Chapter 18

64.2K 1.3K 53
                                    

ANG DAGAT ang binaybay ng dalaga. Gustong hanapin ang sarili sa mga alon. Mahal niya si Franz at mananatiling mamahalin lumipas man ang maraming taon sa buhay niya. Iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi niya magawang mag-entertain ng ibang mga manliligaw maliban kay Arnel na kahit kailan ay hindi gustong sumuko.

Totoo marahil na magiging maligaya ang panlabas niyang buhay sa piling ng binata. Pero paano ang damdamin niya? Natitiyak niyang hindi niya maibibigay ang pag-ibig na para kay Franz sa ibang lalaki.

Kung gaano kahaba ang binaybay niya ay hindi niya matiyak hanggang sa matanaw niya ang mansiyon ng mag-asawang Rigo at Lacey. For sure, nasa textile mills si Rigo. Pero natitiyak niyang nasa mansiyon si Lacey. Dinala siya ng mga paa niya sa backdoor.

"Joanna!" Si Lacey na naghuhukay ng mga halaman.

"Hi," nakangiti niyang bati. "Galing ako sa dagat." Niyuko niya ang sarili. Puro buhangin ang basang mga binti at bitbit ang sapatos.

Natawa si Lacey. "I used to walk in the beach 'pag may problema ako."

"So you've guessed na may problema ako?"

"I don't have to guess, nasa mukha mo. Tulad din ni Franz kagabi."

Nagulat siya roon. "He was here?"

Tumango si Lacey. "Agonizingly poured his heart out. Why, I was really amazed by those two men. Noon ko lang napatunayan kung gaano sila kalapit sa isa't isa."

Huminga siya nang malalim. "They were friends, even before Rigo set his eyes on you. Wala na lang si Franz noong magkakilala kayo ni Rig."

Tinitigan siya sandali ni Lacey bago nagsalita. "Hindi pa namin naitatanong kay Arnel ito at natitiyak kong kahit na magkasama ngayon sina Arnel at Rigo ay hindi itatanong ng asawa ko iyon sa kaibigan niya. But I would like to ask you now, are you really going to marry Arnel?"

"May dahilan ba para hindi?"

"Arnel is a good man and a good friend mula pa noong makilala ko siya. But that is not the point. Hindi mo siya mahal."

"Does it matter? Ikaw na rin ang nagsabing mabuting tao si Arnel. He will make me happy."

"Siguro. Hindi ko kayang tiyakin. And that is a gamble you will be taking." Ibinaba ni Lacey ang panghalukay sa tabi ng paso at naupo sa garden set. Niyaya rtito ang dalaga na maupo rin at nag-utos sa maid ng maiinom.

"Sa sugal, may nananalo at may natatalo. Ang kaalamang mahal ako ni Arnel at ang pagiging mabuting tao niya ay sapat na para makatitiyak ako ng panalo."

"I have nothing against Arnel, Joanna. We have nothing against him. Arnel is a wonderful man. I am saying this dahil pareho kayong mga kaibigan. Kayong tatlo nina Franz. Hindi namin gusto ni Rigo na masaktan si Arnel pagdating ng panahon dahil hindi mo siya natutuhang mahalin. He deserved someone who would really love him. At ikaw, hindi ba pahihirapan mo ang sarili mo sa gagawin mo? Imagine yourself waking up each morning of your life with someone next to your pillow na parang estranghero dahil hindi mo mahal. Sharing meals with somebody you don't really want to be there to share with."

"Gusto mo bang sabihin sa aking mali ang gagawin kong pagpapakasal kay Arnel?"

"Mali, if you want my opinion, dahil gusto mong takasan si Franz sa pamamagitan ni Arnel and that would be unfair para sa inyong dalawa. Pero nasa sa iyo ang pagpapasya. We will not decide for you. Buhay at kaligayahan ninyong tatlo ang nasa kamay mo. Binibigyan lang kita ng insight."

Pinuno niya ng hangin ang dibdib at tinanaw ang dagat. Sandaling katahimikan ang pinalipas bago siya muling nagsalita. "Franz is married."

Nangiti si Lacey. "I'll tell you a secret. Hindi ko dapat sabihin sa iyo ito at tiyak na magagalit si Rigo sa akin. But damn those men that I cannot decide kung mga masochist o sadist. Isa pa, ito lang ang maitutulong ko para mapadali ang pagpapasya mo. Franz is divorced for four years now."

Nanlaki ang mga mata ni Joanna. "T-that's a... bad joke."

"Hindi niya gustong sabihin sa iyo dahil gusto ka niyang parusahan sa ginawa mo. Na sa palagay ko ay hindi naman talaga dahil doon kundi gusto ka niyang parusahan dahil sa pagdurusa niya at paninikis sa sarili sa nakalipas na mga taon when he was so in love with you."

"Did he tell you both what happened seven years ago?" Hindi pa rin niya kayang isipin ang sinabi ni Lacey. Wala nang asawa si Franz!

"Kagabi lang. At higit siyang nasaktan doon, Joanna. And all these years he wanted to hate you." Banayad na ngumiti si Lacey. "Napaka-trite na ng kasabihang 'you always hate the one you love,' 'di ba?"

"Alam na niya ang totoo kaninang umaga tungkol sa totoong nangyari seven years ago pero hindi pa rin niya sinabi sa aking wala siyang asawa. All along he wanted me to be his mistress," naguguluhang wika niya.

"Trust failed you both seven years ago. Siguro ay gustong malaman ni Franz kung pagtitiwalaan mo siya uli."

Naningkit ang mga mata niya. "That's absurd. How can he expect me to have a relationship with him kung sa isip ko ay may asawa siyang tao." Tumayo ito. "Thanks for telling me, Lace. Pero may palagay akong may aayusin lang akong mahalagang bagay."

"Wishing you happiness, Joanna."

"I doubt it," pagalit niyang sinabi para kay Franz.

Nagmamadaling bumalik sa pinanggalingan. Malayo iyon but at least natulungan siya niyong mag-isip.

She probably have walked a mile nang matanawan ang private beach ng mga Ramirez. Malapit nang humapon at natitiyak niyang naroon na si Franz. Binaybay niya ang landas patungo sa bahay.

"Hello, Aling Seling," bati niya sa matandang katulong.

"Joanna?"

"Ako nga po. Nariyan na ba si Franz?"

"Kararating lang. 'Eto at ginagawan ko nga ng kape."

"Mamaya na ninyo ihatid iyan, Aling Seling. Kakausapin ko muna." Dere-deretso siya sa bahay na pitong taon ding nakasara. Sa library ay itinulak niya nang malakas ang pinto na nakapag-angat ng ulo ni Franz na nakahilig sa sandalan.

"Joanna!"

"Ako nga," pagalit niyang sagot. Pinuno niya ng hangin ang dibdib bago sinimulan ang litanya. "Sa loob ng pitong taon sa buhay ko ay hindi ka naalis kailanman sa puso at isip ko. Walang ibang lalaking nagkapuwang sa dibdib ko maliban sa iyo. At kahit minsan ay hindi ko inisip na palitan ka rito." Itinuro niya ang dibdib. "And to think you are a bastard! Hawak mo man ang buong buhay at pag-ibig ko sa palad mo, pakakasalan ko man o hindi si Arnel, hindi ko papayagan ang sarili kong maging babae mo, Franz Ramirez!"

"Joanna..."

"No. Let me finish," agap niya sa nanlilisik na mga mata. "Hindi mo sinabi sa akin kanina na wala ka nang asawa. That you were divorced years ago. Ano ang rason mo? Are you worried na baka 'pag nalaman kong wala kang asawa ay yayayain kitang pakasalan mo ako when you can have me without doing that?"

"Joanna, please..."

"Don't please me, damn you! I hate you for coming back to my life! Kahit ikaw na lang ang kahuli-hulihang lalaki sa lupa ay hindi ako pakakasal sa iyo!" Nahagilap ng mga mata nito ang bunton ng papel sa mesa. Dinampot iyon at ibinato sa lalaki at pagkatapos ay patakbong lumabas. Tinalunton ang daang pinanggalingan at walang lingon-likod na tumakbo.

Sweetheart Series 3 (You Belong To My Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon