Chapter 20

59.3K 1.5K 158
                                    

ANG HULING pinakamalaking kasalang sinaksihan ng San Ignacio ay ang kasal nina Renz at Kimberly Marzan many years ago. Rigo and Lacey had a simple wedding sa kagustuhan na rin ni Lacey. Pero ibinigay ni Franz ang pinakamarangyang kasal para kay Joanna sa kabila ng protesta ng dalaga.

Hindi pumayag si Arnel na hindi siya ang maging best man sa kasal ng dalawang taong malapit sa puso nito. Tinanggap nitong maluwag sa dibdib na hindi para sa kanya si Joanna.

Ever and ever forever and ever

you'll be the one that shines on me

like a morning sun.

"I love you, sweetheart, I love you and I love you," bulong ni Franz kay Joanna na hindi pinapansin ang nababahalang tinging ibinibigay ng nagkakasal. His eyes filled with so much love.

Hindi sumagot si Joanna. Although, she smiled through misty eyes. Itinuon ang pansin sa nagkakasal na nagsasalubong ang mga kilay sa bulong na naririnig mula kay Franz.

Ever and ever forever and ever

you'll be my spring, my rainbow's end

and the song I sing...

"Bakit ka sumisinghot?" baling ni Rigo kay Lacey sa amused na tono.

"I'm so happy for them, Rig." Idinampi niya ang panyo sa mga mata.

Ngumisi si Rigo. "You can't beat Vida's happiness. Look at her, she's beaming." Inginuso nito si Vida sa magandang damit bilang flower girl. She stole the crowd's attention dahil nakangiti siya sa lahat.

Tumango si Lacey. "She will have the best Mom in the world," aniya at itinuon ang paningin kay Arnel. "Sana'y makatagpo si Arnel ng babaeng karapat-dapat sa kanya, sweetheart."

"Yeah. And I'm sure he will."

•••WAKAS•••

🎉 Tapos mo nang basahin ang Sweetheart Series 3 (You Belong To My Heart) 🎉
Sweetheart Series 3 (You Belong To My Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon