito nang sulyapan siya. Inilabas mismo ni Franz ang dalaga sa pinto. Ini-lock at nanlulumong nagbalik sa upuan.
Inihilamos ang palad sa mukha at pagkatapos ay ikinulong iyon sa dalawang palad. Hindi malaman ni Joanna ang gagawin at sasabihin. Ano ang nangyari?
"P-paano... mo nalaman?" tanong niya sa maliit na tinig.
Nag-angat ng mukha si Franz. Pakiramdam niya'y higit pa itong tumanda. The pain, regret and bitterness, all visible in his eyes.
"Wala akong alam, Joanna. Now, start telling me."
BINABASA MO ANG
Sweetheart Series 3 (You Belong To My Heart)
Romance"You belong to me, sweetheart, to my heart, now and forever." Hindi mapaniwalaan si Joana na makalipas ang pitong taon ay muling nagbalik sa buhay niya si Franz. Seven years of heartache pero mukhang determinado si Franz na patuluy siyang magdusa s...