TATLUMPUNG minuto lamang siyang nag-lunch break dahil hindi naman umuwi ng tanghalian si Franz kundi nanatili roon at pinag-aralan ang mga income ng kompanya sa nakalipas na mga taon kasama ng accountant at dalawang managers. Pagbabalik niya'y agad siyang tinawag nito para sa dictation.
"Sigurado ka bang kaya mong isulat ang mga ididikta ko sa iyo? You really looked unrealiable." Naningkit ang mga mata niya sa insulto. He can insult him about what happened seven years ago at hindi siya kikibo pero ang insultuhin ang kakayahan niya ay hindi niya mapapalampas.
"Mr. Gabriel would have told you about my..."
"Wala akong pakialam kay Mr. Gabriel!" he snapped. "Ano ang malay ko kung pati ang pobreng matandang iyon ay naloko mo sa inosenteng mga mata mo."
She counted one to ten and controlled her breathing. "Alright, let's start then 'pag hindi ko nagawa nang tama ang trabaho ko, then you should be glad. You will have grounds to terminate my services." Itinaas niya mula sa kandungan niya ang steno notebook at inihanda ang sarili.
Sa nagtatagis na mga bagang ay mga pangalan ng bagong supplier at customers ang idinikta nito sa mabilis na paraan. Pagkatapos ay ang sulat para sa mga ito na bagaman iisa ang laman ay idinikta sa paraang halos hindi niya magawang huminga. Pero kung inaakala ng lalaking ito na hihinto siya upang magtanong, then he had to think again!
Pero si Franz ang huminto makalipas ang ilang sandali. "Masyado ba akong mabilis para sa kakayahan mo?" Hindi itinago ng magalang na pagtatanong ang panunuya sa likod ng tinig nito.
Matabang na ngumiti ang dalaga. "Don't worry. I have always been aspiring to break the record in speed writing."
Gusto niyang isiping ngiti ang naroon sa likod ng mga mata ng lalaki na sandali niyang nasilip. Pero natitiyak niyang imahinasyon lang niya iyon. Subalit ang sumunod na dictation nito'y nasa normal na paraan na at hindi niya mapigil ang paghinga nang maluwag.
Ang unang araw nilang dalawa ni Franz ay lumipas nang hindi niya namamalayan. She was so tired pagdating sa kanila at hindi niya masisi ang lalaki dahil nangangapa pa ito sa trabaho. And she didn't mind all the insults dahil iyon ang nasa isip ni Franz sa pagkatao niya bagaman matinding hapdi ang nararamdaman niya sa ginagawang iyon ng lalaki.
KINABUKASAN ay ipinalabas lahat sa kanya ni Franz ang lahat ng mga files ng mga empleyado at kalahating araw na isinubsob ang ulo doon. She was glad for a break dahil natuon sa kanya ang pansin nito.
Malapit na ang uwian at kasalukuyang nasa harapan siya nito at ibinibigay ang isang file nang bumukas ang pinto at pumasok si Vida na kasama ang yaya.
"Hi, Daddy..."
"Hello, sweetheart." Sinasadya o hindi ay lumingon sa kanya si Franz sa huling salita pero sandali lang. Hinarap ang anak at kinarga at ipinatong sa mesa. "How have you been?"
"Fine, Daddy. I asked Yaya to swim with me. Pero ayaw." Nilingon nito si Joanna. "Who is she?"
"Her name is Joanna, my secretary," pormal nitong sagot na ibinaling ang tingin sa kanya.
Nginitian ni Joanna ang bata. Gumanti ng ngiti si Vida. "Hello. I saw you at the party. I thought you were just beautiful because you had makeup..."
"Vida..." saway ni Franz.
"But you're still pretty and you have no makeup unlike Tita Cristy." Hindi mapigil ni Joanna ang mailang sa kabila ng bata lang ang nagsabi.
"Thank you, Vida."
BINABASA MO ANG
Sweetheart Series 3 (You Belong To My Heart)
Romance"You belong to me, sweetheart, to my heart, now and forever." Hindi mapaniwalaan si Joana na makalipas ang pitong taon ay muling nagbalik sa buhay niya si Franz. Seven years of heartache pero mukhang determinado si Franz na patuluy siyang magdusa s...