NANLAKI ang mga mata ni Joanna sa narinig. "A-ano ang ibig mong sabihing wala kang alam?"
"Hindi ko alam kung paano namatay ang Papa," he said wearily. "I want you to tell me exactly what happened."
"P-pero ang—akala ko ba'y...?"
"I was bluffing. Kinagat ni Cristy."
"Oh!" Hindi siya makapaniwalang ganoon kadali iyon. At isiping pitong taon niyang iningatan iyon sa sarili. Tiniis ang mga masasakit na salita mula sa lalaking ito. Nagtatanong na mga mata ang itinuon niya dito.
"I started to wonder why every time you mentioned her name, you are so sarcastic," simula ni Franz. "At higit kong pinagtatakhan ang pagiging kalmante mong humarap sa akin at sa kanya. Walang taong nakagawa ng kasalanan ang makagagawa ng tulad ng ginagawa mo. Maliban na lang siyempre doon sa mga taong sanay na gumagawa ng pandaraya. Pero hindi ka ganoon, Joanna. Mr. Gabriel vouched for you. Kaibigan mo si Rigo hanggang ngayon na napakapihikan pagdating sa mga kaibigan. Hindi bale si Arnel dahil may pansarili siyang motibo. Rigo spoke highly of you, cared for you, ganoon din si Lacey. And last night, nang magpunta ako sa bahay mo ay nakita kong walang bahid-karangyaan iyon. Wala kahit na modernong kasangkapan maliban sa cassette recorder mo at mga bagong tapes."
"Oh," she sobbed in pained voice na naririnig niya kay Franz na para bang higit itong nasaktan sa natuklasan kaysa kung nanatili itong naniniwalang siya ang may kasalanan.
"Kagabi pag-alis ko dito ay pinuntahan ko ang matandang abogado ng Papa. Sa kabilang bayan na siya naninirahan pero sinadya ko siya doon. Sinabi niyang hindi mo tinanggap ang perang iniwan ng Papa sa iyo." Huminto ito sandali at tinitigan ang dalaga na tila naestatuwa sa pagkakatayo maliban sa daloy ng mga luha sa pisngi. "Inilagay ng abogado iyon sa trust in your name. Hindi mo alam dahil hindi mo naman binubuksan ang mga komunikasyon na ipinadadala niya sa iyo. You returned it unopened. At naunahan ko lang siya dahil makikipagkita siya talaga sa akin nang mabalitaan niyang narito na ako."
Wala sa loob na humakbang ang dalaga patungo sa settee at naupo. Si Franz ay tumayo. Ang mga kamay ay nasa loob ng bulsa ng pantalon at palakad-lakad. Nakatingala sa kisame at hindi niya mabilang kung ilang beses humugot ng paghinga.
"What happened that day, Joanna?" muling tanong nito. "Please..." Nakikiusap ito. Humikbi ang dalaga at sa marahang tinig ay sinabi niya ang totoong nangyari. Hindi niya naiintindihan ang emosyong nasa mukha nito. Galit, paninisi, pait, at kung ano-ano pang kinatatakutan niyang bigyan ng pangalan.
At ang katotohanan ay tila nagsilbi lamang na pader sa pagitan nilang dalawa.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?" tanong nito makalipas ang mahabang sandali. "Bakit hindi mo ipinagtanggol ang sarili mo noong araw na iyon sa halip na papaniwalain ako na ikaw ang dahilan ng kamatayan ng Papa?"
"Paniniwalaan moba ako noon kung sinabi ko sa iyo?" Hindi niya maiwasang hindi haluan ng sarcasm ang tinig niya.
"Hindi marahil sa sandaling iyon. Pero mag-iisip ako, Joanna," protesta nito. "But you never trusted me after what we've shared."
"I have trusted you with my love, my body, and my life, Franz," mapait niyang sagot. "Pero hindi mo naisip iyon. Ang tanging alam mo'y akusahan ako forgetting what you just called now we've shared."
"I've known Cristy since she was six years old," pagalit na pagtatanggol nito sa sarili. "Paano mo pagsususpetsahan ang sarili mong pamilya?"
"At, nakilala mo lang ako nang wala pa halos dalawang buwan. Mahirap at walang maaaring ipagmalaki." Hindi niya gustong samahan ng akusasyon ang tinig pero iyon ang lumabas sa bibig niya. "Kilala ng Papa mo si Cristy, sinabi niya sa akin. You refused to see through her. Pero hindi pagdating sa akin," she said bitterly. "Don't blame yourself, Franz. Kung hindi kayang sirain ni Don Manuel ang ilusyon mo kay Cristy, lalong wala akong karapatang gawin iyon. Wala akong pamilyang masisira. Ikaw ay mayroon."
"Pero sinira mo ako, ang buong pagkatao ko sa nagdaang mga taon, alam mo ba iyon?"
"Huwag mong sabihin iyan. You've gotten married at may lista at magandang anak." Tumayo siya upang humakbang palabas. "Nagpapaikot-ikot lang ang usapan, Franz. Let us stop blaming each other. Anyway, hindi nabago ng pagkaalam mo ng katotohanan ang buhay nating lahat. I'll type another resignation letter."
"I want you, Joanna," he said agonizingly.
"I know. I want you, too. Have wanted you all these years." She tried to choke a sob.
"Then come to me, sweetheart. Kalimutan natin ang nakaraan. Magsimula tayong muli." Nakikiusap ang tinig nito.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. Tumingin nang deretso sa lalaki. Her eyes bitter and weary. "I won't be your mistress, Franz. I'm marrying Arnel."
"You don't love him!" hiyaw nito. "Ako ang mahal mo and you belong here in my arms and in my heart!"
"Matututuhan ko rin siyang mahalin. He's a nice and wonderful man. He had been patient since college days. It would be unfair kung babale-walain ko ang onorableng proposal niya nang dahil lang sa isang lalaking wala nang tiwala sa akin ay may asawa pa at katawan ko lang ang gusto."
"You still don't trust me, Joanna," he said in agony. "Hindi kita pipilitin sa gusto ko dahil gusto kong ikaw ang magpasya sa pagkakataong ito. Sa nakalipas na pitong taon, my life was a wreck because of you. Inihihingi ko ng tawad sa iyo ang ginawa ko. For not trusting you, pero gusto ko ring sabihin sa iyong huwag mong ibigay sa akin ang buong sisi. Aminin mo man o hindi, you helped me through it by remaining silent all these years.
"If you come to me, Joanna, tiyakin mong buo sa puso mo kasama na ang pagtitiwala. I have wasted seven years of my life and I'm still willing to wait for you. It would be a living hell marrying someone you don't love. I should know. And you don't love Arnel." Tumalikod ito at hindi tiningnan ang paglabas niya ng pinto. Marahang isinara ni Joanna ang pintuan na tila isa iyong manipis na salamin.
BINABASA MO ANG
Sweetheart Series 3 (You Belong To My Heart)
Romance"You belong to me, sweetheart, to my heart, now and forever." Hindi mapaniwalaan si Joana na makalipas ang pitong taon ay muling nagbalik sa buhay niya si Franz. Seven years of heartache pero mukhang determinado si Franz na patuluy siyang magdusa s...