HANGGANG sa matapos ang party ay nanatili si Joanna. Hindi na siya nilapitan pa ni Franz pagkatapos noon. She tried to circulate and talk to people. She'd die kaysa malaman ni Franz na naapektuhan siya ng presensiya nito. Iyon ang dahilan kaya hindi siya umuwi kahit iyon na ang ibinubulong ng dibdib niya.
She danced almost every piece. With Arnel, with friends, and once with Rigo.
"Alam mo bang lahat ng lalaking isinasayaw mo ay tinitigan nang masama ni Franz," nakangiting sinabi ng lalaki.
"Imahinasyon mo lang iyon."
"You're killing me with curiosity, Joanna."
"At maraming namamatay sa ganoon, Rig," natatawang sagot niya.
"No kidding, Joanna, I could smell problems. Kung anuman ang mayroon sa pagitan ninyo ni Franz, nandito lang ako at kung kailangan mo ng tulong, namin ni Lacey," seryosong wika ni Rigo. Pagkatapos ay idinagdag: "What are friends for?"
Banayad siyang tumango. "Salamat, Rig. Huwag kang mag-alala, ilalagay ko sa isip ko ang sinabi mo."
"Alam kong nag-iisa ka na lang, Joanna. Pero hindi ka namin pipilitin ni Lacey. You can do it in your own good times."
Ngumiti ang dalaga. Pagkatapos ay itinuon ang mga mata kay Cristy na nakaupo sa mesa kasama si Franz, si Vida, at si Mr. Gabriel.
"Why aren't you dancing with Cristy? Nakikita kong kanina ka pa niya binibigyan ng come-on look."
"Papatayin ako ni Lacey," biro nito na sinabayan ng tawa. "Sa iyo lang niya ako ipinagkatiwala." Nakitawa na rin ang dalaga.
INIHATID siya ni Arnel sa kanila nang mag-uwian na. At hindi maiwasang banggitin ng binata ang tungkol sa biruan noong pagdating nila.
"May pag-asa ba talaga ako, Joanna?"
"I like you, Arnel. Mula pa noong araw sa kolehiyo hanggang ngayon. Pero bilang kaibigan at hindi bilang boyfriend o asawa," tapat niyang sinabi. "Minsan man ay hindi kita pinaasa."
"Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa, Joanna. Huwag mo lang akong pagsarhan ng pinto diyan sa puso mo." Tumango ang dalaga at bumaba ng sasakyan.
Sa loob ng silid niya ay agad niyang ibinagsak ang sarili sa higaan. The first hurdle in meeting Franz was easy. Kaya niya ang susunod na mga araw.
Tumitig siya sa kisame at mula roon ay muling ibinalik sa isip ang nakaraan, pitong taon na ang lumipas.
She was barely seventeen at nasa irregular second year.
BINABASA MO ANG
Sweetheart Series 3 (You Belong To My Heart)
Romance"You belong to me, sweetheart, to my heart, now and forever." Hindi mapaniwalaan si Joana na makalipas ang pitong taon ay muling nagbalik sa buhay niya si Franz. Seven years of heartache pero mukhang determinado si Franz na patuluy siyang magdusa s...