SABADO ng hapon at binabaybay ni Joanna ang malaking field sa campus. Pauwi na siya matapos ang practice ng laro.
"Hindi ba si Franz ang papalapit na iyon?" ani Agnes, ang captain ball at alam niyang may crush dito.
Nag-angat ng paningin ang dalaga. Si Franz nga. Parang nagkaroon ng paruparo sa sikmura niya. Ano ang ginagawa ng lalaking ito dito gayong kasama nito si Cristy sa bayan?
"Mag-boyfriend ba kayo, Joanna?" Disappointment ang nasa tinig ni Agnes nang magtanong.
"Ilang beses ko na bang sinagot iyan, Agnes, sa lahat ng mga nagtatanong. Kung boyfriend ko si Franz ay sasabihin ko sa inyong lahat. It would be a pleasure," natatawang sagot niya. At alam niyang hindi siya nagsisinungaling dahil hindi naman sjla mag-boyfriend.
At gusto niyang matawa dahil ginawa na nila ang gawaing para lang sa mag-asawa.
"Kung sabagay ay hindi ang tulad mo ang type ni Franz," sang-ayon nito. "Oh, you're beautiful, Jo, don't get me wrong. Pero alam mo naman iyang mga lalaking tulad ni Franz at ni dela Serna, ayaw ng may sabit. Isa pa, man-hater ang tingin namin sa iyo, eh." Hindi na siya sumagot dahil ilang hakbang na lang ang layo ni Franz.
"Hi, girls," bati ng binata, giving the girls a sexy smile.
"Hello, Franz," si Agnes na hindi malaman kung paano papupungayin ang mga mata sa binata. So devastatingly handsome in his blue jeans and black jacket.
"Tapos na ba ang practice?" Sabay na tumango ang dalawang babae.
"Good. May sasabihin ako sa iyo, Jo," baling nito sa dalaga. Si Agnes ay nagkibit ng mga balikat at iniwan sila.
"Tara doon." Inakay nito si Joanna sa kabilang bahagi ng campus malapit sa bakod na barbed wire.
"A-ano ang gusto mong sabihin?" Si Joanna na luminga sa paligid. Nasa likod na bahagi sila ng kolehiyo. At kinakabahan siyang baka may makakita sa kanila doon.
Bilang sagot ay hinapit siya ni Franz at niyakap. "I miss you, sweetheart."
"F-Franz, ba—baka may makakita sa atin dito..."
"The hell I care," paasik nitong sagot at hinagkan siya sa pisngi. "Hmm... so sweet."
Kumawala siyang pilit. "Please, don't treat me like those... those... girls."
Nagsalubong ang mga kilay ng binata. "Ano ang ibig sabihin niyan?"
"You know what I mean."
Tumiim ang mukha ng lalaki at tumalikod sa kanya at itinukod ang braso sa kahoy na pinagkabitan ng alambreng bakod. "I didn't miss those 'girls' you were talking about, Joanna. I didn't long for their lips hindi tulad ng nararamdaman ko ngayon sa iyo. Hindi ako gumagawa ng dahilan para makawala sa isang sitwasyon para makita lang sila tulad ng ginawa ko ngayong pag-iwan kay Cristy sa bayan dahil dalawang araw na tayong hindi nagkakausap."
"T-thank... you," she said softly. Mabilis na humarap si Franz.
"Thank you? Iyan lang ang sasabihin mo?"
"A-ano'ng gusto mong sabihin ko?"
"Damn you, Joanna!" naiiritang asik nito. "Don't you feel the way I feel?"
"O-of course I do..."
"Mabuti naman kung ganoon," sarkastikong sagot nito. "Malapit mo na akong mainis, alam mo ba iyon?" Nang hindi sumagot ang dalaga at nakatingin lang ay nagpatuloy ang binata. "Sa bahay iniiwasan mo ako. You don't even want to look at me na para bang wala ako roon. Kahapong sunduin kita rito ay nakaalis ka na gayong nasa oras ako. May palagay akong nag-cutting class ka, maiwasan lang ako."
"Tell me what you want me to do, Franz."
Tuluyan na sanang magagalit ang binata nang maisip na siya ang kauna-unahang lalaking nagkaroon ng attachment kay Joanna. In more ways than one, hindi alam ng dalagang pakibagayan ang pagsisimula ng relasyon.
"Ikinahihiya mo bang malamang may relasyon tayo?"
"Do we have a relationship, Franz?"
Napapikit ang binata. "Stop answering me with question!" Kabisado ni Joanna ang pagiging temperamental nito. Bumuntong-hininga ang dalaga. Nagpatuloy si Franz. "Joanna, you don't go to bed with a man at pagkatapos ay saka mo itatanong kung may relasyon tayo."
"Meaning, the usual double standards. You can go to bed with those girls and denied relationship," lohiko niyang sinasabi. Joanna is innocent when it comes to boys pero intelihente. "I am asking you dahil gusto kong malaman kung saan ako nakatayo."
"Sinabi ko na sa iyo ito sa library nang gabing iyon at uulitin ko. You belong to me, Joanna. You will always belong to me ever and ever. Hindi pa ba sapat na pag-amin iyon?"
She relaxed and smiled. "Aren't you being possessive?"
"I am possessive!" mariing wika nito. "Lalo na pagdating sa iyo."
Ngumiti siyang muli showing her dimple. "Tara na at baka isipin ng Papa mong lumampas ako sa oras ng paalam ko," nagpatiuna siyang lumakad. Sumunod si Franz.
"Jo..."
"Hmm..."
"Alam mo bang... mahal kita?"
She inhaled softly pero nagpatuloy sa paglakad. "Yes."
Nagsalubong ang mgakilay ng binata. "Paano?"
"Sinabi mo lang, 'di ba?" Binilisan niya ang mga hakbang.
"And?" angil nito na hinabol siya.
"And what?"
"Joanna!" May warning sa tinig nito. Huminto sa paglakad ang dalaga at lumingon dito. Her eyes skimmed his face.
"All my life, Franz, wala pang nagsabi sa aking mahal ako maliban sa iyo ngayon. Of course, iba naman iyong sinasabi n'ong mga nanliligaw sa akin," she said softly. "And I have never experienced being loved by anyone, not even my adoptive parent. Kaya hindi ko alam sagutin. Pero hindi ko nararamdaman sa ibang lalaki ang nararamdaman ko sa iyo. Even before that wonderful night. I have already cherished you in my heart and I will cherish no one else but you. Only you, ever and ever."
Inabot ni Franz ang mga kamay niya at parehong dinala sa mga labi and kissed one after the other. "That answer is more than enough, sweetheart." And he silently cursed the woman who raised this sweet girl.
BINABASA MO ANG
Sweetheart Series 3 (You Belong To My Heart)
Romance"You belong to me, sweetheart, to my heart, now and forever." Hindi mapaniwalaan si Joana na makalipas ang pitong taon ay muling nagbalik sa buhay niya si Franz. Seven years of heartache pero mukhang determinado si Franz na patuluy siyang magdusa s...